na nagtitiis sa ilalim ng init ng araw
at lamig sa gabi…
“Kanina sa programa ng RMN Bantay OFW, sabi ni ASec Malaya ng DFA, nagpapansin daw ung mga kababayan natin na OFW sa ilalim ng tulay. Sagot ko, sorry po Sir, hindi po sila nagpapapansin, mga desperado na po itong mga kababayan natin.“
Apat na beses na akong lumabas ng bansang Pilipinas, tatlo dyan ay kinailangan kong magbayad ng mahigit dalawang libong piso upang makalabas ng Bansa upang magtrabaho muli para sa pamilya. Mahigit sa sampung milyon ang OFW, kung magbabayad ang bawat isa ng mahigit sa dalawang libong piso kada alis nila ng bansa, gaano kalake ang makokolekta ng Gobyerno ng Pilipinas? Di ko alam, Computer Science Graduate ako eh…
Ang point ko, nagbabayad ang bawat OFW bago umalis ng bansang Pinas, anong gamit nito? Saan ito napupunta? Ilang taon nang isyu ang mga OFWng nakatira sa ilalim ng tulay,? ilang OFW na rin ang stranded sa iba’t ibang bansa sa kadahilanang walang tulong na nanggagaling sa ating sariling bansa?, ilang OFW na rin ba ang namatay dahil sa pambubugbog ng kanilang amo at hindi man lang nabigyan ng hustisya? Mayroon mang tulong, aabutin ng ilang buwan bago mo makamtan.
Hindi naman nagmakaawa ang Gobyerno natin sa mga OFW para magbayad kada alis ng bansa diba?, bakit ngayon nagmamakaawa na ang mga kababayan natin ay pahirapan pa rin nilang makamit ung kapalit o benepisyo ng ibinabayad nila kada alis ng bansa?
At pagkatapos makakarinig ka pa ng mga salitang tulad ng “Nagpapapansin” sa kabila ng paghihirap ng ating mga kababayan…Kung sa salita pa lamang, hindi na maganda ang mga terminong ginagamit, ano pa kaya sa gawa?
Sila ba ang tinatawag nyong Bagong Bayani? Yung mga nagbabayad sa Gobyerno para makalabas ng bansa,yung mga nagpapadala ng pera buwan-buwan sa kanilang pamilya, sila na kung saan pinagkukunan nyo ng ipangsusweldo sa mga nakaposisyon, sila na dahilan kung bakit kahit papaano’y nakakapagpaangat ng ekonomiya ng bansa…
Oo yata, Sila yung tinutukoy nyong Bagong Bayani, mga “nagpapapansin”…na pagkatapos pakinabangan, iiwan na lang sa ere…
Ang mga imahe ay galing sa PEBA Fan Page…
bhing says
base 3x!
magnda na maypictures na para alam tlga nila ang realidad. im tune in na sa radyo. aabangan ko angsasabihin nila Usec. Toots Ople.
Hope maging maayos na rin kalagayan nila at maibigay iyong hinihingi nila sa embassy.
empi says
kaya ako, parang wala ng gana mag abroad. 🙁
Mr. Thoughtskoto says
thanks for this CM. Magbloblog din ako ha, pkopya ng ibang lines.
siyetehan says
nakapagtataka.
paanong umabot ng 200 katao na walang nagawang aksiyon para sa kanila?
mas malaki ang bilang, mas malaki ang problema; mas mahirap gawan ng solusyon.
ardee sean says
awts.. this is sad.. i usually hear about things like this lalo pag sa Saudi/Middle East.. 🙁
iya_khin says
haay naku,tagal ko ng dinanas yan,except lang sa tumira sa tent (desert camping malamang)buti nalang medyo umaayos na lagay ko dito,kaya tagal ko din di nakadalaw at nakapagsulat.
marami dito sa kabayan natin nakakulong,kasama na yung mga dating kaopisina ko…kawawa naman sila..di ka ba naman pasahurin ng 6 na buwan,ni pangkain at pambayad sa bahay wala ka sa banko pa kaya…haayyy…kakalungkot talaga.
uno says
alm nyo po ang probleam ng gobyerno ntin ay kulang na kulng sa pagsususbay bay sa ating mga kapwa ofw…
sana ang pamahalaan natin ay suriin at dapat laging may check up ang lahat ng agency sa pinas…
ksalanan din yan ng mga putang inang agency sa pinas na yan gusto lang nilang kumita sa mga kapwa kababyan nila… after nun wal n sila pakialam sa mga pinapadala nila
Bino says
ang masasabi ko lang, nagkamali ng binotong pinuno ang karamihan sa mga kababayan dahil walang malasakit sa ofws ang kasalukuyang nakaupo
ISTAMBAY says
Ayaw kong humusga sa gobyerno kung may ginagawa ba sila o wala.. pero ung mabasa kong "nagpapansin" lang ang OFW sa ilalim ng tulay… sira ulo ang nagsabi nyan… hindi gagawin ng isang pilipino ang magpapansin kung walang nangyayaring problema..
sa picture, ang yabang ng pagkakawagayway ng ating bandila, ang tayog ng building ng embahada, at sa gilid nagsiksikan ang ating kababayan.
napakagadang tanawin para sa mata ng mapangapi.. nakakaawang tanawin para sa ating kababayan.. at nakakabwiset na tanawin para sa mga empleydao ng embahadang iyan.. mabuti at may himibing pa sila kung matulog…
salamat dito parekoy. eye opener para sa bulag na sistema..
Kamila says
Potekk.. Nagpapapansin? SIno ang nagpapapansin? Titiisin ang lamig ng gabi? At init ng umaga?? Yung mga tao nga sa loob ng bahay lamig na lamig na kahit may makapal na kumot eh.. tumira pa se tent? Shet.
Ang pilipinas ayukong isuko.. pero paano na lang kung ganito na..? Parang ang mga tao ang isinusuko…!
Instant badtrip.
passing by (",) says
Its so sad….
Gobyerno kasi natin walang kwenta eh….
Kawawa naman ang mag kababayan natin….na nastranded jan sa KSA..
Sana bilisan ng gobyerno natin ang pag aksyon nila. Kasi mahirap manirahan sa tent lang, lalo na sa deserto. Sa umaga napakainit at sa gabi naman napakalamig.
Dito sa UAE ang pag kakaalam ko nag hihigpit na sila na makapasok dito sa dahilang marami rin sa mga kapwa pinoy natin ang nasa embassy. Na hanggang ngaun ay naninirahan parin sa embassy, sa pag kakaalam ko ang magnda lang dito sa UAE ay binibigyan ng embassy natin ang mga kapwa pinoy natin ng part time, para alng my pambili ng mga pagkain nila, pero kung ako ang tatanungin mas masarap parin na makauwi nalang sila sa pinas.
Nakakalungkot talaga ang gobyerno natin, sana kung my mas unahin silang actionan, sana unahin nila nag mga ofw…na minsan ay nakatulong sa knila, at kumita sila…
btw nice post….
MiDniGHt DriVer says
nakakalungkot makita na ang mga taong iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay para lamang kumita ng kakarampot na halaga at mabuhay ang kanilang pamilya ay dumaranas ng ganitong pangyayari.
Magandang panimula ito CM dahil kahit papaano ay namulat ang ating mga kababayan sa hirap ng dinaranas ng mga OFW lalo na sa gantong sitwasyon.
Sana ay matulungan na sila sa mabilisang paraan.
Kosa says
nakakalungkot isipin!
dapat kase, ang mga umuupo sa mga posisyon na may kaugnayan sa mga OFW ay isang OFW din.. ang ibig kong sabihin ay may karanasan sapagigng OFW.
andaming ahensya na pwedeng tmulong.. limpak limpak ang budget.. tapos walang maibigay na tulong!?
nasaan ang owwa? dfa? embahada sa ksa?
haaays:(
Kosa says
alam ko si Manny Villar, madalas tumulong nun sa mga OFW.. Baka naman sya ang may pusong kayang tumulong sa mga ofw…
Dylan says
Hopefully all will be well at the end kasi kawawa yung mga OFW natin na nakatira sa tent.
Just followed your blog CM. Cheers!
Ishmael Fischer Ahab says
Napanood ko last year yang issue ng mga Pinoy sa ilalim ng tulay. Meron pa ngang nagpa-interview sa TV eh.
Yun nga lang, mukhang napaka-manhid ng DFA at ayaw silang pansinin.
Dahil sa dedma mode ng DFA, kasalanan ba nila kung magpapansin? Sheesh!
Amorgatory says
sa totoo lang nakakarelate akow dito dahil sa madami din akong kaibgan naging ofw, nakakainis lang talaga, kasi dami ngang binabayaran before makaalis at kung anu ano pa, pero if andun kana pala, napupunta din pala sa wala. hay sana may kunsensya naman ang mga tao sa gobyernow natin dapat cguro mawawalan nalang sila ng mata lahat para atleast may silbi ung pagging bulag bulagan nila.
Ka-Swak says
masakit makita ang mga kababayan na ganyan ang kalagayan. ung iba kasi sila rin mismo gumagawa na mali at kailangang ideport. ung iba naman kahit nasa tama ginagawan ng mali.
sana magtulong tulong ang lahat para mapauwi na sila.
avatarlady says
That's thoughtful of you to have written such for our modern day "still unsung" heroes. My mother is working abroad and I fear the day when she'd be one of the oppressed who come home empty-handed but fully-battered by the twisted employers.