Day 4 – Pagod

4:38PM, Pagkatapos ng isang maghapong paggamit ng utak, pahinga na hanggang mag alas singko. Isipin mo yun, maghapon nakaupo, nakapatong ang braso sa lamesa at ang mga kamay sa ibabaw ng keyboard at kung paminsan-minsan nasa mouse ang kanang kamay, ni hindi man lang pinagpawisan pero eto parang lantang gulay.

Minsan iniisip ko, sino kaya ang mas pagod? Ung construction worker o ako? Sabagay parehas lang namang pagod, yun nga lang minsan di nila maintindihan na kahit maghapon kaming nakaupo at gumagana ang utak ay di na kami napapagod.

Sana sunod na trabaho ko, taga-utos na lang ako!

ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *