Swerte ni Bob Ong Part 2

Bob Ong : Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang

Ako : Walang kasiguraduhan ang lahat, kahit alam mong bibitawan mo rin sa bandang huli, minsan nagbabago ito dahil sa mga pinagdaraanan nyo, minsan nauuwi sa mas masayang sitwasyon, kaya go ka lang kung gusto mo hawakan…wag mo nga lang ipilit kung ayaw pahawak!

Bob Ong : Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba

Ako : Ganun?Kahit pa pilit na syang bumibitaw sa pagkakakapit sayo, ikaw to sige pa rin ng hawak at hindi bibitaw? May hustisya ba dun?!!! Minsan kailangan mo na itong bitawan kahit pa hindi mo kaya, nagiging makasarili ka nung ipagpipilitan mo sarili mo.

Bob Ong : Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka

Ako : At eto?…Wala lang, baka lang may makarelate.

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      hahaha, nagtrip lang ba, wala kasing maisip na mapost kaya ninakaw ko muna ung mga quotes ni bob ong 😀

  1. says

    Bob Ong : Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba – Minsan kailangan mo na itong bitawan kahit pa hindi mo kaya – – – > oo nga…pikit mata mong bibitawan kahit masakit pa…wala lang..emod-mod lang!

    • LordCM says

      may pinaghugutan? hehehe, ganun naman na dapat, pikit mata mo na itong bibitawan, kaysa naman masakal mo sya sa higpit ng hawak mo, mawalan pa ng hininga, diba?

  2. says

    Hehe.. Ayos ah.. kontrahin tlga eh noh? :))

    sa #1, hindi mo alam ang future.. malay mo, hindi ka rin bibitaw, diva?
    sa #2. Pride ang umiiral dito..
    sa #3. oh sige na, ako na ang naka relate. Harhar..

    P.S.
    Wala pa rin yata ako sa Blogroll mo, Kuya CM? 🙁

    • LordCM says

      pasensya na po, dami ko pa rin nakalimutan ilagay eh kaya under construction pa rin pati ung blogroll 🙁 pero nailagay ko na ung link mo 😀

  3. animus says

    Hi LordCM!,
    naninibago ako sa bahay mo. ikaw pa ba ‘to? hehe….joke lng! dahil sure ako na ikaw nga ‘to…si LordCM lng ang pwedeng ‘kumabog’ kay Bob Ong! hahaha….pareho kayong may point ni Bob Ong, kelan kaya ang harapan/debate ninyo punto por punto..hehe….for sure masaya ito! 🙂

    • LordCM says

      hahaha, di ko kaya si Bob Ong ng harapan…sa bwat quote nya ang tagal ko pa mag isip ng isasagot, may tama naman lahat ng sinabi nya eh depende sa sitwasyon…trip ko lang syang kontrahin 😀

  4. says

    ang akala ko naligaw ako at ibang link ang lumabas, pero napa wow ako sir.. ang gara ng bahay mo ah… ayos..

    magandang araw sayo 🙂

  5. says

    wow bago na nga ito, nagun na lang nakabisita 🙂
    anyways, natawa lang ako sa number three. akala ko mawawasak mo pa si bob ong :))

    • LordCM says

      kung minsan naman sang ayon ako sa mga sinasabi nya, kadalasan pa nga eh, kaso wala lang akong mapost kaya kinontra ko sya 😀

  6. says

    hmmm…ang ganda ng theme mo pare, parang win7..

    regarding bob ong, paano mo malalaman na bibitawan mo sya kung hindi mo susubukang hawakan pansamantala.. yun lang.

    • LordCM says

      yup tama, hawakan mo muna, dun mo malalaman kung dapat mo nga bang bitawan o patuloy itong hawakan

  7. says

    kala ko nasa VISTA ako. XD

    Lagay ka po MobilePress plugin, o basta kahit anong mobile plugin.para po saming mga Opera Mini users. 🙂 tia

  8. BlackNapalm09 says

    HAHAHAHHA ang hirap talagang mag Comment…Kasi parang mali yung Comment ko…hahahahahahaha.POV kasi ang batayan…tsk tsk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *