RH Bill : Ang Aking Opinyon

Wala naman talaga akong opinyon eh, di rin ako anti o pro RH Bill. Ang akin lang, nasa pagiging responsable natin ang sagot sa lahat.? At hindi kasigaruduhan na solusyon sa lumalagong populasyon ng Pilipinas ang pagpapatupad ng RH Bill.

Kaso napadaan ako kay SuperGulaman at nabasa ang kanyang Opinyon tungkol dito.

Kung yung simpleng karatula nga na “Bawal Tumawid, May Namatay Na Dito!” ay hindi masunod, yun pa kayang usaping pang-kama na walang karatula? – SuperGulaman

buhay na ang nakataya dito, tawid pa rin!

Natawa lang ako. Tutuo naman diba? Ang dami-dami nang babala o pagpapaalala sa atin na bawal ito, bawal yan, bawal ang ganun, pero eto tayo, patuloy na sumusuway kahit pa alam natin na kung minsan hindi ito nagdudulot ng magandang resulta

sila nga hindi mapigilan, ung iba pa kaya!

 

Humarap ka! Duwag!

Kung sakali man na maipasa ang RH Bill, Ano naman ang kasiguruhan ng Gobyerno ng Pinas na susunod nga ang mga Pinoy? May batas man o wala para dito, kung responsable ang bawat isa walang magiging problema.

At ang malupit, Magkano na naman kaya ang budget ng Gobyerno para sa mga contraceptives na ipamumudmod nila sa lahat ng Health Center sa Pilipinas? Hindi kaya papunta na naman ito sa CORRUPTION?

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    I couldn’t agree more. Kaya tigilan na lang ang RH bill na yan at ilaan ang pera na gugulin diyan sa ibang bagay. Haha. Pwede pang panibagong source ng income ng government officials yan eh. Lalo lang gugulo.

    • LordCM says

      hmmm, di pa…at kulang pa siguro ung nalalaman ko para magbigay opinyon kaya sa badang huli ay puro tanong lamang ang isinulat ko…

      Pero base sa pagkakaalam ko, pagkakaintindi ko sa mga debate at balita, yun nasa taas lang ang masasabi ko at ang tanong ko.

  2. says

    Ayuz…special mention ahehehe.. salamat… para dun sa naghahanap ng buong kopya ng RH Bill (15th Congress – House Bill 4244 full text, final consolidated RH bill, HB 4244)… meron po akong nilagay sa entry ko….ayt!

  3. says

    “At ang malupit, Magkano na naman kaya ang budget ng Gobyerno para sa mga contraceptives na ipamumudmod nila sa lahat ng Health Center sa Pilipinas?”

    Sabi ni Edcel Laman, sponsor ng RH Bill, 3 Billion mahigit ang kailangan ibigay ng gobyerno para sa RH Bill na ito. Nakupow, kilala natin ang gobyerno at mga politiko kung gaano kalikot ang mga kamay pagdating sa kabang-bayan. Yung pera nga na para sapag-protekta ng mga OFWs eh nawawalang parang bula nang hindi maipaliwanag. Eh ito pa kayang 3 Billion mahigit?

    Tama ka, tataba na naman ang bulsa ng mga corrupt.

    Kanino kukunin ang 3 Billion na ito? Siyempre sa babayaran nating buwis, sa mga sinisingil na fees ng gobyerno, sa mga pinapadalang pera ng OFWs. Pera pera lang yang RH Bill.

    Saan mapupunta ang 3 Billion? Well, tingnan mo lang ang sitwasyon ngayon ng pamahalaan at alam na kung saan mapupunta yan.

  4. says

    Bakit ba ipapatupad ang RH bill? Dahil sa paglobo ng populasyon –=–> kahirapan?
    Kapag ba nagsuot ako ng sampung condom yayaman ako?

    • says

      Mas lalo kang hindi yayaman kung sa kada pag arangkada mo eh kahit isang condom hindi ka magsusuot. Masama nun idadamay mo pa yung malas na magiging bunga ng ginawa mo.

  5. says

    actually ang RH Bill is para matugunan ang mga resulta ng kawalan natin ng responsibilidad sa ating mga ginagawa…. halimbawa, may asawa na ako at may nakita akong seksi na maganda pa, sinubukan kong ligawan sa pamamagitan ng isang kindat atlabas ng dila, naku kumagat, so sa madaling salita napapunta kami sa ikapitong langit, problema di namin alam na ang susunod pala doon is impiyerno na pala, kaya ang remedyo ipapatanggal namin yong bunga ng ikapitong langit kasi ayaw namin na mamatay sa hiya, at ibang dulot ng langit na yon.

    Kaya sa susunod para hindi kami mapapunta sa pintuan ng impiyerno kailangan gagamit ng condom o kaya pills para tuloy yong pitong langit. Bakit namin nagawa yon? Kasi nga nakalimutan na namin magpunta sa simbahan..at kun mapapunta naman doon, wala naman nasasabi yong mga lider doon na naiintindihan namin kasi nga paulit-ulit lang, ang masaklap pati naman sila ay maraming nababalita na pumupunta sa ikapitong langit, eh, mas masahol pa nga kasi sapilitan at patago, ano sila hilo, na kami pagbawalan pagkatapos sila eh gusto nila makarating doon,…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *