Day 3 – Nakasanayan

Nagsimula ang Project 365 nung linggo, kasabay nito ang pagbabawas ko ng kanin after se…. after six pala! Lumalake na naman kasi tyan ko at tulad ng dati, nalalapit na naman ang renewal ng contract at kasabay nito ang medical exam. Mahirap na baka sabihin na naman ng doktora na high blood ako, gastos na naman!

Kaso parang di ko yata kakayanin, pangatlong gabi sana ito ng pagkain ko ng wheat bread lang para sa dinner, syempre may palamang spam or kung ano pang pwedeng ipalaman, nakakasuka kasi kapag wheat bread lang…kaso eto, parang gusto kong kumain ng kanin, pwede naman un diba?, kahit isang gabi lang na papalya.

Hirap kasing bitawan ung mga bagay na nakasanayan mo na, lalo pa’t mula pagkabata ito na ang kasama mo, tapos bigla-bigla na magbabago. Ang tutuo ginawa ko na to last year, wala talagang kanin buong araw, puro wheat bread lang…maganda naman naging resulta, lumiit tyan ko at medyo bumaba blood pressure ko.

Kaso eto, kailangan na naman. Di ko man gustuhin pero para naman sa kalusugan ko to eh…kaya GO!

Pero magkakanin muna ako ngayon.

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. animus says

    Hi LordCM,
    try mo ang South Beach Diet…recommended ito sa mga may hypertension…proven effective din ito sa mga gustong pumayat, ni-try ko na ito dati…at success story naman ang nangyari. (kaya ngayon kain na ako ng kain kasi feeling ko madali lang magpapayat pag gusto talaga..hehe)
    may copy ako nito..email ko sa’yo…tama yan. GO para sa malusog na pamumuhay! enjoy your diet! 🙂

  2. says

    Yan naman talaga eh pagsubok gawin. HAHA. Tinatry ko naman bawasan, kasi di ko pa kaya alisin. Haha. Ang hirap. Ang sarap pa naman ng sinigang, sisig, adobong sitaw, laing at madami pang pagkain sa mainit na KANIN. 😐

  3. bulakbolero says

    lol. yown oh diet. aktuali, hindi naman talaga ganun kahirap bitawan ang mga bagay na nakasanayan kung iisipin natin na para sa ikabubuti natin yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *