Day 10 – Tiwala

Trust, image from http://9gag.com

Ang tutuo nakalimutan ko na to eh, nabasa ko lang ang article ni Bino tungkol dito. Kaninang binabasa ko yung article nya, naisip ko na parang kadaraan ko lang sa ganung sitwasyon, yung mawalan ng tiwala sa isang tao na minsan mo nang binigyan ng buong pagtitiwala mo tapos bigla-bigla na lang na masisira ito ng dahil lamang sa napakaliit na halaga.

Ilang linggo na rin naman ang nakaraan simula nung nakisuyo ako sa isang kaibigan, di ko lang sigurado ngayon kung kaibigan nga ang turing nya sa akin. Oo nga’t ako ang nakisuyo, ang akin lang naman nagtanong naman ako kung pwede at nagkataong pwede naman kaya go!

Pero ilang araw na rin ang dumaan na puro dahilan lamang ang naririnig ko kung bakit wala pa ring nangyari sa pinasuyo ko, oo naiintindihan ko yung sitwasyon, yung dahilan at kung ano-ano pa. Di naman ako gago na nakisuyo na nga ay ako pa ang magagalit. Kaso lumipas ang ilang linggo, isang buwan, mahigit isang buwan na wala pa ring nangyayari, ni “Hi” ?o “Hello” wala na akong naririnig, maiintindihan ko naman kung bakit wala pang nangyayari basta magsabi lang, at alam ko subok na ako jan, pero wala eh! walang nagpaparamdam, kakahiya namang mag follow-up dahil ako na nga ung nakisuyo lang.

Ang akin lang, kung hindi kayang gawin pwede namang tumangge o wag na lang magpaasa, ngayon kung kailangan nila ung pera, magsabi lang, di naman ako madamot, kung kaya kong tumulong, tutulong naman ako.

Nawala na sa isip ko ang lahat ng yan, inisip ko na lang na nakatulong ako pero nung mabasa ko ung article ni Bino, muling nanariwa ang lahat.

Ngayon muli akong ?maghihintay, aasang may magandang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa ring nangyayari, aasang ang ilang taong pagkakaibigan ay mabigyan ng halaga at hindi masisira ng dahil lamang sa pera.

Binigay ko ng buo ang tiwala ko ng minsan, maayos man ang lahat ng ito, di ko alam kong maibibigay ko pa rin ito ng buo. Dahil ang tutuo, ito ang pangalawang pagkakataon na umasa ako sa wala.

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      salamat pre, di ko mapapangakong di na ako magtitiwala sa kanya uli dahil umaasa pa rin ako hanggang ngayon na may dahilan ang lahat…ewan ko, basta, kung andun na ako sa sitwasyon na kailangan mamili kung magtiwala uli, siguro dun na lang ako magdedesisyon

  1. goyo says

    Wala pa namang insidenteng ganyan sa buhay ko. Pero sigurado marami ng tao ang nawalan ng tiwala saken.. :c

    You know, girls. Lol.

    • LordCM says

      ang tutuo parekoy madali para sa akin ang magbigay ng tiwala, di ko lang talaga inaasahan na ganun ang mangyayari dahil siguro hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya…

  2. says

    Ayoko na ring pahabain pa ang komento ko.. Baka kasi makakasakit pako ng damdamin. Basta ang stand ko lang ngayon… Ayoko nang paniwalaan siyang muli..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *