Bertdey Ko Na!!!

Lapit na naman kaarawan ko, habang tumatagal nadaragdagan ang edad ko. Kung pwede lang sana na pagdating ng 30 years old ay paatras na ang bilang o kaya naman tigil na sa 30. Kaso di naman pwede. Sayang!

Tulad ng mga nakaraang taon, di ko na naman kasama pamilya ko sa pagseselebreyt ng aking kaarawan, pero ganun pa man, masaya na akong? may text o fb message akong nakikita sa wall ko na galing sa kanila. Para ko na rin silang kasama.

Simple lang naman ako magbertdey eh, walang balloons at lalong walang kandilang ibo-blow sa ibabaw ng cake. Kalimitan spaghetti lang na ipinaluto tapos inuman kasama ang piling tropa. Etong darating na kaarawan ko, malamang ganyan din. Linggo bago ang aking kaarawan ko ito gaganapin para hindi naman makasagabal sa trabaho namin. At tulad ng dati, sa barracks lang para konting lakad lang, kama na at pwede nang humiga kapag tinamaan.

Sa loob ng walong taon ko dito, ganyan lang naman madalas ang handaan sa tuwing kaarawan ko. Pero nitong nakaraang araw, sa hindi inaasahan, dumating ang renewal papers ko!, At kailangan maisubmit bago mag september 9. Sapul ang kaarawan ko! kasi sarili kong gastos ang renewal, kasama jan ang medical exam, police clearance, picture, etc. Mababawasan ang pang bertdey ni LordCM…

Naikwento ko ito sa isang kakilala, umaasang sabihin nya na “sige, akong bahala sa isang kahong beer”, pero hindi! hindi nangyari, dahil ang sinabi nya;

Madali lang yan, wag kang mag-renew, may pangbertdey ka na!

Tama ba naman yun? Hehehe

Nga pala, di naman ako manghihingi ng picgreet, pero kung magpapadala kayo nasa lordcm18 @ gmail dot com lang ako…kung di naman, masaya na ako sa pagbati dito sa comment box ko…

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      hahaha, kahit lucky me pancit canton lang pre ok na un pangselebreyt, mahirap naman kapag di magselebreyt 😀

  1. animus says

    weeehh! advance happy birthday LordCM! tama ba intindi ko, sept 9 bday mo?

    gusto ko ding magpadala ng pic greet! (yun nga lang wag umasang maganda, nde ako artistic) ..:-)

  2. says

    ngayon na ba bday mo from the dungeon? bat hindi lumalabas sa events ko sa fb? mamimigay ka ba ng t-shirt sa mga magbibigay sayo ng pic greet? haha!

    maligayang pagmamature sayo from the dungeon. mas lalo kang nagkaka-edad, mas lalo naman akong bumabata. aylabet! 😛

    • LordCM says

      anong ngayon? isang linggo pa mahigit ang bibilangin bago bertdey ko 😀 … tshirt, saka na kapag mayaman na :))

      uy ‘Te. teenager?! lolzz ikaw na ang bumabata 😀

  3. says

    Kung may deadline po kayo ng pic greeting, kelan po? Advance happy birthday po kuya Charlie.. I hope you’ll have a wonderful day.. 🙂

  4. says

    happy birthday!!!! pabati na lang… lolz… di ka nag-send saken non kayah.. lolz… well akoh maybe 50 50 depende sa trip… but if not.. happy birthday kuya… *hugz*… Godbless!

    • LordCM says

      hahaha, gantihan ba? lolzz, ok lang dhee, basta nag greet ok na saka inlab k naman ngayon kaya ok na yun :))

  5. says

    Good idea ‘yang naisip ng kasama mo. ^_^ Wag ka na mag-renew para nga naman may pang-bertdey ka. He he he.

    Happy happy birthday CM. Ang edad ay numero lang. Apir.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *