Day 2 – Salamin

At tulad ng oras kahapon, alas dos ng hapon, sa mismong oras na ito ko rin ginawa ang unang araw ng Project 365.? Wala namang nagbago, maghapon-magdamag pa rin ang pag-ulan, ang naiba lang eh nandito na ako sa opisina at hindi na pwedeng matulog, manuod, o magmuni-muni, pero pwede magbreak tulad ngayon.

Nawalan ng kuryente kaninang madaling araw, nalaman ko na lang paggising ko ng alas sais y medya ng umaga. Nakapatay ang electric fan, pati ang aircon(malamang!, kasi naka-set yun ng 3am na mag off), pati ung battery indicator ng laptop na nag-iisang liwanag na nakikita ko sa kwarto kapag patay na ang ilaw at tv ay wala na rin. Ibig lang sabihin nun wala nang kuryente kaso manhid ako kaya di ko naramdaman at nagising na lang ako? sa maayos na pagkakatulog.

Sabi sayo walang kwenta ang Project 365 eh, dala lang ito ng pagkaboring ko kahapon…pero paninindigan ko na to, hanggat kinakaya. Labinglimang minuto lang naman kada araw.

Ayun lang!…Ay meron pa pala!

Naisip ko lang, Minsan, tayo rin pala ang sumisira ng sarili natin sa iba no? Hindi natin napapansin pero may nagagawa na pala tayong simpleng bagay na hindi na maganda sa paningin ng iba. Yun bang makakapagpabago ng pagkakakilala sayo sa isang iglap lamang. Yung pati tiwala nila sayo ay mawawala ng dahil lamang sa simpleng bagay na di mo ginawa.

Sana lang, Wag matulad sa salamin, na kapag minsan nang nabasag, mabuo man at maibalik sa dating hugis o korte ay di na kayang maibalik sa dating anyo nito.

Buhay nga naman…parang life lang eh!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    At ikalawang araw ko ng pagbabasa nito. Haha. Daily rants nga ang manyayari. Ganun talaga. Life will always be a bitch.

    • LordCM says

      hahaha, di nmn siguro araw araw ganito, malay mo bukas masaya na uli, sasabay sa sikat ng araw ang pagliwanag ng pananaw sa buhay 😀

    • LordCM says

      hmmm, medyo…? lolzz sana umabot nga ng Day 365 😀

      nagblackout! kaso di ko naramdaman hehehe, manhid lang sa init eh lolzz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *