Day 7 – Pagbibinata

Pwedeng maging masaya ng walang dahilan diba?…Um-oo ka na lang, kasi paggising ko kanina parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko at masaya ako, di ko alam kung bakit…Weird no? pero ganun eh. Kaya nga pilit kong binuhay ung fan page ng Isang Minutong SMILE na may mahigit dalawang libong fans para kahit papaano maishare ko man lang ung saya ko, okey naman, may napangiti ako kahit kaunti.

Kahapon nakachat ko bunso ko, tanong ko sya kung gusto nya magpatule next year, sakto pagbakasyon ko para masamahan ko sya. Grade 4 na sya ngayong pasukan, so tama lang sana bago mag grade 5 eh matatawag nang binata. Sagot nya, AYAW, Masakit! hehehe, syempre ako naman todo paliwanag na hindi masakit, dahil hindi naman talaga diba? diba?!…Wala, walang nangyari, pag grade 6 na lang daw sya. Sabi ko pa sabay sila ng classmate nya, ang sagot?, “kahit naman may kasabay ako, masakit pa rin eh”…o diba, ayaw patalo…

Pero nagkasundo naman kami, bago sya mag grade 6 papatule sya, yun nga lang yung kagustuhan kong makasama ung anak ko sa isa sa pinakamahalagang araw ng kanyang pagkakalalake ay di ko magagawa, pero ok na rin, malay mo makapagbakasyon pa rin…

Alam mo ba? Para sa aming mga magulang, yan yung mga araw na kahit simple lang basta nagawa namin para sa mga anak namin ay sobrang saya na ang dulot nito sa amin. Masamahan mo sila sa mga araw na dapat ikaw ang kasama nila, masamahan sila sa pag akyat sa stage para sabitan ng medal, yung mga ganun. Pero sayang, di ko magawa, oo yung iba nagagawa ko, pero dahil nasa malayo ako, ayun, yung iba napapalagpas ko na.

Babawi ako, Anak.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Aww.. Nakikiayon sa post ko ang day 7. Hahaha. Magbakasyon ka na nga lang ulit. Pero nung ako, ako lang mag-isa. Haha. But I think magpapalakas ng loob ng anak mo yung presence mo.

    • LordCM says

      ay oo, nabasa ko yang article mo na yan 😀

      sana nga andun ako sa araw na mangyari yung pagpapatule nya 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *