Day 13 – Problema

Oo nga naman, bakit sa dinami-dami ng problema ng Pilipinas pati paglilibing kay dating Pangulong Marcos ay pinuproblema pa nila? Napakatagal nang panahon na isyu ‘to para pagtalunan pa. Andyan ang kulang-kulang na classroom para sa mga estudyante nitong darating na pasukan, mga bagong graduate na walang makuhang trabaho, kalyeng binabaha sa tuwing tag-ulan at ang pinakamalupit na utang ng Pilipinas sa ibang bansa at kung ano-ano pang problema na dapat sanay pagtuunan ng pansin kaya magfocus sa kung paano ililibing ang isang dating Pangulo.

Tapos eto pa, kung ano-ano pinagtatalunan sa Senado na akala mo aso’t pusa na nagbabangayan. Na dapat sana inaasikaso ung mga problema ng Pilipinas, kaso hindi, sarili nilang problema ang pinag-uusapan, sila mismo ang mga may gawa ng problema, sila ngayon ang pinuproblema ng mga kababayan natin na lunod na rin sa napakaraming problema.

Minsan naman napapansin nila, napag-uusapan ang mga problema, ang mga hinaing ng taumbayan, pero hanggang duon lang. Eh kahit naman anong pag-uusap ang gawin nila kung wala namang aksyon, mananatili pa ring problema ang problema ng Pilipinas. Ayun, matatabunan na naman ng panibagong problema ang lahat, nag uusap pa rin sila, nagdedebate, nagbabangayan.

Ang magagawa na lang natin, Umasa! Kaso sasabihin ng iba, imbes na magreklamo ka gawin mo na lang ang obligasyon mo bilang Pilipino. Eh ano pa nga bang ginagawa namin? Ganun na nga lang diba…Kaso may kahihinatnan ba kung sa isang pangkaraniwang tao manggagaling ang aksyon? Di ko alam, dahil sa dinami-daming ordinaryong tao ang sumubok na magsimula upang kahit papaano’y may magbago, ay andito pa rin tayo sa kung ano ang problema. Kasi nga ang problema ay andun mismo sa mga nakaposisyon, at kahit ano pang gawin ng mga ordinaryong tao para sa mga problemang ito, walang mangyayari dahil mas malake pa ang ginagawang problema ng mga nakaposisyon.

Problema nga naman, Oo.......

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      napanood ko lang sa tv patrol yan 😀 , sabi ni Kabayang Noli, bkit daw paglalaanan pa ng panahon yang problema sa paglilibing eh ang tutuong problema ay ekonomiya, pinahaba ko lang 😀 wala akong maisip na isulat eh

  1. says

    Dapat hindi na ilibing si Marcos sa libingan ng bayani. I’m not against et pero kasi sayang, tourist spot pa naman yun sa Ilocos. Hahahaha.

    • LordCM says

      hehehe, ako naman walang pakealam kung saan nila ilibing, basta pagtuunan nila ng pansin ung kasalukuyang problema at hindi yung nasa tahimik na

  2. says

    naiistress naman ako basahin toh dahil feeling ko talaga puro problema na ang pinas. pag kauwi ko nga dito.. grabe.. na feel ko talaga yung bigat// na parang wala pa xa katiting ang pag unlad ng bansa natin compare xa iba. lungkot lang

  3. says

    Ang sulusyon sa problema? Ang magsikilos tayong lahat at huwag umasa sa gobyerno. Magtrabaho tayong mga miyembro ng masa, magtulungan hanggang sa tumaas ang tingin natin sa sarili. At kapag mataas na uli ang tingin natin sa ating sarili ay pwede nating sabihin sa mga pulitiko: “Magsialis kayo diyan. Hindi namin kayo kailangan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *