ADVERTISEMENTS

Dahil sa magbi-beerday si Empi, nakaisip sya ng isang pakulo…Actually, hindi lang basta-basta…isa itong napakagandang idea. Gusto nyang mabigyan sya ng mga letters instead na picture greeting or kung anong anik-anik pa, Sulat-Kamay ang gusto nya, Oo, Letters, as in Sulat-Kamay na mensahe para kay Empi at ipadala mo sa post office na naka-address sa kanyang kubo…

Oo nga naman diba? balikan natin yung nakasanayan nung high school na mga love letters na pinaghirapang isulat sa napakaganda at napakabangong papel tapos selyado pa ito ng mga halik mo sabay ipapadala mo sa iyong pinagnanasaan minamahal. Tapos 48 years bago makarating!

Ayos dba? Kaya ayun naiinggit ako, ginaya ko sya pero imbes na ipadala sa post office at maghintay ako ng ilang years bago matanggap ang sulat, email mo na lang or i-post sa wall ko ung Sulat-Kamay na love letter na piniktyuran mo…gaya ng ginawa ni Parekoy Abnuy Amor…pero hindi sya love letter, message lang na pang balentayms kasi may love na ako eh lolzz

Kaya ayun! nagdagsaan ang mga Sulat-Kamay sa wall ko at sa iba pang KaBlogs…pero bilib ako kay Empi, kasi nanghihingi sya ng address ng KaBlogs at siguradong padadalhan nya ng Sulat-Kamay nyang mensahe, sweet no?…

I-click mo ito para sa iba pang Valentine Notes na gawa ng ibang KaBlogs

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung gusto nyo pa ako padalhan, andito lang ako sa lordcm@pinoyblogawards.com :-) … salamat sa idea na to Empi, iba ung pakiramdam na makatanggap ka ng mga ganyang sulat, wala man akong ka-date sa araw ng mga puso, masaya ako dahil sa idea mo, at syempre sa lahat ng nagpadala ng sulat-kamay nila..cheers! sosyalin ang dating, eto na lang, SHOT!!!

ADVERTISEMENTS
Search Terms : mensahe para sa araw ng mga puso,sulat para sa valentines day,liham para sa araw ng mga puso,sulat para sa minamahal,mensahe para sa valentines day,sulat para sa araw ng mga puso,sulat para kay mahal,halimbawa ng liham na pagpapakilala,mensahe sa araw ng puso,mensahe para sa minamahal