Random lang…

Random lang, kung nabubwisit ka sa walang kwentang post, malaya kang gawin ang lahat

-nakatanggap ako ng sulat mula kay Uncle Google, eto ung pinakamalakeng font, “Your PIN: XXXXXX” , good news ba to?
 

-may bagong sponsor ang Tambayan, kaya register na at abangan ang pa-raffle
 
-nakakainis lang ung mga taong hindi na nga kagandahan eh ang sama pa ng ugali
 
-sarap lang batukan nung mga taong walang ginawa kundi pakealamanan ang buhay ng iba kaysa ayusin ang magulo nyang buhay
 
-manhid ba ung taong hindi nararamdaman na lumalayo sa kanya ang lahat?
 
-masyado akong nag alala sa announcement ng friendster na madedelete lahat ng photos, messages, etc sa account ng bawat isa, naalala ko wala pala akong friendster account, tagal na
 
-sobrang init ngayon sa Palau!
-paano kaya kumikita si Gabriel sa pagtataxi kung palage syang nakasunod kay Via? naisip mo rin ba yun? kung oo, malamang nanunuod ka ng Mula sa Puso
 
-at si Lucas na inakala kong walang kwentang role sa Imortal, ngayon sya na ang pinakamabangis na kalaban ng mga itinakda
 
-cute ni mutya kapag lumalangoy no, lake ng noo…may nakapagsabi sa akin na double lang daw yun, hindi mismo si mutya, at talagang marunong lumangoy ung double ni mutya
 
-malamang iniisip mo na ngayon na kalalake kong tao ang hilig kong manuod ng teleserye, sensya na walang pagpipiliian, walang sinehan dito at wala sa akin ang remote ng cable box, nasa kabilang kwarto

Kaya hanggang dito na lang, salamat kung umabot ka dito

Isasama ko sana sa Featured Article itong post ko, pero nahiya ako bigla, wag na lang!
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    pati si mutya pinangengelaman neto.. ang adik lang..

    pwede bang bawian ng pagiging moderator sa tambayan? kala ko one time lang ung raffle. gusto ko ng sumali.. malay ko bang may mga next pa hahahahahaha

    ung ibang comment ko nasa confe na eh.. hihi

  2. khantotantra says

    ayos sa randomness. hihihh. mukang tv ang libangan mo sir. 😀

    kahit double man o si mutya talaga, galing lang nila lumangoy 😀

  3. empi says

    Good news yan Boss na natanggap mo na ang PIN mo.

    Mainit din dito sa amin, ewan ko sa kanila kung mainit din.

    magreg pa lang ako dyan. 😀

  4. The Psalmist says

    master ung pin ibig sabihin nyan umabot na sa 10$ ang kinita ng adsense mo, or meron ka nang 7Euro, pag send mo ng details, merong option doon na send attachment, kahit ang pataka or national ID pwede na, tapos un na un, wala nang PIN

    CONGRATS for winning the T-Shirt

  5. Jag says

    Maganda din minsan sa puso ang pagmumura alam mo b yun? hehehe…

    Sa tagal kong nawala dito may iba na hndi n ako makarelate huhuhu…

  6. animus says

    hi LordCM,
    hahaha…adik din ako sa mga teleserye pero di man lng sumagi sa isip ko ang mga ni-present mo dito…ayan tuloy, paano nga ba kumikita si gabriel?!?! 🙂

  7. LordCM says

    @yanah…
    walang pakelamanan ng post 😀

    at wala nang bawian lolzz

    @renz…
    wag mo sabihin kapuso ka? hehehe, ok lang, wala kasing ibang pinoy channel dito

    @khantotantra…
    yun na nga, tv madalas, minsan inom 😀

    @empi…
    sana nga parekoy good news, kasi mukhang matagal pa ang bubunuin ko para makapag withdraw 😀

    @Kiko…
    kaya pala, kala ko kaperahan na eh nung pinadalhan ako love letter 😀

    @jag…
    hehehe, pinagmumura ko na, pero pabulong lang baka kasi marinig lolzz

    @bino…
    blogger pre ang bagong sponsor ng tambayan, ayaw din pakilala 😀 pansin ko nga pre na sa mdaling araw ka online, kaso bihira ang Tambay dun pag ganung oras

    @akoni…
    hahaha, yun lang…

    @tin…
    o sabi sayo eh, panay ang ligaw nya kay via, wala na syang kinita sa pagtataxi 😀

  8. Kamila says

    Totyal ng tambayan..

    at kung ako yung taong di kagandahan na masama ugali pakisabi lang..

    baka ako din yung taong pakielamera…

    baka ako din yung taong nilalayuan ng lahat di ko pa alam..

    hehehehehehehe.. minsan kase nafi-feel ko yun kaso di ako sure….

    at naapektuhan din ako sa pagkakawala ng friendster.. alam ko naman na tagal ko na siya iniwan.. perrroo.. madami pa rin jologs memory dun na ayaw ko bitawan..

    at di na ako makarelate sa mga teleserye..mahirap lang kame para magka—-TFC.

  9. ?superjaid? says

    ang hilig mo nga sa teleserye kuya cm hehehe anyway..balik tamabayan ako one of this days busy lang sa kung ano anong bagay eh hehehe

  10. Ishmael Fischer Ahab says

    Ay, ako rin. Naintriga sa taxi driver na iyon. Saansiya nakakakuha ng panggasolina niya kung buntot siya nang buntot dun sa chika bebs.

  11. Diamond R says

    peks man. nakarelate ako doon sa remote control na nasa kabilang room.Hahahaha. mukha kang tanga.bigla na lang nagbabago ang pinapanoond mo nasa kainitan ka na ng eksena minsan gusto mo ng ihampas ang TV sa kabilang kwarto.or sa bintana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *