Panahon lang pala ang Mali

Ang kulit ng tao no? minsan nakakita na o nakaramdam na ng sensyales na wag nang ituloy, sige pa rin! Alam nang hindi maganda ang magiging resulta, go pa rin!

Alam mo yun?

May gustong gusto kang gawin na kung tutuusin tama naman sa lahat ng aspeto. Kung ANO, SINO, PAANO, SAAN, at BAKIT mo ito gagawin ay hindi mo masasabing mali dahil ang tutuo ay DAPAT mo nga itong gawin, responsibilidad, obligasyon, o sabihin na nating ITO ang nasa PUSO mo kaya mo gagawin.

Pero eto ka’t nakakita o nakaramdam na ng sensyales na “wag na lang kaya?” kasi baka hindi maging maganda ang kahihinatnan. Ngunit, dahil nga tama ang lahat at wala kang naiisip na mali bagkus ito ang dapat mong gawin, eto ka, gagawin mo na!

Ayun!…

Bad Trip!…

Ang hindi natin alam, walang bagay na perpekto. Hindi lahat TAMA, meron at meron isang napakaliit na MALI. Pero dahil nangingibabaw ang TAMA,? isusugal mo ang lahat, isasantabi mo ang nag-iisang mali sa pagbabakasakaling maganda ang kahihinatnan.

Hanggang sa marealize mo;

“Kung naghintay lang sana ako ng tamang panahon malamang mas maganda pa ang maging resulta.”

Panahon lang pala ang mali, TIMING sabi nga ng ilan.

KAILAN mo nga ba dapat gawin ang isang bagay na inaakala mong perpekto na sa lahat ng aspeto?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Pero paano mo naman malalaman kung yun na nga ang tamang panahon o hindi? hihi.. wala lang.. natanong ko lang. lol

    Pero siguro, mas okay na rin yung magsugal ka (hindi po sa casino.. lol) kesa sa maghintay ka nang maghintay.. Life is all about taking risks, anyway. Sa opinyon ko, mas okay na yung ginawa mo. Kung mali man ang desisyon, matuto ka na lang, bumangon muli and make sure na hindi mo na uulitin ang pagkakamali. Mas okay na yung nagsugal ka.. kesa sa magkaroon ka ng life full of what-ifs and If-only’s..

    Opinyon lang naman.. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *