Tawa ka muna, pantanggal Stress…

Natawa lang ako mula umpisa hanggang sa huli, kaya share ko na rin sa inyo, mula ito sa Facebook…

Eto raw ung mga tanong at mismong sagot ng mga contestant sa Wowowee…

Q : Ano sa tagalog ang teeth?
A : Utong!

Q : Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?
A : Umiilaw!

Q : Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano naman ang tawag sa kumakain ng tao?
A : Humanitarian!

Q : Sina Michael at Raphael ay mga?
A : Ninja!

Q : Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?
A : Sunog!

Q : Magbigay ng sikat na Willie?
A : Willie da pooh!

Q : Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?
A : Hindunesia!

Q : Anong hayop si King Kong?
A : Pagong!

Q : Magbigay ng mabahong pagkain?
A : Tae!

Q : Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?
A : Canadia!

Q : Kumpletuhin – Little Red.
A : Ribbon

Q : Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?
A : Buhok!

Q : Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin
A : Tinga!

Q : Ano oras kadalasan pinapatay ang tv?
A : Pag balita!

Q : Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?
A : Baby Oil!

Q : Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halo-halo?
A : Sweetserland!

Q : Sinong higanteng G ang tinalo ni David?
A : Godzilla!

Q : Ano ang mas malake, itlog ng ibon o sanggol ng tao?
A : Itlog ng tao!

Q : Anong S ang tawag sa duktor na nag-oopera?
A : Sadista!

Q : Blank is the best policy.
A : Ice Tea!

Q : Saan binaril si Jose Rizal?
A : Sa likod!

Q : Fill in the blanks – Beauty is in the eye of the…
A : Tiger!

Q : Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?
A : Saging!

Q : Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang ingles ng toyo?
A : Baliw!

Q : Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?
A : Kamag-anak!

Q : Saan makukuha ang sakit na AIDS?
A : Sa motel!

Q : Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?
A : Cold Water!

Q : Sinong cartoon character ang sumisigaw ng yabba dabba doo?
A : Si Scooby Dooby Doo!

Q : Heto na si kaka, bubuka-bukaka
A : Operadang bakla!

Q : Ilan ang bituin sa American Flag?
A : Madami!

Q : Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?
A : Abnormal!

Wala na mai-post kaya ayan na lang muna 😀

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Ronster says

    Bwaahahahaha!!!! grabe!! hahaha. eto favorite ko – Q : Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?
    A : Baby Oil! bwaaaaahh!!!

  2. ?superjaid? says

    Q : Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?
    A : Baby Oil!

    naalala ko tuloy yung classmate ko hehehe tawa kami ng tawa ng sinabi nya to sa amin eh hehehe ewan ko ba =)

    pangtanggal stress nga to kuya salamat!

  3. Kamila says

    Dami kong tawa dito LordCm… WAAAAAhhhh/….. hahaha sobra.. wala lang.. gustong gusto ko din yung mga ganitong eksena sa wowowee noon..sakit pa naman chan ko..hirap tumawa.. pero masarap din,…!! hahahah

  4. Katherine says

    Q : Anong S ang tawag sa duktor na nag-oopera?
    A : Sadista! —> WAHAHAHAHA BENTA! =))

    Q : Saan binaril si Jose Rizal?
    A : Sa likod! —> wahahaha oo nga naman may point sya =))

    Natawa ako sa mga jokes. Salamat sa pagshare 😀

  5. YanaH says

    amf andami kong tawa dun sa rafael at michael, tae sa ninja hahahahaha

    sorry hahahaha
    dapat pala kagabi ko to binasa.. alam mo na..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *