Halungkat Series No. 012

Nangyari ang lahat para matuto tayo.?Ang mahalaga nangyari ito ngayon at hindi na tumagal pa…Iwan na natin ung nakaraan,?pero sana wag natin kalimutan ung aral nito…

Hindi porke’t nangyayari ang mga bagay na hindi mo ginusto ay katapusan na ng mundo, na wala nang pag-asa para sayo, na wala nang kinabukasan. Hindi ganun!, Nangyayari ang lahat dahil may rason, hindi mo man alam ang dahilan kung bakit, malamang darating ang panahon na marerealize mo rin kung bakit nangyari ang lahat.

Minsan kailangan lang natin itong labanan, subukang masolusyunan o lagpasan ang lahat, ng sa gayon muli tayong makabangon para sa mga susunod na bukas. At sa pagharap sa kinabukasan, pilitin nating magamit ang aral sa nakaraan para mas maging maganda ang hinaharap.

 


Tinamad na akong maghalungkat ng mga kumento o reply ko sa mga kaibigan kaya isa lang ang nahalungkat ko. Sa Facebook yan, mula sa KaBlogs Group…

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *