Hamon ng buhay…


Sa bawat hamon ng buhay,
may aral na dapat matutunan…

Yun nga lang,
hindi lahat nasa
Row 1, Section 1

Karamihan nasa
Row 4, Tabi ng basurahan
at nagtatanga-tangahan.
PS;
Naisip nyo ba? sa dinami-dami ng mga pangyayari sa ating buhay, sa dinami-dami ng kamalian, at aral sa ating buhay, eto tayo’t patuloy sa pagpapakatanga? kumbaga, hindi na nadala! nagtatanga-tangahan sa aral na kung tutuusin ay napakadaling matutunan.
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. LordCM says

    @bino…
    tama ka dun pre, kahit na mayroon silang anking talino mas gusto pa nila na nasa row at magtanga-tangahan dahil dun sila sumasaya 🙂

  2. Anonymous says

    puhahaha~~
    boring sa row 1 koyah..lahat matatalino,,mas gusto ko sa row 4 para ako ang matalino puhahha…
    at sympre pwede akong maidlip kahit 5 seconds hahah~~~

    -unni-
    new year na tamad pa din ako mag log in haha

  3. LordCM says

    @unni…
    magbago ka unni, maglogin ka na! 😀

    @RHYCKZ…
    hehehe sa amin kasi madalas matatalino nasa row 1, pero kung gusto mo row 4 magtangatangahan ka lang 😀

  4. Ronster says

    sa row 1 matatalino, sa row 4 mauutak…ang mga mauutak, sila ang nag ha-hire sa matatalino para mag work sa business/company nila hahahaha

  5. Leah says

    alphabetical order din sa amin noon (sa iskul).. Nasa row3 yata ako nun.

    Di naman lahat ng nasa last rows at lower sections sa buhay, eh wala nang talino. Madaming nasa section1 na nagtatanga-tangahan din. Peace! Hehehe!

    Yun lang.. =D Happy New Year po!

  6. LordCM says

    @ronster…
    hahaha, todo paliwanag enoh, pero tama ka, kung sino pa ung mga hindi napapansin at nasa row sila pa ung umaasenso sa buhay…

    @leah…
    ung mga nasa row 1 eh malamang sipsip lang sa teacher yun 😀

  7. Xprosaic says

    Naku ako most of the time nasa section 1 row 1 pero may pagkakataon talagang nasa 4th row ako at nagtatangatangahan! hehehehehehe

  8. kikilabotz says

    ang alam ko ngayon bawal bwal na yang row row n yan base sa talino. part yan ng discrimination. ako din dati lagi sa row 4..dahil lagi ako tulog sa likod. hahaha. ^_^

  9. kiko says

    pre ako palaging nasa row 4 kasi nga sa apelyido ko tapos ang tangkad ko pa, hayzz, sana yumaman ako ng pagkayaman yaman at makapagpatayo ng isang hospital sa mga taong?

  10. Noel says

    ako lagi akong row 1 dahil sa "A" ang aking apelyido at kung random seats naman ay nagre-request ako sa front seat kasi malabo mata ko.

    Ang masasabi ko lang. Ang tao kapag mas maraming pagkakamali ay may mas maraming alam. Alam niyang kapag ginawa niya ang isang bagay, alam niya ang mangyayari. Samantalang yung matatalino ay head knowledge lang at di base sa experience hehehe! (di ba?).

    Wisdom ay tested knowledge or experience na mas higit kesa sa knowledge lamang. Yun nga lang kung patuloy ka sa pagkakamali sa parehong kategorya ay iba na nga yun hehe!

    Happy New Year!

  11. T.R.Aurelius says

    minsan talaga ganun tayo, kung saan saan tayo tumitingin ng kasagutan sa buhay,

    pero what the ef, na sa harapan na pala naten,

    care to xlinks?

    🙂

  12. animus says

    hi LordCM! na miss ko ang gumala dito! 🙂

    akala ko sasabihin mo 'patuloy pa rin tayo sa pagharap sa hamon ng buhay'…kung ito ang ibig sabihin ng pagpapakatanga, hindi talaga ako madadala…sabi nga ni socrates "the only real wisdom is knowing you know nothing."

  13. glentot says

    korek isang malaking chek! buti na lang lagi akong section 1 pero row naman sa tabi ng lalagyan ng walis bwahaha.

  14. siyetehan says

    may lalake kaming kaklase dati na average student lang. actually, ni hindi nga siya nauupo sa row 1 kung saan naroon ang mga consistent honor students.

    kailan lang, ini-add niya ako sa facebook at paminsan-minsan eh nakikipag chat.

    aba, inglisero na! nasa abroad at maraming datung.

    hindi lang yan! yung lalakeng iyon na average student lang, aba! maganda na ngayon ang bruha!

    tingnan mo nga naman.

  15. A-Z-3-L says

    yang hamon na yan… aba nasarapan ako sa intek na hamon na yan.

    ilang beses ding naging tanga… madaming madami. walang kadala-dala. buti na lng nanood ako ng back-up plan. akalain mong effective 🙂

    basta sa hamon ng pagibig, effective ang back-up plan 🙂 napatunayan ko na yan!

  16. says

    masarap maging row 4 at magmukhang tanga…kasi kung di sa pagpapakatanga natin di magpifeeling angat yung nasa row 1 na sa totoo lang dahil din sa katangahan o sinasadyang pagpapakatanga natin eh kung bakit sila nasa unahan! ikaw ba naman matalsikan ng laway ng titser mo habang nagleleksyon! ewwww…make sense ba?! whatever! hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *