Gusto mong manalo ng $50?!

Tambayan Contest $50

Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong dalawa ang Sponsor ngayon ng Tambayan? Opo, dalawa…Tig $25 lang naman sila at gaya ng dati, ayaw magpakilala. 

Kaya ngayon tumataginting na $50 ang papremyo sa Tambayan!

At kung paano makasali, ganito lang;

1. Dapat registered ka sa Tambayan.

2. Gumawa ng isang blog post tungkol sa Tambayan na hindi bababa sa 100 words. Article, poem, kwento o kahit ung mismong karanasan nyo sa Tambayan ang ikuwento nyo ay pasok pa rin…

3. Bisitahin ang Tambayan at dumiretso sa General Discussion, mag Post ng New Topic na may titulong “Tambayan – (title ng inyong post)” at ipost ang inyong ginawang blog article/post.

4. Ito ay kailangang maaprubahan ng Admin/Modz, at malalaman nyo lang na aprubado ang inyong blog post kung ito ay ginawang Sticky Topic ng Admin/Modz.

5. Maghakot ng mga may kwentang kumento mula sa inyong mga kaibigan blogger(syempre kailangan nilang magregister) at simulang pagdiskusyunan ang inyong blog post.

6. Maaari rin ninyong i-advertise ito sa inyong pahina upang makahikayat ng mga magkukumento sa inyong entry sa Tambayan.

7. May ilang linggo kayo para maghakot ng kumento o replies, dahil tatagal ang contest na ito hanggang June 5, 8PM(Manila Time).

8. Pag dumating ang itinakdang oras, kung kaninong thread/post ang may pinakamaraming kumento o replies ay syang mananalo.

9. Tulad ng naunang pa-contest, Western Union lang po ang paraan namin para mapadala ang premyo. Sa mga nasa ibang bansa, kailangan nyo pong magbigay ng representative na tatanggap ng pera kung papalarin kayong manalo.

10. Hindi po kailangang maipost ang inyong entry sa inyong pahina, nasa sa inyo po yan…ang mahalaga ay makagawa kayo ng thread sa Tambayan at naruon ang blog post nyo…at kung sakali man na ipost nyo ito sa inyong pahina, hindi po counted ang comments dun, ung comments lang po sa Tambayan ang bibilangin namin…

Karapatan ng Admin/Modz na hindi aprubahan ang isang blog post kung ito ay hindi kaaya-aya sa mga mambabasa.

Karapatan din nilang mag-delete ng mga kumento o reply na walang kwenta gaya ng puro smiley, mga kumentong ni hindi man lang umabot sa limang salita o words. o mga kumentong masabi lang na nagreply.

At marami pa silang karapatan, diba? hehehe … Mag akto lang tayong isang taong may pinag-aralan, sa bawat paggamit ng Tambayan, ituring mong ika’y nasa bahay lamang. Respeto sa mga nakapaligid, ayos na yun.

Ayan! Ano pa hinihintay mo? Gawa na ng blog post at ipost sa Tambayan!

At tulad ng dati….MARAMING SALAMAT SA SPONSOR!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. says

    Karapatan din nilang mag-delete ng mga kumento o reply na walang kwenta gaya ng puro smiley, mga kumentong ni hindi man lang umabot sa limang salita o words. o mga kumentong masabi lang na nagreply.

    ——isang masigabong palakpakan para dito!galit ako sometimes sa mga smileys.. nice post! LOL.. tama naman…ayan, nai-twit ko na itei! hihihihi

    goodluck sa mga sasali!

    • LordCM says

      hehehe, mahirap kasi kung puro smiley ang reply, di lang tayo ang nabubwisit, pati ung ibang forumer :D

      • says

        aw.. bocc CM.. kailangan kong manalo dito.. sasali ako.. hehehe… ayos ah.. pwede bang sumali kahit sponsor na? feeling ako.. LOl

        • LordCM says

          hehehe, oo naman parekoy! balik sayo ung 25 mo at may tubo pang 25 kung manalo ka lolzz

          sunod ikaw na sponsor ko ah?! :D

        • says

          anu daw ung “bocc”? lol
          CM! sabi ni MD sasali daw sya tas ipaghahakot ko daw sya ng commentors eh anu kaya kung pagbuburahin ko ung comments sa kanya hahahahahaha shempre joke lang un..

    • LordCM says

      ok lang po…nasa sa inyo po kung ipopost nyo ung entry nyo sa blog nyo, ang mahalaga po makagawa kayo ng thread sa Tambayan at duon nyo ito ipost…

      Di po counted ung comments sa blog nyo, ang bibilangin lang ay yung comments sa thread nyo sa Tambayan.

  2. says

    ayos to ahh. bago pa lang ako dito sa tambayan, days palang may mga ganito na. astig. mejo nagdadalawang isip na sumali kasi aside sa wla pa naman ako maxadong karanasan dito sa tambayan , wala din ako mga kakilala dito so parang wala naman yata akong maikukwento. lol.

    • LordCM says

      wala pong problema, kahit ano lang masabi mo tungkol sa Tambayan, ung mga iniexpect mo or mga gusto mo gawin sa Tambayan…kahit ano, wag lang censored :D

  3. says

    :)…

    naku patay ako kay yanah.. ha ha ha.lols..

    lagot na naman ako kay yanah, may lols eh.

    teka hanggang ngayon di ko pa alam kung anu yung lols?

  4. says

    di ko alam kung sasali pa ako ulit kaso trip ko ring magshare ng sarili kong karanasan sa tamabayan kahit na di ako nakakatambay dun lately hehehe

  5. shoofya says

    Ano ba yan nawala ang post ko!!! this is my second visit sa site na ito, happy to have my own color na may sikat na blog site!!!! keep it up guys!!!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *