Si maliit, si medyo maliit, si medyo malake, at si malake…

Nuong nakaraang linggo may nagtanong sa aking isang blogger, kung mayroon daw kaming mga lumang damit at laruan na para sa mga bata. Kung meron man, willing syang pumunta sa bahay namin sa Gapo upang kunin ito, yun nga lang sabi ko sa kanya ihanda nya lang sarili nya at makikilala nya na sina medyo malake, medyo maliit at maliit kapag nagpunta sya sa bahay namin.

Kinabahan ata at hindi nya alam kung sino sina medyo malake, medyo maliit at si maliit kaya sinubukan ko silang ipakilala isa-isa sa abot ng aking makakaya. Kaso mas lalong kinabahan nung nakilala nya sina medyo malake, medyo maliit at si maliit, mas lalo pa nung nakita nya si malake.

Okies, bago pa kayo manghula kung sino sila, ipapakilala ko na rin sila sa inyo.

Si medyo malake muna ang uunahin ko, JayJay ang tawag namin sa kanya. Pinakamabait sa tatlong asong naabutan kong alaga ng pamilya ko. Madalas lang yan nasa loob ng bahay, minsan kaagaw mo pa sa sofa, at habang nakahiga ka sa sofa at nanunuod ng tv, bigla na lang yang tatabi sayo at hihiga din…

Tingnan mo ung pix kung saan sya nakahiga at hulaan mo kung ano ginagawa.

Kapag araw lang yan, isipin mo kung saan sya natutulog kapag gabi…Sa kwarto namin!naka-aircon!

Sunod natin si medyo maliit, si Dyosa, ang nag iisang babae sa alagang aso ng pamilya ko. Eto naman ang bantay sa labas, kung sino pa ung babae sya pa ung bantay sa labas! Bihirang makapasok yan sa bahay at kung makapasok man, malamang masisigawan sya sabay labas.

Kita mo naman, pati picture nya nasa labas sya.

Sa lahat ng alagang aso ng pamilya ko sya lang ang naiibang kulay, pansin nyo naman diba? at malamang sya rin ang pinaka-camera shy, kita mo ayaw tumingin sa camera!

 

 

Si Maliit naman ang kasunod, sya ang pinakabago, dumating si Butsoy sa pamilya ko nitong nakaraan taon lang, kapalit sya ni malake(mamaya na kwento ni malake) kaya hindi ko pa sya nakita ng personal o nakadaupang palad.

Madalas din daw sa loob ng bahay to at malamang obvious naman sa picture diba, nasa kama, tabi ng PC…Kulay puti pa ung kobre kamang pinagpapatungan nya ng kanyang di ko alam kung malinis na paa.

Wala akong masyadong kwento tungkol kay Butsoy, dahil dumating sya sa amin pagkatapos ng bakasyon ko sa Pinas.

Ang pinakahuli ay si Malake. Santino ang tawag namin sa kanya, sa apat na linggong bakasyon ko nung nakaraang taon, masasabi kong sya na ang pinakagusto ko sa kanilang apat.

Dumating ako sa bahay pagkatapos ng mahabang byahe mula airport hanggang sa amin, bakasyon ko. Tulad ng inaasahan, may tatlong sasalubong sa akin,si Jayjay, Dyosa at si Santino. Tulad ng ibang aso, kapag hindi kakilala ang taong nakikita nila, tatahol ito ng tatahol, sabay-sabay pa silang tatlo, madaling araw at kasarapan ng tulog ng mga kapitbahay.

Buo pa naman ako at walang mga kagat nung nakapasok ako ng bahay, yun nga lang etong si Santino walang tigil ng pagbati sa atin, kahol dito kahol dun sa harap ng mukha ko, kulang na lang kagatin ako. Nangyari nga! Buti na lang at hindi ako inabutan ng sakmal nya.

Ilang araw din bago ko napaamo si Santino, minsan kinakahulan nya pa rin ako pero mas madalas na mabait na sya sa akin. Naalala ko pa ilang araw na lang bago matapos ang bakasyon ko. May inasikaso ako nun sa dati kong kumpanya, pag uwi ko ng bahay habang binubuksan ko ung gate namin, nakita ko to si Santino, papalapit, alam mo kung anong dala-dala nya? Tsinelas ko…

Ilang linggo simula nung bumalik ako dito sa Palau, binalita ng pamilya ko sa akin na nasagasaan nga raw si Santino, ilang araw din syang tahimik at parang lageng may dinaramdam. Isang araw, umaga bago umalis ang pamilya ko para mamalengke, nagpapicture pa raw bunso ko at si Santino, nuong minutong paalis na sila ay nagba-bye pa ang misis ko kay Santino, at habang sinasara ang pinto nakita ng anak ko si Santino nakahiga sa tubig at hindi na humihinga.

Di ko man inaasahan, pero tumulo rin luha ko nung kinuwento ni misis na iniyakan ng dalawa kong anak ang pagkamatay ni Santino. Dahil alam ko, kahit sa kaunting panahon na nagkakilala kami ni Santino, kinilala nya ako bilang kaibigan.

At alam ko, Sila ang nagsisilbing bantay at kaibigan sa mga mahal ko sa buhay habang nasa malayo ako.

Si Santino na ngayon ay nasa langit at siguradong nakamasid sa pamilya ko, si Jayjay, Dyosa at Butsoy, Sila ang haharap sayo kapag sinubukan mong pumasok sa amin.

Balik tayo sa blogger na kinabahan…mukhang nagdasal ito ng taimtim para magkaruon ng dahilan na hindi makapunta sa bahay namin at makilala sina medyo malake, medyo maliit at si maliit. Kasi nagkataong busy sa pagtatapos ng school ang pamilya ko kaya hindi maharap na maghagilap ng mga lumang damit at laruan, ang resulta, hindi na sya pupunta, sa susunod na lang daw.

Sayang! Naghihintay pa naman sa kanya sina medyo malake, si medyo maliit, at si maliit…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    buti na lang.
    amf.
    mukhang nagpahanda ka ng bonggang-bonggang pagbati kina medyo malake para saken..
    mygawd!
    lol

  2. LordCM says

    @yanah…
    malamang kung sa susunod pa kayo pupunta nila empi eh malake na rin si maliit at makulit na yun, lagot! lolzz

  3. Bhing says

    at last na met ko n rn cla.

    nasad nmn ako kay Santino 🙁

    i love pets! pag uwi ko wentu ko rin ung mga alaga ko.

  4. ?superjaid? says

    ang kyut naman ni maliit hehehe anyway..mahilig din ang pamilya namin sa mga aso may dalawang aso nga kami hihihi

  5. Leah says

    Ay! hangswirti naman ni Medyo Malake.. naka aircon everynight. naks.

    Angcute naman ni Medyo Maliit, kahit nannakatalikod, cute pa rin. hehehe… camera shy bah? baka meron lang pimple, kaya medyo nahiya.. lol.

    Super cute ni Maliit. Kahawig siya ng Pokeybear noong bata pa si Pokey… 🙂

    Awww.. nakakasad nga. I'm sure nasa dog heaven na si santino ngayon, Kuya CM.

    I have the very same experience po.. with my dog Fall. He died in my arms.. karga-karga ko sya nung nawalan na siya ng hininga. actually, he fought for his life pa.. for 10 days. nagkasakit kasi siya eh… an then, I tol him to let go na lang, kasi nahihirapan rin akong makita na nahihirapan rin sya… he just looked at me and kissed me on the nose. Tapos.. hours after, namatay na sya.. (Nag-share lang).. 🙂

  6. kristian says

    Medyo nakakarelate din ako. Yung aso naming si Bob. Hay. Medyo pasaway. Pero sa mga huli na niyang mga araw ay bigla itong bumait at may pa lambing2x epek pang nalalaman. haha

    Hindi rin tutyla ng aso niyo ha. Labas-masok lang sa bahay maliban lang sa camera-shy ninyong Dyosa. haha

  7. iya_khin says

    aayyyy….takot ako sa aso!!! nalapa na kasi ako nyan ng minsan na dala ako sa ER! haayyyy….

    nakakatawa naman ang verification word sa baba…OYARE

  8. khantotantra says

    andami ninyong aso sa haus. Sayang lang nalagasan ng isa. Pero siguro hanggang tatlo lang talaga sa haus ninyo, pumalit yung cute na maliit kay malaki

  9. Kamila says

    di ko pa nararanasan mag kaaso sa loob ng bahay.. na uupo sa kama at sa silya ko.. hahahah pero may kakilala ako na ganun.. at nakakatuwa… sayang at nakakalungkot naman at namatay si Santino.. ang galing lang kase dala niya yung tsinelas mo..dun ako natuwa.

  10. Ishmael Fischer Ahab says

    Ikaw naman kasi tinakot mo eh. 😛

    Nakakaawa naman yung nangyari kay Santino. Naalala ko tuloy yung alaga kong aso na namatay dahil binaril siya ng isang masamang tao. 🙁

  11. A-Z-3-L says

    ang cute ni butsoy.. kasyang kasya sa bibig ng pitbull ko 🙂 hahahahaha!

    mahilig ka rin pala sa ASO…

  12. animus says

    hi LordCM! ang cute ng mga aso mo. wala akong alagang aso kaya hindi ako masyadong maka-relate..hehe…gusto ko lng makigulo dito. 🙂

  13. says

    Hi, Charlie! Nakakalungkot naman at wala na si Santino, ang bait naman nya, marunong mag dala ng tsinelas. Pero honestly, sobrang loyal ng mga aso. With proper discipline, patience and love, lalaki silang loyal at mamahalin ka ng habang buhay! I treat my dogs as family members, and I’m thankful dahil nu’ng bata pa ako ay hinayaan ako ng magulang ko magalaga ng mga puppies. Hindi lahat ng magulang ay naiisip ito. Malaki nagagawa ng mga pets, natuturuan natin maging responsible ang mga bata, maging compassionate at magkaroon ng pagibig. May the Lord bless your family, and your fur babies! 🙂

Leave a Reply to LordCM Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *