Sulat mula sa Isang Gusto Sanang Maging OFW.

Sa iyo,

Malamang pag nabasa mo ?to, nasa Pilipinas na ko. Pwedeng nakikipag-inuman, nakikipag-kwentuhan o kaya eh nagsisimula ng panibagong kinabukasan. Simula dahil kailangan ko ulit mag-umpisa.

Nakipagsapalaran ako sa Singapore. Ang dami ko na kasing kwentong narinig tungkol sa mga Pinoy na umasenso dahil sa pagtatrabaho nila sa SG. Yun? bang umaalis bilang turista habang kinakabahan at halos maihi habang nasa Immigration sa NAIA. Pero pag nakalusot, parang nabunutan ng tinik at maluwag na silang nakakahinga.

Nung umalis ako ng Pinas, baon ko lahat. Nag resign ako sa trabaho at dala kung ano man ang perang naipon ko. Siyempre ang malupit, bumili ako ng mga bagong damit. Ang gaganda ng tabas ng mga? bago kong long sleeves. Yun bang mga uso ngayon na sakto lang sa katawan tapos itutupi ang manggas ng lagpas sa siko. Sa isip isip ko lang, aba eh kung sakaling nasa opisina na ko, hindi naman ako papahuli sa porma ng mga katrabaho ko kahit baguhan lang ako.

At isa pa, ang sabi kasi mas mahal daw ang mga ganuong pamorma sa SG.

Bago rin ang mga medyas ko, iniwan ko na yung mga naghihimulmol na pinaglumaan. Mahigit sampu rin ang? panyong binili ko sa may footbridge papunta sa SM North. Pareho din naman kako kasi ang mga iyun dun sa mga tinda loob ng department store. Siguro may ilang depekto nga lang.

Maliban? sa mga bagong brief kong sinusuot, umorder pa ko anim na piraso sa kapit bahay namin. Pinili ko ang pinaka malulupet na design mula sa catalog nya. Tulad na lang ba nung may print na mangangagat na tigre sa harap o kaya eh yung mga disenyong tribal-tribal ek ek.

Kahit medyo matagal-tagal na rin akong di nakakapag suot ng katad na sapatos, bumili na rin ako. Yung bang medyo tulisan ng konti. Poporma na rin? lang tayo edi isagad-sagad na di ba?
Sa madaling salita handa ako!? Naka kondisyon ang isip ko na medyo matagal-tagal din akong mawawala ng Pinas. Pero ayus lang yun, asenso naman ang kapalit nun eh. Sabi nga, kung kikita lang sa Pilipinas ng katulad kikitain sa abroad, bakit nga ba iiwanan ng isang tao ang pamilya at mga mahal niya sa buhay di ba? Basta para sa kanila.

Iyun nga lang, iba sa sitwasyon ko. Sabi ko nga, pag sakay at pagbaba ko ng eroplano, walang kasiguraduhan. Sugal lang.

Sa kasamaang palad…natalo ako sa sugal.

Di ko alam kung bakit. Di ko rin naman tatanggapin na bobo at wala akong diskarte. May mga posisyon naman kasi na swak ang pinag-aralan at karanasan ko, nakaka excite nga magpadala ng application sa kanila eh. Yun nga lang, iisa lang lagi ang sinasabi nila tuwing tumatawag at nagtatanong ako. Hindi daw pwede para sa mga foreigner yung posisyon.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na mapapaso na ang pass ko dito. No choice. Nakapag extend na ko kaya kailangan ko nang umuwi.

Okay sanang maging OFW at mapabilang dun sa mga kababayan nating nagtitiis at kumakayod sa ibang bansa basta nakikita lang yung bunga ng pinaghirapan nila. Magandang pakiramdam yung mabili at maipadala mo yung mga binibilin nila tuwing nakakausap mo sila. Kahit malayo ka, konswelo na yung alam mong hindi sila kinakapos.

Paminsan minsan, may mga araw din lalo na kapag walang pasok na makakasama sa inuman yung ilang kababayan na makikilala. Kwentuhan, tawanang walang humpay at baka minsan o madalas eh may pataasan pa ng ihi. Iba ?iba man ang dahilan, pagdating sa dulo magkakasundo rin kung bakit kayo nagkasama-sama.

Sayang hindi ko pala mararanasan yun. Halos di ko rin nakakinabangan ang mga bagong damit ko.

Umalis ako ng Pilipinas hindi dahil gusto ko. Umalis ako dahil kailangan. Sabi nga ng isang kaibigan, walang umaalis at tumatalikod dahil gusto nila, kailangan lang talaga. Sino nga ba naman ang gugustuhing iwanan ang pamilya? Magtitiis ka dahil kailangan.

Naghangad lang naman ako ng asenso. Sabi ko nga sugal. Ganuon talaga, pwedeng matalo pero ayus sana kung mananalo. Iyun nga lang, kaniya kaniya kasing baraha. Hindi lahat pwedeng makakuha ng alas.

Nakakapanlumo. Pero no regrets. Ginawa ko lahat ng kaya kong gawin. Higit sa lahat, ginawa ko rin yung ayaw kong gawin, yung umalis.

Sa isang banda, masayang nandito na ulit ako. Wala na ding homesick. Hangad ko na lang, malagay sana sa tamang direksyon ang bagong pagsisimula ko.

Salamat sa pakikinig sa kwento ko (bagamat alam kong binasa mo).

Ako?

 


Ang sulat sa taas ay mula sa isang Kaibigang nangarap na maging isa sa milyong-milyong OFW.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Mitchteryosa says

    Malaki man ang kita abroad, masarap at iba pa din ang buhay P'nas. Ako man, 9 years nagpaka-OFW pero di ko ipagpapalit ang buhay dito. No regrets na bumalik ako hahaha!

  2. LordCM says

    @mommy-razz…
    maski po ako natouch nung nabasa ko ung kwento, parang gusto ko nang umuwi na lang ng Pinas.

    nga po pla kwento ng isang kaibigan yan 🙂

    @Mitch…
    Iba pa rin talaga ang buhay sa Pinas, kahit medyo mahirap basta kasama mo pamilya mo. buti ka pa mitch 🙂

  3. YanaH says

    para sa kanya:

    i know where youre coming from.. di naman siguro kaila sayo ang nangyari din nuon sa akin.. alam kong alam mo yan.. pero hindi nga ba't umuwi din ako at nagsimula ulit? nang makauwi ako, ilang beses pa din akong nagsimula. mahirap, oo.. pero wala namang choice eh.. sige lang ng sige.. kahit sampung milyong beses ka pang magsimula ayos lang yun ang importante eh ung hindi ka sumusuko. ang importante eh dala-dala mo pa rin o nasa puso mo ung mga bagay na gusto mong makamit, pasasaan ba't maabot mo rin un.. kaunting tiyaga pa.. kaunting sakripisyo pa..
    sa iyong pag-uwi, hangad ko bukod sa iyong kaligayahan ay isang maayos na buhay, i hope things go well sa muling pagtapak mo sa lupang sinilangan.

    naalala mo nung huli tayong nag-usap? sabi ko diba, "i dont know what to say.. i-memessage na lang kita sa fb" eto ung mga bagay na gusto kong sabihin sayo sa message ko dapat sa fb, mga bagay na hindi ko kayang sabihin sayo sa chat at that time. ayoko kasing magbago ung mood mo sa pakikipagusap nung mga panahon na un.

    sa tingin ko nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin..kita-kits na lang.. hoping to hear from u soon.. u know how to reach me..

    mag-ingat ka.. at magpakatatag! sige lang ng sige ;))

    heksaytment much na ko sa inuman natin! hihihi

    see yah!

  4. Bino says

    isa ako sa mga Pilipinong nakipagsapalaran sa ibayong dagat. Pumunta ng Dubai ng walang katiyakang may mahahanap na trabaho. ganunpaman, naging mapalad naman at nakakuha din ng mapagkakakitaan. mahirap maging isang ofw. natalo ako dahil sa pagiging homesick, pagiging malayo sa mga mahal sa buhay. sa mga nagbabalak maging ofw, mag-isip isip muna kayo. pero kung wala naman talagang maibibigay na magandang kinabukasan ang pinas sa inyo, at handa kayo sa konti ngunit na sakripisyo, go lang.

  5. ISTAMBAY says

    nakakalungkot ang mga ganyan na pangyayari. haysss….

    nasabi na ni yanah lahat… 🙂

    magandang araw sayo sir

  6. rainbow box says

    natural talaga sa ating mga Pinoy ang malakas ang fighting spirit. Ang sulat na ito ay isa sa mga libo libong magpapatunay doon. napaka-positibo, para sa akin, ng sulat na ito. bagama't bigo sa pangingibang bansa, hindi naman sya nawawalan ng pagasa. saludo ako sayo, kung sino ka man.

    hindi naman lahat ng bagay na gusto natin ay ibinibigay ng Panginoon, malay mo, blessing in disguise iyan. God bless you.

    ***

    ikaw na talaga ang very white from the dungeon. ang linis! :))

  7. Kamila says

    Akala ko naman ikaw na yun Cm… toink.. di pala..

    Ako naniniwala ako na kaya natin mabuhay sa pinas.. kung hindi.. yun pa rin ang gusto ko paniwalaan.

    Isa ako sa mga anak ng OFW.. nasa ibang bansa ako, pero dahil hindi naman ako nagttrabaho dito.. hindi ko tatawagin sarili kong OFW.. toink.

    Pero malungkot.. kala mo dadalhin ka sa tuktok ng perang kikitain mo.. may mga OFW pa rin na umuuwi ng walang ipon.

    Hay.. kaya mas gusto ko pa ng simpleng buhay eh.. di masyado naghahangad pero masaya..

  8. bulakbolero.sg says

    ang masasabi ko dito, yung kung ano din ang sinabi ko sa blog ni PAJAY.

    ====================================

    Kinikilabutan ako habang binabasa ko ang liham.

    nakakalungkot.

    sugal talaga ang buhay. pakikipagsapalaran. hindi natin alam kung anu ang nangyayari. kung nakatakda man ito o kung anu pa man.

    Nagdarasal ako na sana etong kwento ito ay lalong magpatatag ng mga pangarap NYA…. Kaya tayo nabubuhay dahil sa pamilya natin. kaya tayo nabubuhay dahil may pangarap tayo.

    lipad pa saranggola. malayo pa ang mararating mo.

    keep on rockin' ser. \m/

    lubos na humahanga sa iyong katapangan sa pag sugal ng buhay,
    bulakbolero

  9. animus says

    naalala ko ang ginawa din naming pakikipagsapalaran ng aking mga kaibigan dito sa Dubai more than 5 years ago. lakas ng loob at determinasyon ang aming bitbit.

    mahirap maging OFW. ibang level ito ng pagpapakita ng love sa pamilya. sino ba namang taong gustong mawalay sa pamilya? definetely hindi ako ito. pero hanggang ngayon OFW pa rin ako, nagtitiis at sinusubukang maging masaya para sa pamilya.

    (LordCM, akala ko ibang blog ang napuntahan ko. from black to white, nice!)

  10. Akoni says

    Isa akong OFW at naiitindihan ko siya…good luck sa susunod niyang plano. Ang daming nasasakripisyo kapag OFW ka. madami, madaming mdami.

  11. Sardonyx says

    kakalungkot naman…weather-weather lang talaga, di pa nya panahon para maging OFW….sana di muna sya bumili ng mga bagong damit hehehe….sana makahanap uli sya ng trabaho para…masuot na nya yun nabili nyang mga damit at medyas hehehe….idaan na lang muna niya sa ngiti para hindi masyadong masakit dalhin ang matalo sa sugal

  12. T.R.Aurelius says

    mahirap talaga mawalay, kahit sa hindi mo kadugo at malapit sa yo, onting distansya nga lang, nalu2ngkot ka na, what more kung mas pa…

    anyhow, ganito talaga buhay…..
    pero malay naman natin db, baka dahil hndi nagwork sa umpisa, dhil may masmagandang nagaantay sa huli

    ^^,

  13. Ishmael Fischer Ahab says

    Nakakalungkot din ang mga kwentong tulad nito. Yung mga Pinoy na sumusugal pero natatalo. Masakit pa sa iba ay isinugal na nila ang lahat. Ang kanilang trabaho, lote ng bahay nila para may pang-proseso ng papeles at kung anu ano pang utang ngunit talo din sa huli.

  14. raymond alfonso says

    Ginawa ko lahat ng kaya kong gawin. Higit sa lahat, ginawa ko rin yung ayaw kong gawin, yung umalis.

    ito ung pinaka nagustohan kong part.

    ok naman sa ibang bansa pero ako dito nalang sa pinas. di ko lang talaga sila maiwan.

    thank's po…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *