Day 8 – Homesick

Halos gabi-gabi na yatang ganito, oh di pala gabi-gabi. Kapag alam kong mahihirapan akong dalawin ng antok ay ganito na ang eksena sa kwarto ko. Tatlong lata ng red horse kaharap ang laptop hanggang sa antukin. Masama sa katawan, oo, alam ko, kaso nakasanayan na eh at di naman ganun karami, tamang antok lang.

Naalala ko pa nung pangalawang bakasyon ko sa Pinas, pagkabili ko ng red horse na nasa bote eto ung bunso ko at nagmamadali, hehehe, kumuha pala ng patungan ng bote. Alam mo yung sa mga restaurant?, yung patungan ng baso, ganun! Wala lang, natuwa lang ako na naisip ng bunso ko yun. Ayan, namimiss ko na tuloy sila…

Tama na nga, baka kung saan pa mapunta ang kwento ko, bukas na lang uli, medyo antok na rin ako.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Sweet ng anak mo. Ako nung bata ako, kapag nakita ko na yung inumin ng tatay ko ay itinatago ko or itinatapon ko hehehe! Pagtingin niya at wala na yung inumin niya kamot lang siya hehe!

  2. says

    Haha! Kuya CM, napasmile naman ako dito sa picture. RHBeer tlga. hehe. Okay lang naman yun, eh para antukin lang eh. 😛

    Ako, gatas yung tabi ni RedGee tuwing gabi.. Yun lang ata makakapagpatulog s akin,, isang baso ng milk. Bear Brand. Harhar… 🙂

    Dumaan po! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *