Day 9 – Bwisit!

Ang sarap ng pakiramdam kapag nakatapos ka sa paglalaba ng pang dalawang linggong damit tapos maghahapunan ka ng mainit na sinigang na baboy habang nanonood ng tv, kaso nagkataong TV Patrol ang palabas kaya alam na! Yung sarap na nararamdaman mo mapapalitan ng bwisit!

from http://newsinfo.inquirer.net/7232/leviste-undergoes-inquest-proceedings-at-doj

Kilala mo si Leviste? Ung politikong nakakulong habang hinahayaang lumabas ng kulungan ng mga walang kwentang opisyal, di mo kilala? Manuod ka TV Patrol!, Ang buong akala ko sya lang ang nakakalabas pasok sa kulungan, may chaperon pa pala, dalawa! Dalawang preso din at alam mo ba kung anong kaso? Yung isa magnanakaw, at yung isa rapist lang naman. Ayun, malayang nakakalabas pasok ng kulungan kasama ang isang akusadong politiko. Astig diba?

Eto pa, ang responsable sa mga pangyayaring ito na si Diokno(di ko sigurado spelling), nagresign na! buti naman, pero eto ang malupit, sabi ni PNoy ilalagay nya raw sa ibang posisyon si Diokno, sa ibang ahensya ng gobyerno kung saan sya nababagay. Tama ba naman yun? Kung nag resign sya, parang inamin na rin na may kasalanan sya sa paglabas pasok ni Leviste sa kulungan diba? O bakit ngayon bibigyan pa ng posisyon ni PNoy sa Gobyerno ang taong ito?

Kakabwisit lang enoh! Dapat sana sila ang pagkatiwalaan mo sa pagdedesisyon ng mga ganitong bagay, pero parang sila pa ang dapat nating katakutan dahil sa mga pagpapabaya at hindi pinag isipang desisyon.

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *