Day 17 – Anino ng Nakaraan

Anino ng Nakaraan

Minsan iniisip ko, bakit nga ba tayo nabubuhay sa Anino ng Nakaraan? Hindi ba pwedeng isipin na lang kung ano ba yung kasalukuyan at at paghandaan kung ano ang mangyayari sa kinabukasan? Oo nga’t andun na tayo, na sa nakaraan tayo matututo ng mga bagay-bagay, pero nakaraan na yun eh, tapos na, nakalipas na, ang mahalaga ay yung ngayon at yung mga susunod pang mga araw.

Pwede kayang sa araw-araw na buhay ay isipin natin na “ito ang simula, walang kahapon, walang nakaraan, ito ang simula!“? Ano nga kayang kahihinatnan kung ganito ang pag-iisip natin?… Di ba?… kaysa mabuhay tayo sa nakaraan, patuloy na namnamin yung hatid na sakit ng nakaraan, at lalong mabaon sa kinabukasan dahil pilit nating ibinabalik ang nakaraan at tinatabunan ang kasalukuyan.

Ano nga kaya kung wala ang Anino ang Nakaraan?

 


Isa na namang walang aral at kwentang poste para sa Project 365. Parang hirap na akong ituloy to, pero kaya pa naman. Araw-araw kailangan mag-isip ng isusulat…minsan bigla na lang “ting“, ayun meron na akong isusulat, pero minsan talagang wala! as in wala talagang maisip. Day 17 pa lang yan ng Project 365 ah!

Ung image pala, cover yan ng side table ko, habang nag-iisip ng isusulat nakita ko lang sya, at gamit si nikki six kinuhanan ko at ginawan ng article, ayan na!

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Pwede mo naman gawin yon… pero mas masarap balikan yong moment na masasaya, wag mong balikan ang nakaraan na puno ng pighati.

  2. says

    mahirap mabuhay sa nakaraan, dapat past na yon, pero hnd masama na minsan ina alala.. ang dapat mong pag tuonan ng pansin ang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *