Day 18 – Nagkataon nga ba?

Nagkataon nga ba? 18 ang isa sa numerong nag-uugnay sa amin ni misis. Nov.18 nya ako sinagot bilang boyfriend nya, Dec. 8 kami kinasal sa huwes, at Dec. 28 kami kinasal sa simbahan…Oo, mahilig talaga kami sa otso-walo-eight!, swerte raw kasi…

Nagbabalak kasi kaming magnegosyo ni misis, maliit na store lang at isa sa kailangan para sa negosyo ay ang pangalan nito…maraming lumabas na pangalan, kombinasyon ng pangalan namin, initials, o palayaw ng mga anak namin, at ung iba may 18 na numerong kasama gaya ng CJ18 o CEJ18, o Chankie at marami pang naisip hanggang sa nawala si misis at ung panganay ko na ang kausap ko…Tumae raw si misis!

Pagbalik, alam mo ba kung ano ung naisip nya?… Lord Chankie18, kumbinasyon ng Lord CM, Charrie na name ng eldest ko at Ankie na nickname naman ng bunso ko, at ung 18 alam na! Naisip nya yan habang tumatae, bigla lang daw naisip. Ang ganda diba?

Ayun! Yan na ang una sa mga pagpipilian naming pangalan ng store kung sakaling maayos ang lahat.

Nagkataon nga lang ba na ngayon namin napag-usapan ang pangalan ng store?, given na ung kasama lage ang 18 sa mga pagpipilian dahil nga isa ito sa pinakamahalagang numero sa buhay naming mag-asawa, at ito ang pang-Day 18 ng Project 365?

Swerte ba ito at dapat pilitin naming matuloy ang munting negosyo? O ano? Ano ang gustong ipahiwatig ng Project 365 Day 18, at sa mismong Day 18 pa natapat na pag-usapan ang name ng store na alam naming papasok sa options namin ang numerong 18?

Nagkataon nga ba?

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *