Wala na ba talagang magawa…

Wala na ba talagang magawa ang mga opisyal ng ating bansa, At sa bawat pag-iba ng tono ng Pambansang Awit na Lupang Hinirang ay pinag-uusapan,? nagkakademandahan at nagkakagulo ang mga opisyal ng Gobyerno? O nagkataon lang na laban ni PacMan kaya nakikisawsaw sila sa kasikatan?

Wala na bang ibang problema ang bansa at pati simpleng pagkanta ay pakekealamanan? Aling bansa pa bukod sa atin ang seryoso sa ganitong bagay? tayo lang ata!… Oh!, Baka nga naman umangat ang ekonomiya ng? bansa at makabayad tayo ng pagkakautang sa ibang bansa kapag nakanta ng maayos ang Lupang Hinirang sa laban ni Pacman na kung tutuusin ay yung mga nakaposisyon pa ang hindi nakakabisa sa mismong Pambansang Awit.

Wala na ba talagang magawa ang mga opisyal ng ating bansa, at papatawan daw ng parusa ang mga sangkot sa krimen sa pamamagitan ng social networking site? Bakit? Hindi ba mapaparusahan ang may sala kung hindi sya gumamit ng social networking site gaya ng Facebook? Ang krimen ay krimen kahit anong paraan pa ginamit. Hindi kailangan gawan ng batas ang mga social networking na tulad ng Facebook para lang maparusahan ang may sala…Gobyerno talaga, wala nang magawa!

Wala na ba talagang magawa ang mga opisyal ng ating bansa, at pati ang? mamamayan ay nakikisalo na sa pakikipag-agawan sa Spratley Island? Oo,? karapatan nating makealam, pero sa ganitong paraan?, Paki-like mo naman tong Facebook Page namin, eto oh, 1,000,000 Likes for Philippine Rights on Spratly Islands … Mapapasa-atin nga ba ang Spratley Island kapag naka 1,000,000 LIKES ang isang page sa Facebook?

Hello?!!!Kahit 5M pa ang maglike jan, walang mangyayari sa atin. Mas ok pa kung yung 1M na nag-like ay gawing mga sundalo at papuntahin sa Spratley Island at duon magbantay.

Wala na ba talagang magawa ang mga opisyal ng ating bansa, at kung maliitin tayo ng ibang bansa ay ganun-ganun na lang? Tulad nitong Philippines Belongs to the Devil Facebook Fan Page na mayroong 10,824 Likers.

Ang mahirap, Pinoy pa yung ibang nagla-LIKE!!! Hindi sa kinakalaban ko yung mga nag-LIKE sa Philippines Belongs to the Devil Fan Page ah, alam ko naman na gusto nyo lang silang paliwanagan na hindi ganun ang Pinas, Gusto nyo lang ipaintindi sa kanila na mali sila sa akala nila…Pero sana naisip natin, Isang tao lang o dalawang tao lang ang may gawa nyan, ang dami natin, at mas kilala natin ang sarili nating bansa, bakit mo pa papatulan ang isang Facebook Fan Page? At bakit mo pa ila-LIKE ang isang Fan Page na title pa lang ay hindi mo na gustong i-LIKE?

Wala na ba talaga akong magawa at pati yung mga nasa taas ay pinansin ko?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. LordCM says

    Suportado ko po ang ating bansa sa pakikipaglaban na mapasa-atin ang Spratley Island, pero kung sa paraang nasa taas na wala namang malinaw na kahihinatnan, hindi po masamang magtanong bago ako mag-like.

  2. says

    tama, bkit nila nila-like ang fan page na title pa lang hndi mabuti.. hay mga pinoy nga naman.. tungkol naman don sa spartley islands, matagal ng prob yan.. hehe!

  3. says

    pinoy kasi basta lang makalike…

    gaya gaya ba kahit ndi naiintindihan..

    kaya kaya ginagawa tayong tanga ng mga buwayang sakin na nakapwesto sa tin bayan…

  4. says

    hayy ang pulitika nga naman sa tin nakakainis at nakakapika….wala talaga silang magawa kung anu-anong batas ang gustong ipagtibay e walang kwenta naman mga to….grabe naman yun gumawa ng fanpage na yun about PHilippines sila talaga ang walang magawa, masilip nga pero di ako magla like no hehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *