Katapusan na nga ba?…Weeeehhh? Di nga?!!!

image from krishna.org

 

Maniniwala na yata ako na sa taong 2012 ang katapusan ng mundo, kasi;

Kailan lang nabalita ang mahigit limang libong ibon na nagbagsakan sa Arkansas, patay!

Ganun din ang mahigit isang daang libong isda na natagpuang patay at palutang lutang sa ilog ng Arkansas

Sunod sunod naman ang balita tungkol sa pagbaha sa iba-t ibang panig ng Pilipinas dala ng bagyo

Nuong nakaraang taon halos walang tigil ang balita ng paglindol sa kahit saang sulok ng mundo at kung ano anong kalamidad

Siguro nga tutuo, kasi;

Kailan lang halos walang pinatunguhan ang mahigit 15 years na pagdinig sa kaso ng Visconde Massacre

Tapos sa ibang bansa, nalaman ni lalake na may kabit ang kanyang asawa dahil sa nabasa nito sa mga email ng babae, ayun! makukulong si lalake dahil sa pagbabasa nya ng email ng walang pahintulot ni babae.

At pagkatapos ng New Year, Sunod sunod na kaso ng rape, kidnapping, murder at kung ano-ano pa ang kinasangkutan ng mga PULIS

Katapusan nga ata talaga, pero nagdadalawang isip pa rin ako, kasi;

Kabibili ko lang ng sardinas na ang expiration date eh 2013.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Anonymous says

    pootek mukhang seryoso na eh,,,
    nasingit pa yung expiration date ng sardinas puhahaha,,,ang adik lang,,,
    morning koyah~~

    -unni-
    2012 nko maglolog in puahhaa

  2. Coffeeveggie addict. says

    Weee di nga!nagbabLik po hehehe miss you here!(parang di ngkikita sa fb hahaha)visit my blog i have photos of palau where i stayed for a week!

  3. LordCM says

    @unni…
    eh ano magagawa biglang pumasok sa isip ko ung sardinas lolzz

    @Bhing…
    thanks bhing :D

    @Axl…
    review? hehehe tagal na ng movie, may review pa rin lolzz

    @chikz…
    ay gusto ko din nyan, nasa ang ufo? :D

    @blue…
    nakabisita na po :)

  4. RHYCKZ says

    hay salamat, buti na lang may expiration date ang sardinas, mukang di matutuloy ang 2012 prediction…hahahha

    hapi friday!!!

  5. Dhianz says

    nyahahaha… lavet…. suwerte nang sardinas.. mas matagal ang buhay nyah… naman naman… lolz… nd weeehhh… san na greeting moh para saken kuyah??? ahehehhe… hwag pilitin… dapat kusang loob… gumaganon… hahah… dumaan lang kuya CM!.. namiss koh ditoh sa bahay moh… asan bah kc akoh??? san san kc lumalaboy… lolz…. later… Godbless! -di

    oh yeah happy friday nyo na palah dyan noh… so yeah happy friday! =)

  6. MiDniGHt DriVer says

    Hayup sa ending pamatay… hehe.. pero seseryosohin ko yung post mo parekoy!

    KATAPUSAN NA NGA sa 2012.. BWAHAHAHAHA (tawang devil).. :)..

    waaahhh.. wag naman sana..hehe

  7. ISTAMBAY says

    isang pruweba na hindi totoo an 2012 kasi may sardinas pa na ang expiration ay 2013.. apir parekoy..

    sa seryosong usapan., kung totoo man ang hulang iyan, maging maganda o pangit man ang paggamit natin dito sa mundo, kahit pa sobrang kalinisan ang ating ibgay sa kalikasan..mangyayari at mangyayari iyan. Ang mga pangyayari ngayon ay bunga na rin ng kapabayaan, sa kalikasan at sa lipunan.. hmmmm opinyon lang hehehe.. cheerzz po parekoy.

  8. rainbow box says

    sa totoo lang natatakot akong magbasa ng ganitong mga entries dahil hindi pa ko ready mamatay. hindi ko rin gustong makita ang katapusan ng mundo. hindi ko kayang sagipin ang lahat ng mahal ko sa buhay. ang morbid pag iniisip ko. kaya nga ang Revelations sa bible ay nananatili paring unknown sa akin. hindi ko pa sinubukang basahin… kahit kelan.

    wala namang makakapagsabi kung kelan matatapos ang mundo. hindi naman tayo Diyos. wag natin syang pangunahan, baka lalong mabadtrip..

    ako nga nakabili nga nakabili ng pabango, 2015 expiration.
    meron pa kayang Qatar 2022! =P

  9. Ronster says

    di talaga ako maka get over sa sardinas…bumili ako kanina, natawa ako mag-isa dahil sa 2013 din ang expiration date…hahahah

  10. Poldo says

    hindi!!! matutuloy yan!!! matutuloy yan! wish kong matuloy yan!….

    yung expiration ng sardinas mo.. LOL..

    nakakalungkot.. nakakaalarma at nakakagimbal ang mga sinabi mo patungkol sa 2012… lalo na yung pagbabasa ng personal e-mail tapos nakulong.. NATAKOT talaga ako dun!

  11. Diamond R says

    nabasa ni lalake ang email ng asawang babae na may kabit ito.Ito ang end of the world ng lalaki.bakit ganon dito

  12. says

    Sobrang unaware ako sa paligid ko at nagulat na lang ako na puro end of the world na lang ang laman ng FB ko. Hahaha!

    Ok na sana yung analysis mo, na-BAM! bigla sa katapusan. Lol! Ang tagal naman ng expiration ng sardinas mo… di kaya yun yung mga isdang namatay sa Arkansas? :p

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *