Day 12 – Project SMILE 2011

Nalalapit na naman ang SMILE Day para sa taong 2011, at gaya nuong isang taon sana muling makapagpasaya ang Isang Minutong SMILE ng mga bata na mas nangangailangan sa tulong ng mga kababayan nating may mabubuting puso.

Naalala ko pa, sa tulong ng isang kaibigan naging matagumpay ang Project SMILE 2010 sa pagpapangiti ng tatlong daang estudyante ng Baguio City. Sya ang naging responsable sa lahat ng bagay na kailangang asikasuhin sa Pinas, at sa pinagsamang talento namin sa pang-aakit ( hehehe wala akong maisip na word para dito ) na makapundar ng pondo, naging sobra-sobra ang pondo para sa project na naging resulta upang muling makapagpangiti ng mga bata sa pangalawang pagkakataon ang Project SMILE? nitong mga nakaraang buwan. Maraming-maraming salamat sa lahat ng tumulong sa Project SMILE 2010.

Muli, nalalapit na naman ang SMILE Day. Mula kaninang umaga nag-iisip na ako ng paraan para makapundar ng pondo para dito, ng sa gayon muling makapagbigay ngiti ang Isang Minutong SMILE. Ang tutuo mayroon nang isang kaibigan sa blogosphere ang nangakong magbibigay suporta para sa susunod na Project SMILE, sya rin ang isa sa dahilan kaya naging matagumpay ang nakaraang proyekto.

Kaso sa sobrang daming iniisip halos wala na akong maisip na paraan para muling makapundar ng pondo, malamang, gaya nuong nakaraang taon, aasa ako sa mga kaibigang may tiwala sa proyektong ito. Pero ganun pa man, humihingi ako ng tulong sa inyo upang muli makapagpangiti ng mga batang mas nangangailangan.

Medyo nawala ako sa gusto kong sabihin, dahil sa 100 Days na teleserye sa TFC, naluha ako sa kwento ng janitor na tinanggap ang paninita ni Madam Ana Manalastas sa positibong paraan na di gaya ng karamihan na sa tuwing may mangyayaring hindi maganda ay puro na lang reklamo.

Ayun! Tulungan nyo naman akong muli, makapagpangiti ng mga bata sa darating na SMILE Day. Andito lang ako

Thanks.........

Survey : Project SMILE 2011

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Anu bang maitutulong namin? Di ako nakapagparticipate last time, ngayon I’m willing to participate na.:)

    Nakakaiyak daw yung episode kanina ng 100 days, di ko naman nga napanood. Kumakain kasi ako that time. Nagexplain talaga? Haha. Para malaman mo lang, kuha mo?!

    • LordCM says

      Marami pong paraan, pwede kang maging volunteer sa mga gagawing pag-aasikaso para sa project, o di kaya naman magdonate para pandagdag pondo sa gagastusin para sa project 🙂

      Ung sa 100 Days :D, may replay mamayang hapon yun dito sa TFC kaya mapapanood ko uli, di ko masyado napanood kagabi, yung part lang na kausap nila ung janitor ang napanood ko 😀

    • LordCM says

      ang daming tanong! lolzz pwedeng pwede iya, donor o volunteer?

      december uli to ang outreach, ung pictures siguro Oo, pero di ko sure kung may prizes pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *