Day 5 – Late

7:23PM, Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako ng isusulat para sa walang kwentang Project 365 : Day 5. Hindi nga yata madali na araw-araw ay mag isusulat ako dito. Pero kahit na, naumpisahan na eh, ano naman kung walang kwenta.

Maaga akong nagising kanina, nauna pa ako sa alarm clock ko. Hinintay ko na lang syang mag alarm para bangon na rin. Balak ko sana magpa-late, yung lagpas 8am na ako papasok, wala lang, trip lang…Pero di ko nagawa, nangibabaw pa rin talaga ung kailangan kong pumasok ng maaga para makapagtrabaho at matapos din ng maaga ang mga trabaho. Ganun naman ako, madalas nagbabalak at kapag dumating na ung takdang oras eto ako at nagbabago ang isip.

Kung tutuusin wala naman talagang halaga kung pumasok man ako ng lagpas sa itinakdang oras, fixed naman sahod namin. Oo, fix, ibig sabihin walang bayad ang overtime, yun nga lang pwede naming i-offset ung mga sobrang oras. Kaso madalas wala namang sobrang oras kaya bihira na ring makapag offset. May maikling kwento nga tungkol jan eh, gusto nyo marinig mabasa?, eto oh;

4:59PM, Isang minuto bago mag-uwian ang mga empleyado. Nagmamadali si Juan patungo sa bundy clock, kaso bigla nya nasalubong ang boss nya

Boss : Oh Juan, nagmamadali ka? Wala pang 5PM ah!

Juan : LATE NA NGA AKO PUMASOK!, LATE PA AKO UUWI?! SOBRA!

Sabay tabig sa boss nya at nag time-out

Tama nga naman si Juan diba? Ano papaloko?!!! Hindi syempre, kaso kinabukasan, terminated na sya! hehehe, joke lang…

Kaya siguro kahit gusto kong magpa-late hindi ko pa rin magawa, baka kasi magkaruon ng dahilan ang boss ko na pauwiin din ako ng maaga….pauwing Pinas! …. Pag nangyari yan, malamang marami maaapektuhan…

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *