Day 16 – Mula Sa Puso

Magsulat ka ng galing sa puso, magpatulong ka sa iyong utak, kung ano mang emosyon meron ka ngayon, yun ang kalalabasan ng isusulat mo?Masaya man o malungkot, kung galing sa puso, tiyak maipaparating mo ang gusto mong maiparating?

Payo ko yan dati sa isang kaibigan sa isang foum ng mga OFW, Si Misalyn. Yan yung time na ang dami ko pang naisusulat, na kung babalikan ko ngayon eh magtataka pa ako kung paano ko ba naisulat ang mga yun, at matindi ako nga ba ang nagsulat nun?! Hehehe, oo naman…pero kasi ngayon parang hindi ko na magawang magsulat ng gaya ng dati.

Hinahanap ko ung puso na ipinapayo ko kay Misalyn dati, ng sa gayon muli ay may maisulat akong may kabuluhan, yung mayroong aral, at sa bawat magbabasa ay mag iisip at unti-unti nilang marerealize na “oo nga, ganun nga ang buhay“…Pero wala na ata, wala na yung puso na yun na inaasahan kong magdidikta sa akin kung ano ba ang dapat isulat. Di naman kasi kaya ng utak mag-isa pagdating sa mga ganitong bagay.

Kaya eto, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa utak ko. Di ko alam kung may kwenta, pero dahil sa Project 365 pwede na yan! Ikaw na lang ang bahalang kumuha ng aral sa bawat salitang lumabas sa utak ko.

Makikipagtaguan muna ako sa puso ko….

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Dapat pala gawin ko rin yang project 365 sa isang blog ko 🙂

    Ngayon na nahihilig ako sa photography, yun ang madalas ang naipopost ko. Kadalasan gala, pero kung tutuusin, yun din pala ang laman ng puso ko…kasi nga masasabing passion ko na ang photography.

    Actually pag nagsusulat talaga ng galing sa puso na tinutulungan ng utak, napakabilis matapos. Salamat dito tol!

    • LordCM says

      yun! umpisahan mo na ung project 365, parang yung kay bino na puro photo 🙂 kaso goodluck sa atin talaga dahil araw-araw kang obligadong magpost 😀

      Walang anuman, misalyn…mas marami akong dapat ipagpasalamat sayo 🙂

  2. says

    ganon talaga, minsan dumadating yong point na wala kang maisip na isusulat o kaya naman tamad ka, minsan may naiisip ka pero nahihirapan kang isulat.

    wala akong hilig sa pagsusulat kaya hindi maganda mga posts ko. sa akin lang naman is parang share ko lang kung ano ang kaya ko.

    • LordCM says

      sinabi mo pa pre, pero challenge tong Project 365 kaya medyo kinakarir ko, baka sakaling bumalik ung dati 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *