Day 15 – Tambayan 2nd Winner

Nakakainis lang, 15 minutes lang dapat ang itatagal ko sa pagpost nitong pang-day 15 ng Project 365, eto at inabot na ako ng isang oras dahil sa sobrang bagal ng net…Kabwisit!

Nasira na tuloy ung naiisip kong intro para dito, masaya sana dahil tumataginting na $50 ang premyo mula sa dalawang sponsor ng Tambayan kaso nasira lang lahat…kaya wala nang intro!….meron na pala, umabot na pala ako dito, kaya may intro na…

Ayun, pagkatapos ng mahigit isang buwang contest ng paramihan ng replies/comment sa thread na gagawin mo sa Tambayan, eto at may resulta na…Konti lang ang sumali pero masaya pa rin dahil marami akong natutunan, at malamang ung mga newbies ay marami ring natutunan, at yun naman ang unang purpose ng contest…Salamat sa mga nakilahok…

Eto na ang resulta…ang layo ng agwat!

Obvious naman diba? Si EMOTERO ang nanalo!

CONGRATS EMOTERO!!!

 

Eh ikaw? Ano pa ginagawa mo dyan? Punta ka na sa Tambayan at maki-tambay, malay mo ikaw na ang kasunod na mananalo…pero maghintay muna tayo ng sponsor na magbibigay ng premyo para dito…marami namang mababait dyan eh…dasal lang tayo…

 

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *