Day 1 – Bored

Pagkatapos lumagpas ang sinasabi nilang Judgement Day, eto at kaninang umaga pa sobrang lakas ng ulan dito sa Palau na may kasama pang pagkulog. At eksaktong ala-dos ng hapon, sobrang dilim ng kalangitan na para bang wala nang tigil ang pagbuhos ng ulan mula sa kawalan.

Sarap sanang magmuni-muni habang nakahiga at nakasilay sa bintana, kaso puro bubong ung nakikita ko. Pwede rin sanang matulog pero parang itinatakwil na ako ng kama ko dahil sa tagal ng pagsasama namin kagabi hanggang kaninang umaga. Mag movie marathon sana kaso wala namang movie. Boring lang na araw na linggo.

At dahil sa boring na araw ng linggo, eto mag-uumpisa ang Project 365. Simula sa araw na to, mapipilitan akong magpost ng walang kwenta, walang kabuluhan na mga pangyayari, mga nakikita, at nararamdaman ni LordCM sa pang araw-araw.

Kung umabot ka dito, damay ka na sa Project 365 ko!

ADVERTISEMENTS

Comments

    • LordCM says

      Hahaha, sumobra ka sa comment ah! lolzz

      Walang kwentang project yan, kung ano lang maipost, ipost na! pero iba pa rin syempre ung tutuong article, andyan pa rin ung dating style ng blogging 😀

  1. says

    Reminds me of Amy Adams and Meryl Streep’s movie Julie & Julia. Napanood mo ba yun? Hehe. Dun mo kinuha yung idea ano? :p

    Pero good luck CM! Go, go go! 🙂

    • LordCM says

      ay di ko napanuod yan, naboring lang ako kanina kaya kung ano ano pumasok sa isip ko…eh tutal madalas marami akong gusto ikwento tungkol sa araw-araw, gawin ko nang project, sana matapos 😀

  2. says

    grabe! sana magawa mo. :)) nag project na rin ako at least 20 articles pr month nagawa ko lng ng 2 months :))

    goodluck!

    🙂

    • LordCM says

      di naman sya actually article bhing, parang simpleng diary lang na kung ano ung nakita, naramdaman o gusto kong sabihi, ilalabas ko 😀

  3. says

    Nyaha! Hindi ko kasi masyadong na-gets yung latest project 365 post mo kaya hinanap ko talaga ang day 1. Medyo nawala kasi ako sa blogosphere. (as in “nawala” talaga ang word. nyaha). Parang di ko ata kaya to. Mahirap kasi hindi maging tamad. lels. good luck sa 365 na yan at sa mga obserbasyon mo.

    try ko rin kaya ang mga project2x na ganyan, sooner or later. haha

    • LordCM says

      nawala ka ba? hahaha di ko ata napansin…o medyo di ako naggagala sa blogosphere…

      try mo pre, challenging 😀

    • LordCM says

      psst! bloghopping ka ah 😀 … lumang post na to eh :))

      ayun! walang nangyari sa project365, wala pang isang buwan, tinigil ko na lolzz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *