Babaguhin mo pa ba?

May mga katangian ang bawat isa sa atin na hindi maganda para sa paningin ng iba, kung minsan mismong sarili natin ang nakakaalam nito. Hindi man labag sa mga utos ng Diyos ang katangiang ito, may mga tao namang hindi tanggap ang katangiang dala-dala mo. Pilitin mo mang baguhin ay di mo na magawa dahil simula’t sapul ay dala-dala mo na ito.
Ang maganda lang, tanggap ito ng mga nakapaligid sayo, ng mga kaibigan mo, ng mga mahal mo sa buhay, at ng mga taong nagmamahal o nagpapahalaga sa iyo…Ngunit dumarating ang araw na magkakaruon tayo ng bagong kakilala, hindi man nila mapansin ang katangian mong ito sa umpisa, darating ang araw na papansinin nila ito, at gaya ng ilan, maaari ka nilang layuan.
Oo nga’t alam mo sa sarili mong hindi kayang tanggapin ng lahat ang katangian mong ito…pero babaguhin mo pa ba para sa kanila? gayung tanggap naman ito ng mga taong nagpapahalaga sa iyo…


Ang imahe ay kuha ng may akda mula sa bintana ng isang hotel

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    para sa akin, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo, just to please others. okay na magbago, lalo pa at alam mo sa sarili mo na may mali or hindi maganda sayo na dapat baguhin. Pero mas mainam at mas magiging kapaki-pakinabang kung magbabago ka dahil gusto mo at para sa sarili mo, kasi kung gagawin mo un para lang matuwa sayo ang ibang tao, you'll be doing it for the wrong reasons..

    just my two cents

  2. Leah says

    Sabi nila, Change is the only constant thing in the world. Lahat, nagbabago. Lahat ng tao eh nagbabago rin.. depende na lang yun sa mga reasons.

    I think na sa isang tao.. The decision to change should be his and his alone. Change shouldn't be "forced".. darating lang din yan nang kusa. Mararamdaman mo na rin yan kpag gusto mo na talagang magbago. I think it wouldn't be good if you wanna change kasi pinilit ka lang. Pangit pag pilit.

    Also, the decision to change should be because he wants to do it para sa sarili nya, at hindi para i-please ang ibang tao. Oo nga at dpat ring iconsider na hindi tayo nag-iisa sa earth. We are social beings. Pero the decision to make change ay dpt na nanggaling sayo.. nararamdaman na gusto mong magbago para sa sarili mo..

    Oh, and the important thing.. change for the better.

    Opinyon lang.. 🙂

  3. Leah says

    P.S.
    Hindi ko yata nasagot ang huling tanong, Kuya CM. hehe..

    No. Hindi ko babaguhin ang sarili ko, just to please them.. Kasi nga, as you said, tanggap rin naman to ng mga taong nagpapahalaga sa akin. Still, there are possibilities pa rin na maybe I would wanna change. Kasi malay ko, maybe I'd realize something and Id feel na gusto kong baguhin ang sarili ko.. Pero ang stand ko as of now is NO. You really can't please everybody. 🙂

  4. Enjoy says

    Ayan… mas effective ito. Hahaha!

    Kaya lang di ko na rin maikokomento yung gusto kong sabihin. Kasi nasabi na nila. Naunahan na nila ako. Kasalanan ito ng comment box mo. :))

    Ang masasabi ko lang, nasa puso ang pagbabago. Magbago ka dahil gusto mo, hindi dahil napipilitan ka, para walang sisihan sa huli. Dapat maging sensitive din tayo paminsan-minsan dahil baka kahit tanggap ng mga mahal natin yung negative attitudes natin, nasasaktan naman natin sila. Yun lang.

    Hay, nakapag-comment din :p

  5. kiko says

    may mga katanungan tayo sa sarili natin na minsan ay nangangailangan ng kasagutan, sasagot ba tayong bigla o kailangang may basehan tayo ng kasagutan? dahil dito natin nasusukat kung gaano na tayo kalago at kalawak ang ating mga pananaw sa buhay, for me, as a matured christian, i will based my answer on my purpose of existence, kung alam kasi natin kung ano ang purpose ng Diyos kung bakit nya tayo ginawa, ito ang magbibigay sa atin ng mga kasagutan sa napakaraming katanungan sa ating buhay, kung tinanggap natin Siya as our Lord and Savior, our acceptance of Him will commit ourselves for change not for ours but for His Glory

    Happy Easter Master CM!

  6. rainbow box says

    sabi nga nila:

    be who you are and and say what you want to say, because those who mind don't matter, and those who matters don't mind.

    mahirap maging sunud-sunuran sa expectations sayo ng iba. in that way, you are living a life based on lie. hindi mo naman kailangang i-impress ang lahat ng tao. meron at merong hindi magkakagusto sa ugali mo. given na yun. pero ang mahalaga, tanggap ka ng mga taong tunay na nagmamahal sayo. yun lang naman yun. 🙂

  7. Diamond R says

    GAwin mo lamang ang isang bagay kong gusto mo ito at naniniwala kang makakapag pasaya sayo at mga taong mahalaga sayo.Hindi dahil sa yon ang gusto ng iba.
    Ikaw ito at nagiisa lang sa mundong ito.

  8. duking says

    kung lalayuan tayo dahil sa katangian natin na susukatin ng iba bilang kahinaan, sana makita rin nila ang katangiang kaka-iba sa atin bilang lakas.

    acceptance ng pagkakaiba. yun ang simula ng mas maayos na buhay natin bilang tao, sa tingin ko.

    magandang araw,lordCM

  9. animus says

    hi LordCM,
    handa akong magbago kung ito ay kinakailangan. kung makakabuti ito, bakit hindi. marunong akong makinig lalu na pag pamilya at kaibigan ang nagsasalita, confident ako na iniisip nila ang kapakanan ko..pero pag wala namang koneksyon sa akin, medyo may pagka-isnabera ako…'kung ayaw mo, wag mo':-)

  10. Bhing says

    nasa kamay mo ang pagbabago. ikaw lang ang pwdng magbago ng sarili pero along the way binabago tayo ng pagkakataon at karanasan.

    masama o mabuti lahat at may karapatang mamuhay ayon sa kanilang kagustuhan wala sa idinidikta ng nakapaligid at moralidad ng sanlibutan.

    you are who you are! tama ang huli mong sabi kung para sa ikabubuti handa kng magbago.

    Have a blessed holy week Cm!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *