Empleyadong Pasaway Series 001

Ang Empleyadong Pasaway Series ay koleksyon ng mga tutuong karanasan ng may akda mula nuong nagsimula syang pasukin ang mundo ng mga genius…Nakakainis man sa umpisa pero dumarating ang araw na kapag sumasagi sa iyong isipan ay mapapangiti ka na lang…
Ang mga pangalan ng empleyado ay sadyang iniba upang mapangalagaan kung ano man ang dapat nilang alagaan…
Eto na!
Empleyado : Cha, Di nagpiprint ng ayos ung report ng system mo…
Ako : O sige, tingnan ko na lang

punta ako sa table nya ….

Ako : First time mo bang gamitin to?
Empleyado : Tagal ko na ginagamit yan, ewan ko bakit ganyan ung print out nyan

Tingnan ko ung utility, print ako ng report na sinasabi nya…

Ako : check mo naman ung print out kung ok na yan
Empleyado : ok na to, paano mo ginawa?
Ako : Binasa ko lang ung message nung system tapos namili ako sa mga option
Empleyado : Bkit ano ba ginawa ko?

huminga ako ng malalim, at pagkatapos…

Ako : PINDOT KA KASI NG PINDOT, HINDI KA NAGBABASA NG PROMPT MESSAGE, SIMPLENG MESSAGE HINDI NYO MAINTINDIHAN!!!

Sabay alis…matagal na rin kasi akong asar sa kanya kaya ganun naging sagot ko, sorry naman 😀


Syempre di pwedeng walang aral na makukuha sa karanasang ito na kailangan ding malaman ng ibang namamasukan sa mundo ng mga genius…
Sa simpleng bagay na di mo magawa, ilang minuto ang nasasayang, ilang tao ang naaapektuhan, isang kumpanya ang nalulugi…kaya magbasa bago magpipindot!

At kung mapapansin mo, walang pangalan na iniba, dahil kahit isang pangalan wala ka namang makikita sa taas…Ibig sabihin walang dapat pangalagaan 😀

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Ishmael Fischer Ahab says

    Tama. Sa computer, dapat magbasa bago pumindot. Parang sa buhay din yan. Mag-isip bago sumugod.

  2. iya_khin says

    yan na papala ng kakapindot…siguro mahilig lang syang pumindot at di nya na napapansin ang message at pipindot pa rin…hahaha! di ko din alam pinasasasabi ko basta pumipindot nalang din ako! hahahaha

  3. animus says

    hahaha..ang kulet! swak na swak ang title 'empleyadong pasaway'..pero teka, LordCM ikaw ba ang pasaway sa kwentong ito? hehe..peace! nde bagay sa'yo 🙂 (medyo relate ako kay empleyado, malay mo naman hindi niya talaga alam ang gagawin kaya nagpapaturo…defensive mode..hehe)

  4. arlene7_marc says

    Ang Taray mo naman! Malay mo may learning disability.kahit pa sinabi nagamit niya dati yung device doesn't mean expert na siya di ba?~~ TOINKS!!~~ haha

  5. hArTLeSsChiq says

    hahaha yari siya!

    ako minsan ganyan din, ang ginagawa ko nalang pag hindi talaga umaayon ang lahat, hinga lang ng malalim tapos relax lang…tamang analyze kung san ako mali at kung anong options ang available. Pag hindi ko talaga nakuha tsaka ako nagtatanong :))

  6. Diamond R says

    Buti di ka niya sinagot ng binabasa ba yon akala ko enter lang ng enter.

    Dito kasi yong mga ibng lahi ganon. dahil di naman nila maintindihan nag English kaya nagkakasira sira lang ang mga office equipment.kahit copier machine ang daming bumabalik sa akin na di naman sira. mas madali ngang bumili ng bago kaysa mag paturo.

  7. siyetehan says

    nakanakanaks!

    ilang linggo lang akong hindi nakadalaw eh muntik na akong maligaw.

    dotcom na!

    congratulations and more worthy articles!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *