Day 23 – Random lang muna

Wala akong maisip na isulat, kaya random na lang muna…

– Gaya ng mga nakaraang lunes, busy na naman maghapon, kaka-stress lang. Pero ok na rin dahil may mga natapos ako sa work na nakakapagpagaan ng dalahin ko. Pati na rin TKJ na-publish na rin na dapat sana nuon pang unang araw ng buwan naipublish yun. Puntahan nyo ang TKJ, Bida ang mga Tatay ngayon..

– Gusto ko sana sumali sa pa-contest ni Bino ng Damuhan, kaso di ko alam kung saan ko gagamitin ung domain kung sakaling manalo ako, oo, umaasa akong manalo dun kasi tatlo raw ang maswerteng mananalo dun. Ay, pwede kayang ipa-renew ko na lang tong domain ko pag ako nanalo? advance payment ba, para di na ako magrerenew next year, maitanong nga para makasali na rin.

Ikaw, baka wala ka pang sariling domain, oo, ung DOT COM! 3rd Year Anniversary kasi ng Damuhan ngayong buwan at magbibigay sya ng 3 libreng domain sa maswerteng mananalo. Kaya kung wala ka pang sariling domain, punta ka na sa kanyang pakulo.

– Alam mo bang kung may sama ka ng loob sa isang tao ay mas magandang sabihin mo na lang ito agad sa kanya, oo, kasi pag di mo sinabi aabot sa puntong gaganti ka dahil sa sama ng loob. Mas lalong lalala ang sitwasyon, may posibilidad pang magkasakitan kayo, pero kung sasabihin mo agad na may hinanakit ka sa isang tao, maaari itong ikagaan ng kalooban mo at malay mo magkaayos pa kayo, di ba?

Yan na lang muna para sa araw na to…bukas naman uli.

 

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    malaki nga ang chance na manalo kasi tatlo un.

    buti naman lumabas ng un TKJ! ang saya!!!!

    and tama, kung galit sa isang tao, sabihin na kagad. masama ung kinikimkim hehehe. aatakihin lang sa puso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *