Pa, May problema ako…

Ka-Chat ko bunso kong 9 year old

ankie : pa ankie to
ako : gawa nyo?
ankie : pa may problema ako
ako : ano?
ankie : wala akong pera
ako : magtrabaho ka para magkapera ka
ankie : hingi ako kay mama 300 ayaw ako bigyan
ankie : mag kano yong $1 pa nabigay mo noon?
ako : 43 pesos na lang ngayon yan, pag uwi ko bigyan kita $5
ankie : kasi pag punta kami sm sa lingo wala ako pera poro nalang ako tingin
ako : *ngisi*
ankie : keylan ka uwi, bukas?
ako : next year
ankie : may utang pa mama sa kin 150
ako :  o yun, singilin mo, para 150 na lang kulang mo
ankie : lang pera yun baka magalet
ako : hindi magagalit yun
ankie : galit na nga e tinanong ko
ako : o sige padalhan na lang kita
ankie : thank you

Nakakatuwa lang ang mga bata ngayon, kala mo matanda na kung makipag usap. Sayang nga lang at hindi ko nasusubaybayan ang paglake nila. Buti na lang anjan mama nila, sapat na para lumake silang matatalino, mababait kahit minsan pasaway, maganda’t gwapo na kamukha ko 😀

Na-miss ko tuloy sila…kaya kung ikaw may anak at nagbabalak na mag-abroad, mag isip ka muna 😀

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. =supergulaman= says

    yeah..right… 🙂

    nakakatuwa talagang makita ang mga kids lalo na kapag kasama nila ang parents…tapos nagkukulitan..saya..kaya ano pang ginagawa mo jan..uwi na… ahahaha!

    kahapon sakay ako ng FX,galing ako sa bahay ng mom ko, pauwi dito sa haus namin ni grace..actually mag-isa lng talaga ako sa haus, then habang sakay ng FX,ksabay ko is isang family, tpos si kid umiiyak..tpos umiyak na din si mommy, sabi ni mommy.."hon mag-iingat ka dun ha?" tapos niyakap sila ni daddy na parang nasa teleserye… kainis para akong magisang audience kasi sa likod kami ng FX nakapwesto..tpos sila nag-dradrama…ayun bukas na pla ang flight ni daddy base sa mga narinig ko…

    para akong naaawa at naiinis..kasi mag-isa lng ako dito sa bahay tpos pandadag pa sila sa lungkot ko..although sa May..uuwi na ulet ang grasya..wooahhh… 🙂

  2. Bhing says

    nakakamiss tlaga lalo na kung may anak kng naiwan sa Pinas.

    Kya ako pag-uwi mag-baby na para may reason na wag ng umalis 🙂 haha! joke!

    you're a lucky man Master Cm. ang ganda at gwpo ng anak mo.

  3. bulakbolero.sg says

    ang kyut ng usapan nio mag-ama. kakatuwa.

    natawa ko dun sa magtrabaho ka para magkapera ka. konting joke pero ganun talaga realidad. mainam na din na sa murang isipan nila e malaman nila na ganun kahirap magkapera.

    sarap ng kasundo mo ang anak mo. hayst kaingget.

  4. Kamila says

    Awwww… kulit… OO at agree ako sa mga huling sinabi mo.. di naman kailangan talaga mag abroad para maging masaya… pera? temporary happiness lang yan

  5. rainbow box says

    ayaw ko magemote, ang aga pa, wala pa nga yung bfast ko.

    naalala ko ang anak ko nuong tumawag ako.

    (2:30pm na, malapit ng matapos ang shift ko sa trabaho ng tumawag ako sa pilipinas)

    ako: nak, tawag nalang ako ulit mamaya, uwi na ako.

    D: momy, anong oras kita aantayin? 🙁

    (tumawag ako sa kanila one nyt sa sobrang miss ko sa kanila)

    D: mommy, ang mga airplanes ba bumababa? kase ang tagal mo ng nakasakay jan..

    🙁

  6. ?superjaid? says

    ang hirap nga ng ganyan. namiss ko tuloy bigla ang papa ko bigla im sure ganyan din ang nararamdaman nya.

  7. Nortehanon says

    sana pala ikaw naging tatay ko kasi ang bilis mo palang bumigay pag humihingi ng pera ang anak hehehehe

  8. Ishmael Fischer Ahab says

    Naks, ikaw na ang gwapo Kuya CM.

    Uy, kyut ah. Nagbago na lay-out ng blog mo. Bagong URL at bagong lay-out. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *