Alipin lang pala ako…

Mundo kung saan si LordCM lang ang maaaring maghari, yan ang Blog description ko nuong pinasok ko ang blogosperyo…Pahina ko ito at ako ang masusunod, kung ano man ang opinyon ko, isusulat ko…kung ano man nasa isip ko, ibabahagi ko sa mambabasa…kung ano man ang gusto kong sabihin, kahit ayaw mo mapipilitan kang basahin…Andito ka sa pahina ko, akin to!, sumang ayon ka, kumontra ka, anjan lang ang comment box nakabukas para sa lahat…pero di mo na mababago kung ano ang gusto kong iparating…Dahil akin to!!! Opinyon ko to!!! Sasabihin ko kung ano gusto ko!!!

Dahil sa pakikipagtalo sa emosyon, may mga poste ako na sa sarili ko ay alam kong tama, kasi nga pahina ko to…may mga poste akong mali sa iba, pero dahil pahina ko to pakealam ko sa inyo…may mga poste akong nakakasakit ng damdamin ng iba, pero pahina ko to, at yan ang gusto kong iparating sa inyo…

Sabi ko nga Mundo ko to, at ako lang ang maaaring maghari…

Eto ang problema, KAILANGAN ko palang pumasok sa mundo ng iba, makipagkilala, makipag kaibigan, makipagpalitan ng kuro kuro, sumang ayon at kumontra sa gustong iparating ng Hari ng mundong pinasok ko…KAILANGAN, kasi hinayaan mong mabasa ng karamihan ang opinyon mo…KAILANGAN , para may matutunan ka dahil hindi lahat alam mo…KAILANGAN, para malaman mong minsan nagkakamali ka rin…Hanggang sa ako mismo ang tinamaan ng opinyon ng iba, ako mismo ang binato, at ako mismo ang nasaktan, ano magagawa ko mundo nya yun?!!, opinyon nya yun!!, sya ang hari ng sarili nyang mundo!!…

Masakit din pala, para kang sinampal, binatukan, o dinuro duro na parang walang kwenta…

Ngayon di ko alam kung dapat ko bang pag-harian ang pahinang ito…Dapat ko bang isulat basta basta ang opinyon ko, ibahagi ang nasa isip at sabihin ang gusto kong sabihin…Dapat nga ba akong maghari sa sarili kong pahina?

Minsan na akong nasaktan dahil sa opinyon ng ilan…Di ko na siguro kelangan iparamdam ito sa iba, sa mga mambabasa…Ibabahagi ko ang opinyon ko hindi dahil alam ko iyon ang tama, kundi dahil alam ko na ito ang gusto ng mambabasa, dahil alam ko wala akong masasaktang damdamin ng mambabasa…

Hindi ko pala dapat pag harian ang pahina ko, pinili kong isapubliko ang pahina ko, pinili kong mabasa ng karamihan at mabisita ang pahina ko…dapat ko palang isa alang alang ang mararamdaman ng makakabasa sa mga sinusulat ko…dapat ko palang ituring na isang mabuting kaibigan ang bumibisita sa aking mundo, pagsilbihan at alukin ng kung anong meron ako para maging komportable sya sa bawat paghakbang nya sa mundo ko…yun nga lang wag lang nyang lalaitin ang aking mundo, dahil ibang usapan na yun…

Ngayon naisip ko…Alipin lang pala ako ng aking pahina, mambabasa ko ang Hari nito…


Ang artikulo sa itaas ay re-post, oo, wala kasi akong maisip na mai-blog ngayon. pero in-edit ko muna mula sa orihinal na bersyon. Para na rin sa mga bago kong kaibigan dito sa mundo ng blogosphere…

Contact Us

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. mommy-razz says

    oo nman pwd kang maghari d2 sa bahay mo, hehe! kahit anong gusto mo d2 walang makakapigil sayo diba.. nice post..

  2. Akoni says

    WOWWWW…magagalit na sana ako sayo sa umpisa pero nabawi sa huli…hehehe..magaling, magaling magaling…alam ko atin ang atin pahina, pero mayroon tinatawag na consideration,diba? bahay natin ito, mga bisita natin ang mga mambabasa, kaya isaalang alang natin ang kanilang damdamin…kung hindi sila sang-ayon sa isinulat natin? normal lang, gawin nalang sa susunod na maging mas maigi ang pagpapaliwanag natin sa gusto natin ipahiwatig na pasok sa kanilang panlasa at hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko basta maganda itong post mo. i lurve it. can i lick it? hehehe

  3. ?superjaid? says

    hindi ko alam kung agree ba ako or disagree kasi para sa akin eh karapatan nating sabihin ang ating mga opinyon yun naman kasi talaga ang purpose ng blog noon pa man pero tama rin naman na isaalang alang natin ang damdamin ng ating mga mambabasa so sa tingin ko dapat tayong magsulat ng mga tunay nating opinyon,at saloobin tungkol sa mga bagay bagay sa paligid natin sa paraang gusto natin pero maging responsable na lang tayo sa mga isusulat natin. kasi mas maganda pa rin kung hindi magiging hadlang ang katwirang iyong nabanggit kuya sa pagpapahayag natin ng tunay nating saloobin. =) maiintindihan naman yun ng mga kapwa natin blogger eh kasi lahat naman tayo eh dumating sa point na against tayo sa isang bagay or topic =)

    yun lang ang haba ng sinabi ko pasensya na kuya cm hehehe =)

  4. iya_khin says

    speechless iiyak nalang ako!!waaaaahuhuhuh! ako dati puro hinanakit lang ang sinusulat ko, puro kadramahan sa buhay ko…pero lately na realize ko nag iiba na pala ang tema ng sinusulat ko..dahil din sa inyo nakakaimpluwensya!yung dating umiiyak umaatungal na ngayon! hahaha!

    nice post totoo.di ako nagskip read ha!

    ps dun ka pala sa blog post ko ngayon,kinaladkad kita.

  5. animus says

    hi LordCM, akala ko may nang-aaway sa'yo dito sa blog mo…aba, aba nde pwedi ito…subukan lng niya, ang dami mo kayang kawal! isa na ako dun.hehe..:-)

    may kanya-kanyang opinyon tayo. matuto lng tayong rumespeto.

    hindi ako alipin o hari sa aking blog, isa lang akong normal na mamamayan na ang nais ay malayang maipahayag kung anuman ang gustong ipahayag…ito'y sa aking opinyon lamang. 🙂

  6. khantotantra says

    the final 2 paragraph strikes. Tama. Minsan, kahit pahina natin. Kahit pede nating gawin ang lahat, sabihin at bigkasin ang lahat. Kailangang may limitasyon dahil may ibang nakakabasa. But, You still own your own opinion. Its either they like it or not.

  7. LordCM says

    @mommy-razz…
    hehehe, di nyo po ata nabasa ng buo ung article

    @Akoni…
    nagalit na nga ako sa una, magagalit ka pa? lolzz

    @empi…
    hahaha, empi, ikaw na! 😀

    @Joanna…
    yun oh, Makatang hindi makokontra! 😀

    @Jaid…
    ok lang naman sabihin mo lahat ng opinyon mo sa blog eh, kahit di mo isipin kung ano epekto nito sa mambabasa, yun nga lang dapat handa ka sa magiging resulta nito…

    @iya_khin…
    hahaha, umatungal na ba? lolzz

    skip read? parang may nabasa ka sa comment box ko ah hehehe 😀

    @Animus…
    actually may gulo nga nung panahon na sinulat ko yan, pero since repost ito, in-edit ko para di na maalala pa ung gulo dati sa blogsphere, kasi ok naman na ngayon 🙂

    @Bino…
    yun! dapat ang gagawin mo ay pasok sa panlasa ng judges…

    @khantotantra…
    di nmn kailangan may limitasyon, ok lang kahit ano, basta maging responsable tayo sa mga gawa natin at sa magiging resulta nito

  8. ~ JaY RuLEZ ~ says

    tama ka jan…
    at gusto ko ung huli.

    mamababasa ang hari…

    morning cm..

    nakadotcom kana…grats 🙂

  9. ISTAMBAY says

    bawat tao ay may kanikanyang opinyon, maaring tama sayo pero mali sa iba. Maari tayong masaktan sa opinyon ng iba pero isipin din natin na may natutunan tayo sa opinyon na iyon.

    Tulad mo sir, naggawa ako ng aking mundo, ako ang hari at ako ang masusunod dito dahil akin ito. Pero mali, ang dahilan ko kaya ginawa ito ay upang mailabas ko ang ano mang damdamin, opinyon o kwento na nasasaisip ko. Hindi natin maiiwasan na may pumasok dito, dahil bukas ang ating mundo.. aminin man natin o hindi, sila din ang nagpapatakbo ng mundong kinawa natin.

    naalala ko si P-Noy.. "kayo ang aking boss"

    magandang araw sa inyo sir..

  10. Leah says

    Hmm.. Kuya CM, di ko alam kung agree ba ako or disagree…

    Meron din akong na-experience.. actually last week lang yata yun. Sa bloghopping, napadpad ako sa isang blog. And then meron siyang post about… basta. Hehe. Eh medyo disagree ako sa topic nya, kaya nagpost ako ng akong opinyon. In short- kinontra ko yung opinyon nya. Pero isinulat ko yung comment ko na hindi naman bastos or makaka offend sa kanya.

    Still, the blogger took it very negatively siguro. Nag PM sya sa akin sa Facebook, and then bombarded me with harsh words. VERY harsh words nga, in fact. Hindi ko na lang din pinatulan.. and then inunfriend ko na lang din sya sa FB. Bleh! hehe..

    My points is… Yes, granted na blog nya iyon at karapatan talaga nyang magpost ng kanyang sariling ideya. But to expect his readers.. all of his readers.. to just agree with him, eh parang napakahangin naman nya. Ang tao kasi, we are all different in every way. Diverse. Kahit nga sa fingerprints, hindi tayo magkakatulad… much more, ideas and opinions. Though I see his point na blog nya yun, eh sana man lang din eh nirespeto rin nya yung opinyon ng iba… yun lang naman. IF he didn;t want others to agree, sana nag comments off na lang sya.

    About sa post nyo, Kuya CM.. I'm not sure if I would agree or not. I mean.. this is your blog, anyway. You can basically write anything that you want. Sabi nga ng iba, if you wanna rant, you rant. if you wanna post cheesy stories about love (eeww.. haha!), you do that.. Full freedom kasi blog mo to, kontrolado mo. Still, with that comes responsibility na rin. Kasi ang blog mo ay isang online journal. Mababasa talaga ng lahat. If you;re tackling sensitive issues about the Church, the government, sexual preferences, the likes.. eh dapat tlaga responsible writing, dba? Consideration.

    Pero you don;t have to give up your main purpose of blogging.. which is to express. Kung iisipin mo n lang lagi ang magiging reaction ng iba, yung magiging komento ng iba.. then baka magiging less honest ka na sa mga posts mo, and you'd slowly lose sight of that purpose..

    I think, there's nothing wrong kung maghaharian ka sa blog mo.. because it is your blog. This is where you express YOUR opinions and share your ideas. But be responsible na rin kasi your blog is online. Kung meron mang kokontra sa post mo, i think that's perfectly normal.

    Pero kung haters talaga,, I think that's a different story. hehe.

    Yun lang. Hihi.. Magulo ba nang slight ang point ko Kuya? Sensya na.. Ang haba. 😛

    My Tasty Treasures
    Ako si LEAH
    Everyday Letters

  11. LordCM says

    @istambay…
    matuto lang tayong tanggapin ang bawat opinyon ng mambabasa, ayos na yun, kahit ano na isulat mo…un nga ung sinasabing dapat handa ka sa resulta ng iyong ginawa…

    @Leah…
    dami ko na ring naexperience na ganyan, ung iba pa anonymous talaga, mura ng mura tapos ayaw magpakilala, hayaan ko nga 😀

    andun na ako sa freedom nating mailabas lahat ng gusto nating ilabas dahil blog natin to, pero syempre dapat handa ka rin sa magiging resulta nito, pero kung di ka handa, then dapat mong isipin kung paano hindi maooffend ang mga readers mo sa mga sinusulat mo…

    its either maging responsible writer ka o tanggapin lahat ng magiging resulta sa bawat hakbang mo…

  12. Kamila says

    like ang huling mga salita.

    naisip ko tuloy may post din ako na sinabi ko na.. anong paki ko sa inyong lahat na nagbabasa? ang tarush.. pero cease fire din ako bago ko pa man matapos ang post na iyon.. alam kong attach na ako sa mga kapwa blogger.

    sabi… hindi porket pwede mong sabihin mo lahat eh sasabihin mo na..

    pero ang sarap lang na ma-express lahat lahat lahat.. sa buhay kong ito.. spoiled ako.. nagawa, ginawa ko na lahat ng gusto ko gawin.. pero di ko alam kung magpapatuloy pa din ako..

    wala naman pagsisisi, dahil madame din akong natutunan sa mga pagkakamali (at parang narerealize ko na lumalayo na ako sa topic..hahahaha)

    gusto ko pa rin magpatuloy na sabihin kung ano mga gusto kong sabihin, siguro may pagsisisihan ako, pero mas pagsisisihan ko ang mga bagay na di ko nagawa..

    magpapatuloy pa rin ako, tama ka, na wag makasakit sana ng kahit sino (although di ako sure kung aware ako sa bagay na ito)

    🙂

  13. says

    Mahusay na piyesa. Actually ikaw pa rin ang hari, hindi ka alipin ng pahina mo, kasi ang pahina mo mismo ay repleksyon ng pagkatao mo. (Opinion ko lang Sir CM hehe ^_^)

  14. says

    matagal na pala itong post na toh, nagulat ako nakita ko comment ni mommy razz, hinhanap ko kasi siya eh…

    anyway, lahat po tayo ay may sariling opinyon. Kung hindi man nila ma-appreciate yung akda niyo, doon po mangingibabaw ang respeto. At ganun din naman po kayo sa kanila. Lagi ko kinoconsider sa pagbblog na sinabi din ng aming elders sa youth “it’s not always the matter of right of wrong, as long as someone will get hurt… and so on” hehe. basta yun na yun, labo ko noh

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *