Barracks Scandal

Nakagawian na sa barracks tuwing linggo ang uminom tuwing araw ng linggo, hindi naman ito lasingan ng sobra-sobra, pero paraan lang ito ng tropa para kahit paminsan-minsan ay magkaharap-harap kami pagkatapos ng isang linggong trabaho, makapagkwentuhan, makapagtawanan, kantahan, sayawan, asaran at kung ano-ano pa.

Paraan rin ng iba, at tulad ko ang ganito para kahit papaano’y mawala ang homesick na kadalasan nagpapahina sa ibang OFW.

Kahapon sa umpukan, pagkatapos maubos ang pangalawang lata ng red horse bigla kumanta yung isa sa tropa, to the tune of “? gusto kong bumaet, pero di ko magawa ?” eto ang kanta nya;
? Gusto kong umutot, pero tae lumabas ?
Syempre tawanan ang lahat, kahit na di nila alam kung saan hinugot ang mga linyang yan, sige tawa pa rin sila…ang tutuo, may pinagmulan ang kantang yan ni tropang rapper, na ilan sa tropa rin ang nakakaalam…gusto nyo malaman?
Eto na, makinig na kayo! ay magbasa pala…
Naalala nyo pa ba ang post na to? click mo para malaman mo…yan ung araw na nagsimula ang lahat, akala ko simpleng pagtae lang, pero hindi, nagtuloy tuloy sa LBM at trangkaso at ang buong akala ko ay ako lang ang nagkaganito, hindi pa rin pala, tatlo pa sa barracks ang tinamaan nito, pagtatae, lagnat, sakit ng katawan at nilalamig.
Isa si tropang rapper sa tinamaan ng virus…ang kwento ng ibang tropa, nag aayos daw sila ng sasakyan ng biglang umutot si tropang rapper, pagkautot, sabay tayo at takbo sa banyo…bakit kamo? ang inaakala nyang utot na hangin ang lumalabas ay sinamahan ng malagkit at mamasa-masang…censored daw, baka may kumakain eh….
Ayun, simula nuon madalas na nilang kantahin ang;
? Gusto kong umutot, pero tae lumabas ?
Sa mga di  nakakaalam, ang barracks na sinasabi ko ay bahay tulugan ng mga empleyado ng isang kumpanya…halos 70+ pinoy ang nakatira sa barracks namin, mahigit sa sampu lamang ang tropa, kaya kapag nagkaharap-harap, sobrang saya…
Pampadami lang ng hits ung title nito, hayaan nyo na…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Nortehanon says

    Wow, 70 pinoys dyan sa barracks niyo! Mabuti naman at ganun para hindi naman masyado nakakalungkot. Parang nasa Pinas lang 🙂

  2. rainbow box says

    ang inaakala nyang utot na hangin ang lumalabas ay sinamahan ng malagkit at mamasa-masang na… BUGRIT. (yan ang tawag sa taeng parang tubig na lumalabas kasama ng masangsang na utot)

    baka sa kinain nyo yan kuya, nagpacheck up na ba kayo?

  3. LordCM says

    @neneng kilabot…
    natawa naman ako sa bahagya lolzz kunti lang ba? kunti lang? 😀

    @istambay…
    ikaw din? lolzz

    @Ms. N…
    oo nga, pero di naman lahat nagkakakwentuhan, ung iba nagkukulong sa kwarto nila at ung iba may sariling mundo 😀 pero ok na rin kaysa ibang lahe kasama sa barracks 😀

    @Rainbow Box…
    Bugrit ba yun 'te or pultit? lolzz

    ok na ako rose, nadaan sa apple 🙂

  4. iya_khin says

    eeewwww!! smelly underpants!! may naexperience na akong ganyan,i mean di ako yung klasmayt ko, naku nagsabog ng lagim sa klasrum namin ayaw pang umamin! lolz

  5. Jag says

    haha nasubukan ko n yang umutot na may kasamang laman hahaha pero buti n lng nasa bhay lng ako noon haha…

    akala ko may jugjugan naganap sa baracks lol…

  6. KESO says

    hahahaha yaiks. buti hndi pa ko kumakain. oopps. baka pala maalala ko mamaya habang nakain. haha! dapat pala mamaya ko pa to binasa. pasaway yung title! :DD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *