Swerte ni Bob Ong Part 3

Bob Ong : Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

Ako : Eto naman, ang daling sumuko!Sandali…nagmahal ka na ba?, try mo kayang magmahal at subukang hayaan na lang, tingnan natin kung madali lang. Ang hirap kaya!

Bob Ong : Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.- macarthur

marami palang libreng lecture sa mundo… Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisiyon mo kung kanino ka magpapaturo.– ABNKKBSNPLAKo?!

Ako : Ano ba talaga gusto mong iparating? Pumasok sa school ang kabataan at magbayad ang mga magulang ng mahigit dalawang dekada para sa pag-aaral ng anak nila? o makinig at matuto sa sinasabi mong libreng lecture sa mundo? Ang labo mo! nagbago lang ng libro, nagbago na rin pananaw mo.

Bob Ong : Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

Ako : Walang kasigaruduhan ang lahat maski pagmamahal. Malay mo naman ang mang iwan sayo eh yung sakit, edi puro kasiyahan ka na. Walang masama sa umasa, ang masama ay wala kang aasahan. Pero kung tulad nyan na minsan masaya ka naman, ok lang na umasang iwanan ka nang sakit.

Swerte ni Bob Ong, hindi pa ako blogger nuon!

 


…At tulad ng dati, trip lang to. Hindi seryoso, kaya wag magalit kung fans kayo ni Bob Ong, dahil maski ako fans nya. Idol pa nga eh!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Bob Ong : Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

    oo nga mahirap…..pero pasapak muna!! wapaaaak!!!

    buti nalang nga di ka pa blogger noon!! kundi debate ang labas non!

  2. says

    bakit s atuwing napupunta ako sa blog mo eh laging ang recent post eh pang-aaway sa tatay ko? echos! hahaha! kapag di mo iniwan ang nakaksakit sa’yo ibig sabihin mahal mo ang sakit. ang sakit walang sariling isip kaya di yan aalis. pag hinintay mo na ang sakit ang umiwan sa’yo, delikado… alam ko ang feeling niyan. hehe. dapat ikaw mismo ang paraan. nagpapaka-engot ka na lang kapag hihintayin mo na sakit ang mang-iwan sayo. at sabi rin ni bob ong, walang ibang gamot sa katangahan kundi pagkukusa. siya nga ba me sabi non? ang dami kong sinabi eh gusto ko lang naman mag-HI kay lord cm! 😛

    • LordCM says

      hmm, baka nagkakataon lang na ang recent post ko ay kay bob ong kapag nabisita ka 😀

      tungkol sa quote, sabi naman ni bob ong may kasiyahan naman eh kahit may sakit, so pwedeng umasa na mawala ung sakit at maiwan ang kasiyahan diba? pero dahil experience na ang pinag uusapan, at ikaw ang nagpapatunay, ok na ako 😀

  3. says

    Ako : Ano ba talaga gusto mong iparating? Pumasok sa school ang kabataan at magbayad ang mga magulang ng mahigit dalawang dekada para sa pag-aaral ng anak nila o makinig at matuto sa sinasabi mong libreng lecture sa mundo? Ang labo mo! nagbago lang ng libro, nagbago na rin pananaw mo.

    Akoni: Gusto lang niya iparating na hindi lahat ng kaalaman ay nasa loob ng iskwelahan…marami din sa labas, pero nasa sayo na un kung kanino ka magpapaturo, ibig sabihin kung sino paniniwalaan mo….

    sa mga love kowts niya..wala akong pakialam…lels..may sarili akong love qoutes, hindi ko kailangan ang love kowts ng iba.

    • LordCM says

      Naiintindihan ko ang quote nyang “?marami palang libreng lecture sa mundo? Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisiyon mo kung kanino ka magpapaturo.”, parehas lang tayo ng pagkakaintindi.

      Pero etong sinabi nya “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.” parang salungat sa nauna.

      Ano ba ang gusto nyang iparating? na dapat mag aral ng dalawang dekada sa school o mas magandang sa labas na lang mag-aral, libre na at marami ka pang matututunan?

      • says

        Akoni: wala akong nkikitang pagsalungat sa kanyang unang sinabi…sinabi niya na marami palang…kowt the “palang”, narealized niya na marami “pala” sa labas, so walang pagsalungat sa isa niyang kowts. Marami palang libreng lectures sa mundo, chuva chula chula chula…walang pang-eenganyo sa kabataan na sa labas nalang mag-aral dahil ang sabi lang niya ay “marami palang”, parang reminder lang sa kabataan na marami pala matutunan sa labas ng school, nagbigay lang ng tips na marami din pala (paulit-ulit lang..haha) matutunan sa labas..don sa pangalawa dalawang dekada chuva chula chula…direct to the point ang pagkakasabi na kung di mo pagtitiyagaan, kahirapan ang kapalit…direct to the point…ung isa nagbigay ng tip, na marami palang libreng lecture sa mundo di lang sa loob ng school. tip un, tip..hehe

        • LordCM says

          hehehe, oo naman alam kong tip yun…at naintindihan ko rin ung dalawang quote nya. ang gusto ko lang ipoint, bakit magtitiyaga ka pa, magbabayad ka pa sa school para di ka maghirap pagdating ng araw kung sinasabi nya naman na maraming libreng lecture sa labas?

          bakit di na lang mag aral sa labas kung marami namang palang libre, kaysa mag aral sa school na walang libre?

          hindi ko pala sinasabi mag aral tayo sa labas 😀 … nagkataon lang na magkaiba ang gusto nyang iparating sa dalawang quote at napansin ko lang.

    • LordCM says

      hahaha, thanks Kiki…kala ko kokontra eh, pero ok lang kumontra, kinontra ko rin lang naman si bob ong eh 😀

  4. says

    Bob Ong : Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

    ako: pag may mahal ka at ayaw mo hayaan mo na lang malay mo habulin ka niya balang araw tpos sa altar ang tuloy… 😛

  5. animus says

    hahaha….ang kulet!!!!!di ko mapigilang matawa sa mga pangontra mo kay bob ong! gusto ko ding i-try. 🙂

    Bob Ong : Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

    Ako : Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo lang. Di mo mapipilit na mahalin ka ng isang tao kagaya din ng di ka mapipilit na mahalin mo ang isang taong ayaw mo. Fair lang.

    • LordCM says

      hehehe, quits ba? 😀

      wag mong pilitin, mahalin mo lang sya, pero wag ung to the point na pipilitin mo syang mahalin ka nya, wag yun…maghintay ka lang na malay mo mahalin ka bigla 😀

  6. says

    ehehehe. parang debate lang ang post na to. pero both arguments have some points. ehehehehe. dedepende sa pananaw ng tao at stand nia sa buhay kung alin sa inyo ni bob ong ang mas tama. 😀

    doon sa note sa huli….. meron bang nag-away sa iyo na bob ong fans? napaisip lang ako.

    • LordCM says

      yup, depende talaga ang lahat sa pananaw ng bawat isa…kaya di ko rin sinasabing nasa tama ako, mahirap kalabanin si Bob Ong 😀

      hmmm, wala pa naman, kung magkaruon ng part 4 to malamang meron na lolzz

  7. says

    i like all of your points! naks! ikaw na!! ikaw na ang bob-ong killer haha!

    anyhow, totoo naman yung mga sinabi mo, malapit na nga akong mawalan ng bilib kay bob ong eh! ^^

    • LordCM says

      hahaha, wag naman killer, mademanda tayo nyan…

      ay wag ka mawalan ng bilib sa kanya, may mga point din naman sya, at syempre base un sa nakikita nya at naranasan…idol ko pa rin sya 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *