Halungkat Series No. 014

 

Hindi yata tamang sabihin na mahal mo ang
isang tao kung hindi ka kuntento dito…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alam mo, hindi lahat ng gusto tayong makasama
ay mahal tayo, yung iba takot lang…Takot
lang sa maaaring mangyari kapag nagkahiwalay
kayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Just be yourself, kung ano ang emosyon mo,
kung ano ang nararamdaman mo, yun lang ang
isulat mo, mahirap ung magsusulat ka ng hindi
ikaw, hindi yung nararamdaman mo…palabasin
mo lang ng malaya ang bawat salitang gustong
kumawala

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan mahirap tumangge lalo’t mahal mo ang
maaapektuhan…mas minamabuti nating
magsakripisyo para sa kanila maibigay lamang
lahat…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan pre kailangan mong i-let go ung mga
taong mahalaga sayo kahit pa sobrang
sakit. Lalo’t ang magbibigay kaligayahan sa
kanila ay yung wala ka sa tabi nila.

 


Ang Halungkat Series ay koleksyon ng mga payo o kumento ni CM sa mga kaibigan dito sa mundo ng sapot. Di ko sinasabing kaya kong gawin lahat ng kinukumento ko pero sana makapagpagaan man lamang ng konti sa iyong dinadala?

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      ako rin, pero minsan mahirap din gawin yan eh…minsan kasi iniisip ko rin yung mga magbabasa kaya kahit gusto kong isulat ung nararamdaman ko, umaayaw ako 😀

  1. says

    eto ang tumpak

    Alam mo, hindi lahat ng gusto tayong makasama
    ay mahal tayo, yung iba takot lang?Takot
    lang sa maaaring mangyari kapag nagkahiwalay
    kayo.

    pramis! hehehe

  2. says

    Gusto ko yung number 3. Kaso minsan, may nagsasabi sa akin na masyadong seryoso ako magsulat o kaya boring daw basahin posts ko… LOL. Pero wala lang. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *