Blogger Shirt at Nose Bleed

Isang buwan na rin pala ang nakaraan nung um-order ako ng dalawang shirts sa BloggerShirts.? Actually, tatlo ang kinuha ko, yung isa custom design. Ilang araw ding palitan ng emails from the staff ng bloggershirts at sa mismong owner nito na si Sir Fitz dahil nga sa custom design at syempre nasa ibang bansa ako at nung panahon na yun wala pa silang way para mapadala sa ibang bansa ung shirts.

Eto na ang simula! Syempre dahil gusto kong magkaruon ng custom design na shirt na para lang sa akin kailangan kong mag-inquire sa kanila. Email lang ang paraan ko para makausap sila, eto na. Todo english ako sa pag-i-inquire, mabilis namang silang magreply, english din. Ilang araw din na palitan ng email yan na panay english hanggang sa ipasa ako kay Sir Fitz para ma-finalize na nga ang lahat, English na naman! Di ba nila nakikita sa mga replies ko na balu-baluktot na english ko at halatang hirap na ako?!

Ang resulta, naubusan ako ng english kaya hinaluan ko ng konting tagalog. Aba! Naintindihan! Pwede naman palang tagalog, pinahirapan pa ako ng ilang araw.

Kung alam lang nila kung ilang oras kong kino-compose ang reply ko sa kanila…

Pero napawi ang lahat ng hirap ko nung dumating ung shirt. Alam mo bang nagpadala ako sa kanila ng pera galing dito sa Palau papuntang Pinas nung July 15, Friday yan. At sabi nila, 5 days daw kapag sa Pilipinas lang ipapadala, pero kapag sa labas na ng bansa, 20 days! Tagal no?

Pero dahil napansin siguro nila ang hirap ko sa pag-e-english, July 20 may tawag na sa akin mula sa shipping company dito sa Palau, may package daw ako!!! At ang inaasahan, syempre ung shirts na order ko mula sa BloggerShirts.

Biruin mo yun, nasa Palau ako, pero naasikaso nila ang lahat ng walang limang araw, ang tutuo ikaapat na araw pa lang ay nakasakay na sa eroplano ung mga shirts na order ko at papunta na dito. Ang bilis lang no?!

Isa lang yan sa shirt na order ko. Sa ngayon balak kong gumawa ng design para naman sa Isang Minutong SMILE, para sana sa mga pakulo nitong darating na mga buwan bago ang SMILE Day. At sa BloggerShirts ko ipapagawa yan.

Kung nag-aalangan ka dahil nasa ibang bansa ka, etong good news from bloggershirt;

We now have international shipping! Currently, we cover the following countries: Brunei, Cambodia, China, Hong Kong, India, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Taiwan, Thailand and Vietnam…Complete List

Sa mga gusto palang mag-sponsor ng mga prizes sa Project SMILE at sa magaganap na Outreach Program nitong December, dito lang po ako matatagpuan…Tatanawin naming isang napakalakeng utang na loob na muling makapagpangiti ng mga bata ang Project SMILE dahil sa tulong nyo.

Sana may mapangiti tayo ngayong taon.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Hmm.. gusto ko ring magkaroon ng ganyang Tshirt. nainggit ako.. haha.. 🙂

    Good luck po sa Project Smile. Sana nga po ay madami ang mapangiti ngayon taon. 🙂

  2. says

    Woot! Salamat sa pag-blog, hehe. Magkakaroon na rin kami ng shipping sa iba pang mga bansa soon, at kasama ang Palau doon.

    Thank you ulit sa pag-order. Hintayin ko ang susunod. 😀

  3. animus says

    hi LordCM!
    gusto ko din ng ganyang t-shirt.. color white naman.. ang cute! 🙂

    goodluck sa napakagandang adhikain ng Project Smile! super like! 🙂

    • LordCM says

      pwede ka magrequest sa kanila dhee, punta ka sa link tpos may contact us dun…para meron ka na ring shirt 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *