Mga Pinag-uusapang EB!

Si VP Binay pagkatapos tanggihan ng Bansang Tsina
ay pinayagan ding makarating ng Tsina upang
makiusap sa Presindente na pababain ang sentensiya
ng tatlong OFW mula sa parusang bitay…
Ang resulta, ipinagpaliban ang pagbitay sa tatlong OFW
at walang kasiguruhan kung itutuloy pa ba
ang pagbitay o pabababain ang sentensya ng tatlo…
Si Mar Roxas na ipinadala ni Pres. Noynoy Aquino sa Taiwan
upang ayusin ang problema sa pagitan
ng Taiwan at Pilipinas,
at upang tanggalin ang pangamba
ng libo-libong OFW na mawawalan ng trabaho…
Ang resulta, walang malinaw na usapin…
Ang malinaw lang, hindi pa rin nag SORRY ang Pinas
at ipinagmamalake ng ating Gobyerno ang hakbang na yan
kapalit ng libo-libong OFW na mawawalan ng trabaho
at ipapakain sa kanilang mga mahal sa buhay…
Si Manny ‘PacMan’ Pacquiao, kamakailan
ay naimbitahan na makipagkita 
kay US President Barrack Obama
Ang resulta, wala!
Bukod sa ANGAT NA NAMAN ANG PINOY!

Si Maria Aragon, pagkatapos mapanuod ni Lady Gaga
ang video kung saan kinakanta ni Maria ang kanta nya 
ay nagkausap sa telepono sa tulong na rin
ng isang Radio Station
Ang resulta, naimbitahan si Maria na makipag-duet
kay Lady Gaga sa isa nitong nalalapit na concert.
ANGAT NA NAMAN ANG PINOY!!!
At ang pinakapinag uusapang EB!,
ang EB ng mga blogerong hindi makakalimutan
lumipas man ang mahabang panahon,
marami man ang nawala
ngunit andyan pa rin ang ilan
upang ipaalala at bigyang buhay
ang EBng minsan nang pinag-usapan!

Ang resulta, hindi man magkakakilala, 
hindi pa man nagkikita,
pero patuloy na nagkakaisa
sa layuning magpasaya ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng pagsusulat.
at sa pagtatapos,
hayaan nyong pabaunan ko kayo
ng isang quote na galing pa
sa kaibuturan ng aking puson…
Mas magandang balita ang hatid
ng taong mas malake ang buka ng bunganga bibig
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bhing says

    Master nag guest na si Ms. Aragon sa Ellen Degeneres show. ^_^

    dp ako nakakaget over sa pagpnta ni Mar Roxas dito. at sa sinabi ng presidentente dito. wait and see! (tutal yan nmn ang sagot sa akin sa ahensyang tinawagan ko) tsk tsk tsk !

  2. ISTAMBAY says

    nakakatueang isipin na umaangat ang pinoy sa kasikatan ng isang nilalang.. tulad ni manny na pinatawag ng pinakamakapangyarihang lider sa mundo. ang resulta angat nga at pinoy pero wala.. tama

    nakikita nating gumagawa ng paraan ang atin ggubyerno para sa ikalulutas ng problema ng ating mga kababayan. Nandun na ang effort, wala tayong magagawa kundi ang maghintay ng resulta at magpasalamat na din sa ABOT NG KANILANG MAKAKAYA.

    PRIDE, iyan ang namamayani sa tingin ko sa gobyerno natin ngayon hinggil sa isyu ng deportation ng mga taiwanese sa tsina. Sa tingin ko, ayaw nilang makuryente sa pagkakamali nilang nagawa.. Bka nga sakaling masilip pa ito ng makakaliwang grupo.. ( alipores ni GMA )

    EB ng mga bloggers, nagpapakita lang ng pagkakaisa sa iisang layunin at pangarap, ang makapabigay ng saya, impormasyon, ng aral sa ating mga sinusulat..

    sa quote, simple pero may malalim na kahulugan.. 🙂

  3. khantotantra says

    aheehe, andami nio sa pics. :Dsino po sir ang gumuhit ng larawan? ang galing galing lang. One big family kayo 😀

  4. Amorgatory says

    @jm alam ko…hahaha..ako nasave ko ssabit ko sa ears kow gwn kowng earings lols… dami natin no? kahit ung iba invi mode muna pero lams ko bbalik yan bbalik bbalik sa comment box hahaha..as usual pareng abnuy alang kabuluhan nnman ang comment ko antok pko lols

  5. Ishmael Fischer Ahab says

    Ouch! Sabi ni Mar Roxas…

    Haay…akala ko pa naman may magandang bunga yung pagpunta ni Mar sa Taiwan. Ayun, wala pa rin.

    Tuloy pa rin ang pagpahirap sa mga Pinoy na boss ni PNoy.

  6. rainbow box says

    ayoko ng usaping EB dahil papatayin ko lang ang sarili ko sa inggit.

    winner na winner ang picture ni manny, sya ang pinakamalaking bunganga. hahaha! ang cute ni maria aragon, ang creepy ni lady gaga. (jan sa pic ah) =P

    pictures sa eb don't forget! picturesssssss!!

  7. The Psalmist says

    ituloy na yan lordCM, sana welcome akong makasama 🙂

    rainbow box wag mag alala- hahatakin kita mauwi hehehe?

  8. Coffeeveggie addict. says

    Kelan eb nyo?pasali kami yayo? Galing ni maria noh sana nakukuha Lang sa kanta at dalaw dalaw ni pacman ang problema ng bayan kaso HINDI, boss ko nga problemado rin kase ayaw nila ng ibang lahi kundi pinoy my 200 pinoy sa company at yung mga pauwi na gusto man nila irecontract medyo alanganin na now tsk,tsk

  9. iya_khin says

    angat talaga ang pinoy kahit saang larangan, sikat sa talento sikat din sa krimen ano pa ba ang wala sa pinas!! kaya nga kakaiba talaga ang pinoy!!

    SA EB naman, i agree kay rainbow box maiingit lang kami..sana naman kasi mag EB din dito sa Middle East!

  10. PaJAY says

    YAN ang gusto ko sayo e…sinasakyan mo ang kaemohan ng iyong kaibigan…nyahahaha! kampay pre!…tutal ikaw naman ang pinaka aktibo sa batch naten,ikaw na rin ang mag organize ng eb na yan…padadalhan na lang kita…

    ng moral support…hahahaha

  11. Kamila says

    pinoy o pinoy… di ko na alam… ayuko na minsan isipin kung ano na ba pinagdadaanan natin..nakakapagod lang..history repeats itself kase.. mula pa sa panahon ng bulok na kapanahunan. Hehehe..

    Sana nga napapawi na lang ng pagiging tanyag ng Pacman at ni Maria ang lahat

  12. goyo says

    Ayos tong mga EB na 'to ah.

    Nanghihinayang lang ako kay PacMan kasi hindi sya nakapunta sa NBA Celebrity AllStar Game. Sayang yun. Unang beses na naman sana History ng Pilipinas yun!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *