Facebook Privacy Setting Tip

Maiba naman tayo, puro personal na bagay lage ang topic ko eh. Subukan kong magbigay ng tip tungkol sa ibang bagay. Kumbaga kung ano ung natututunan ko, share ko na rin sa inyo. Eto na;

Lahat naman siguro tayo gumagamit ng facebook? Ay hindi pala, nanay ko walang Facebook. Pero karamihan sa atin gumagamit nito, ung iba hindi na alintana ung panganib na dulot nito sa bawat isa sa atin. Sige lang ng add ng picture kahit kita na kaluluwa, add lang ng add ng friends na kala mo may contest ng paramihan tapos di nila alam na lahat ng nasa friendslist nila ay nakikita kung ano man ang mga pinaglalagay nila sa Facebook.

Minsan din may mga sitwasyon na in-add ka ng isang friend na hindi naman talaga tunay na friend. Yun bang nakakausap mo lang sa internet, sa facebook, sa YM, etc…Pero di mo talaga kilala kung sino sya, ano sya at kung ano ang pwede nilang gawin. Ikaw naman since nagkakausap naman kayo online, accept mo na lang friend request nya kahit di mo alam kung anong pwede nilang gawin sa mga inpormasyon, pictures at sa kung anong nakalagay sa Facebook mo.

Pagka-accept mo ng friend request, ayan na si friend na di mo tutuong friend? naghahalungkat ng mga pictures mo na pwede nyang gamitin sa kahit anong kalokohan. Eto ka naman at walang kaalam-alam, binebenta ka na pala ni friend na di mo naman tutuong friend.

Gusto mo ba un? Sa pok-pok siguro, gustong-gusto, pero ikaw na disente, karespe-respeto, at kagalang-galang na tao(Naks!), ayaw mo nyan syempre…Kaya kung sakaling mangyari sa iyo ung nasa taas at nahihiya kang i-deny ung request ni friend na hindi mo naman talaga friend, gawin mo to;

 

Login ka muna syempre, sa Facebook wag sa Yahoo.

Punta ka sa Profile mo, at sa bandang kaliwa

hanapin mo ung menu na tulad ng imahe sa baba.

Click mo ung Friends para lumitaw ung friendslist mo

Pagdisplay ng friendslist,

Click mo ung Edit Friends para naman

ma-edit mo ung details ng friendslist mo.

 

Kapag lumitaw na ung screen para sa Edit Friends,

Click mo naman ung Create a List


Yan ang window na lalabas kapag ni-click mo ung Create List

Isip ka ngayon ng group name na pwede mong gamitin para

mai-group mo ung mga friends mong hindi mo talaga kakilala.

Base sa sampol, nilagay kong name is ‘di-ko-kilala

tapos sa bandang gitna andun yung mga friends mo,

piliin mo ngayon ung mga nasa friendslist mo na

hindi mo naman talaga friend

kapag tapos ka nang piliin ang mga friends na hindi mo naman talaga friend

click mo na ung Create List.

Ayan! Lahat na ng friends mo na hindi mo naman talaga friend

naka-group na sa iisang group name na ‘di-ko-kilala

Di pa tapos!

Punta k sa Account->Private Settings

 

Etong imahe sa baba ang susunod mong makikita

Click mo ngayon ung Customize Settings

para lumitaw itong imaheng susunod

 

Click mo kahit ano jan, o kung anong partikular na features

ng facebook ang ayaw mong ipakita sa

mga friends mong hindi mo naman talaga friend

Try natin ung ‘Edit privacy settings for existing

photo albums and videos.

para hindi makita ni friend na hindi naman tutuong friend yung

mga pictures mong labas gilagid.

 


Ayan, pagka-click mo nung “Edit privacy settings….

lilitaw na ung mga photo album mo.

Click mo ung button na may icon na kandado

sa baba ng Photo Album Name para lumabas ung sub-menu

saka mo i-click ung Custom

Pagka-click mo ng Custom, etong imahe na to ang lalabas.

Sa bandang baba may makikita kang Hide this from.

Type mo ngayon ung Group Name na ni-create mo kanina

sa These people na box.

Auto-complete yan kaya kahit di mo pa nata-type lahat

may lilitaw nang pagpipilian mo na mga Group Name.

Type mo o piliin mo ung Di-ko-kilala

tapos Save Setting.

Gawin mo ngayon sa lahat ng album mo yan kung gusto mo.

 

Ayan! Di na makikita ni friend na hindi mo naman tutuong friend

ung mga pictures mo..pero ung mga friends mong tutuo at di kasama sa group

na Di-ko-Kilala ay enjoy pa rin na makikita

ung naggagandahan mong pictures

 

Pwede mo rin gawin sa ibang features ng Facebook yan

gaya ng Post By Me,

baka ayaw nyong ipakita sa iba ung mga pinopost mo sa Facebook

Gawin mo lang ung nasa taas.

 

At sa susunod na magkaruon ka na naman ng friends request from

friend na di mo naman tutuong friend

add mo na lang sya sa list/group na Di-ko-Kilala

kung di mo talaga sya ma-deny.

 

Napakilala ko na ba sa inyo si

Friend kong hindi ko naman talaga tutuong Friend?

Comment ka lang at ibubulong ko sayo…

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    i never add nor accept friends in fb na di ko kilala. para sa akin kasi, private own ko ung account ko at responsibilidad ko na protektahan ko, kaya to be safe, kilala ko lang friends ko don.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *