Promises are made to be…

-President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino’s Inaugural Speech

Nitong nakaraang linggo lamang mahigit dalawang daan katao ang nakatira sa gilid ng Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia na naghihintay na mabigyan ng tulong ng ating Gobyerno upang makauwi sa kanilang mga mahal sa buhay dahil na rin sa hindi matiis na pagmamaltrato ng kanilang amo, at hindi pagpapasuweldo sa tamang oras. Nasaan na kaya sila ngayon, matapos silang tawagin ni Asec Malaya ng DFA na mga “NAGPAPAPANSIN“? …

At ngayon panibagong ISYU mula sa mga kababayan natin sa Taiwan…Pina-deport ng Gobyerno ng Pinas ang ilang Taiwanese kamakailan sa CHINA. Oo, sa China! Mga taga-Taiwan pina-deport ng Pilipinas sa China. Malinaw na pagkakamali, at ang hinihingi lamang ng Taiwan Government ay humingi ng paumanhin ang ating bansa at magbigay ng written explanation tungkol sa pagkakamaling ito…

Ano nangyari?! Nanganganib ang mahigit sa 45,000 o ang masama pa, 90,000 80,000 na OFW sa Taiwan na mawalan ng trabaho at mapauwi ng tuluyan sa Pilipinas, ganun din ang mga nagbabalak pa lamang na pumunta ng Taiwan upang kahit papaano’y guminhawa ang kanilang buhay.

Official Apology Letter lang, hindi pa maibigay? Obvious naman ang pagkakamali, anong mahirap sa pagtanggap ng mali? Tuloy, ang pagkakamali ng isa, libo-libong kababayan ang apektado, pangarap na guminhawa ay biglang maglalaho…Nasaan na ang mga PANGAKO?… parang kanta lang enoh

Mister President, Absent ata ung mga ahensya ng Pinas nung nagtalumpati kayo…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ISTAMBAY says

    nakikita natin ang sinseridad sa bawat salitang binitawan ng ating pangulo, dangan nga lamang at ang ahensyang kanyang pinagutusan o pinagsabihan ay sabi mo nga, absent ba o tulog noong sya ay magtalumpati.

    ang pagkakamaling pangyayaring ito ay hindi simple, malaking pagkakamali ito na ang resulta, nanganganib ang kababayan natin sa taiwan…

    Common sense, pag ipindeport na isang american national, sa bansa dadalhin, di ba sa america kasi national sya ng america.. ang layo ng taiwanese sa pagiging tsino.. sa isip ng iba, ang dating nito ay bobo ang nasa ahensyang yan.

    nakikisimatiya ako sa ganitong sitwasyon na ating kababayan.. sana, matanggal sa pwesto ang gumawa ng pagkakamaling iyan

    ingats kayo sir jan.

  2. BlogusVox says

    Mukhang nag katotoo na ang mga hinala ko noong walang pag babago sa pamumuno ng administrayong ito.

    Ayokong magdilang angel.

  3. Artiemous says

    wala talagang systema ang pinas, kaya nga yung ibang kakilala ko na nagtatrabaho sa ibang bansa eh ayaw na umuwi dahil sa panget na pamamalakad ng gobyerno. 🙂

  4. rainbow box says

    hindi ko alam kung dapat ko bang sabihang bobo ang mga nakaluklok o sadyang bobo lang ang mga bumoto. ngayon magsisihan nanaman tayo. parang cycle lang, paulit ulit. walang natuto e. palibhasa maingay ang pangalan nung eleksyon kaya yung iba, wala ng pakialam sa mga "nagawa", basta sikat, tira na!

    o ngayon eto nanaman ang isang kapalpakan.. sinu ba dapat talaga ang sisisihin? anu ba talaga dapat ang pinaiiral dito?

  5. Bhing says

    ang sagot na nila ngyon ONE CHINA POLICY. tsk!tsk!tsk! ang hiningi ng taiwan ay apology pero nakipagtigasan ang Pinas,pinatagal pa nila. maayos nmn sana sa magandang usapan. 🙁

  6. Kamila says

    Shemay naman. Nakakawalang gana na talaga..katulad ng sinabi ni Rose na cycle na naman at paulit-ulit..

    Hay. Totoo lang ako na kararating lang sa states.. kung hindi lang dahil miss ko na ang mga tao sa bansa natin.. hindi na siguro ako babalik jan.. huhuhu..

    kakaiba kase palakad dito.. hay.. ang systema natin may cancer na talaga…

    para sa akin..kahit sino pa ang iluklok sa itaas..kung mga hayop din naman ang mga galamay niya…at ang mga awtoridad na nagsisilbing representative na humahawak sa pilipinas..eh wala din.

  7. khantotantra says

    di ko to nabalitaan siguro due sa death ni angie reyes. parang dun na lang kasi lagi nakatoon ang mga mata ng tao at di na naiintindi ang mga ofw workers.

  8. =supergulaman= says

    Copy-paste comment ko from bhing's entry..hirap magtype… ahahaha…^_^

    matagal ko ng binabasa ang entry na ito at nakikisagap sa issue sa mga radyo at TV… sabihin natin na nakikisampatya ako OFW… pero ang gobyerno sa ngayon ay may pinanghahawakan na pride… handa na itong makipagmatigasan kahit kanino… pero sigurado naman alam din nila ang posibleng epekto nito…

    "Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pag-iinitan ng mga Taiwanese ang mga Pilipinong OFW dahil sa kasalanan ng mga Taiwanese na na-ideport sa Tsina"… Malinaw na diskriminasyon ito at racism.

    Ang sabi ni Laila De Lima… hindi pagkakamali iyon, dineport daw nila sa China ang mga Taiwanese dahil dun sila may kasalanan at ang mga biktima nila ay nasa mainland China at kahit maging sa Interpol ay wanted din ang mga ito…, so sinasabi din nila na mahirap litisin ang mga taong may kasalanan kung walang nagrereklamo"…

    Kung susumahin, may punto ngang makipagmatigasan ang gobyerno ng Pinas. Pero kung sa simpatya ng OFW, sasabihn natin wala kasi sila sa lugar ng mga OFW sa Taiwan kaya ok lang para sa kanila yan.

    Pero hindi, may mas prinoproktektahan ang Pilipinas na mas higit pa daw dyan. Kung anu man iyon… yun ang hindi ko alam.

  9. LordCM says

    Sabihin na nating tama lang ang ginawa ng Pinas…at nangyari na ang kinatatakutan ng mga OFW sa Taiwan, ano na ang plano nila sa mga OFW na mawawalan ng trabaho? ano na ang mangyayari sa mga papunta ng Taiwan na hindi na pinatuloy?

    sana man lang may marinig tayong plano para dito, pero wala eh! umaasa na lang sa resulta ng pakikipagtaasan nila ng Pride…

  10. =supergulaman= says

    yun nga..hindi yan gagawa ng aksyon hangga't hindi pa ganun kalala o wala pang nangyayari… litong talilo pa ang gobyerno kung anu nga ang maspapaboran nila… ang nakakatakot dyan kapag ginawa ng sacrificial lamb ng gobyerno ang mga OFW sa Taiwan para lang maprotektahan ang pride at relasyon sa mainland china…hindi rin yan susunod sa hinihingi ng Taiwan…ayaw ng kasalukuyang gobyerno ang magmukhang sunod-sunuran…handa na yang makikipagpataasan ng ihi… parang magiging ganito ang siste:

    "Magalit na kung magalit ang Taiwan, pauwiin na lang ang mga Pinoy"…

    Pero katulad nga ng sinabi mo, sana nga lang may mas epektibong plano para dito, risk contingency plan ika nga….

  11. LordCM says

    Astig!Isa sa dahilan kaya kahit papaano'y umaangat ang ekonomiya ng bansa ay dahil sa mga pinapadala ng mga OFW tapos gaganunin lang nila?!at pag pinauwi ang mga yan sa Pinas, dagdag problema sa Gobyerno ng Pinas yan, malamang malakeng gulo kapag kalahati ng 90K OFW sa Taiwan ang pinauwi, wag naman sana…

    ewan ko lang kung may Pride pa sila kapag nag react na ang libo libong OFW na naaapektuhan sa pinaggagawa nila…

  12. captain youni says

    nalulungkot naman ako sa mga kapwa Pilipinong nagpapakahirap sa ibang bansa… Tinawag silang bagong bayani pero ganun pala ang ibig sabihin ng bayani hindi binibigyan ng importansya… ang tanong jan "gaano kahanda ang Pilipinas" dapat lang talaga na merong plano…

    nakikiayon po ako kay super gulaman
    nkiki-epal lang po

  13. Ang Babaeng Lakwatsera says

    Nakakalungkot ang mga balita..kundi patayan, corruption, nakawan, kawawang mga ofw.. ano na ba nangyayari sa bansa natin.. ang mga kababayang nating nagtatrabaho sa ibang bansa, nagpapakahirap para kumita at makapagpadala ng pera sa bansa natin. sana bigyang aksyon naman ni P-noy yan.. nakakalungkot talaga.

  14. LordCM says

    hindi na nga isyu dito kung ano ang ginawa ng pinas eh, ang isyu na lang ano ang plano nila sa libo-libong OFW na nanganganib na mawalan ng trabaho?

  15. Ishmael Fischer Ahab says

    One China Policy, yan daw ang dahilan kaya sa mainlang China pinadala ang mga Taiwanese na na-i-deport.

    I a way, hindi kinukunsidera na isang nagsasarili ang bansa kundi parte ng China.

    Ang siste kasi, ang gobyerno ng mainland China ang nagsasabi na sila ang totoong gobyerno ng buong China. Ganun din ang stance ng Taiwan. Simula nang pumunta si Chang Kai Shek sa Taiwan, claim din ng Taiwan na sila ang totoong gobyerno ng buong China.

    Basically, may dalawang gobyerno ang China at Taiwan.

    Yun nga lang, kailangan pa ba manghimasok ng gobyerno tungkol sa kung ano ang legal na gobyerno ng buong China. Kapag sinabi ng papa-deport na taga-Taiwan sila e di sa Taiwan sila ipadala.

    Ganun lang naman kasi kasimple yun.

    Pero sa palagay ko, tuloy pa rin ang appeasement ng Aquino Administration sa mainland Chinese government patungkol sa nangyaring hostage taking sa Quirino Grandstand.

    Yun nga lang, yung mga OFS sa Taiwan naman ang naging hostage sa kagagawan ng Aquino Admin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *