Halungkat Series No. 010

Muling nagbabalik ang Halungkat Series upang ihatid sa inyo ang mga nahalungkat ko sa Facebook, Forum at Blogosphere. Ang Halungkat Series ay koleksyon ng mga payo o kumento ni CM sa mga kaibigan dito sa mundo ng sapot. Di ko sinasabing kaya kong gawin lahat ng kinukumento ko pero sana makapagpagaan man lamang ng konti sa iyong dinadala…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Minsan parekoy, kailangan mong piliin 
kung sino lang ang dapat mong pahalagahan,
alalahanin o bigyang importansya…
hindi kasi lahat kayang maramdaman 
ung pagpapahalagang inaalay mo…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang pagbibigay ay hindi nangangahulugan 

na palageng may kapalit, 
kaya wag kang masyadong umasa 
para di masakit kapag walang bumalik…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan po talaga may mga bagay na alam mong tama 

pero sa mata ng karamihan ay mali,
kasi di nila alam kung ano pinagmulan, 
kung ano dahilan. 
Pero kahit na ganun, 
umasa kang meron at meron nag iisang tao 
na alam na tama lang ang ginawa mo, 
at yung tao na yun ang magpapagaan ng lahat ng dinadala mo…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan na lamang po muna sa ngayon, sana po nakatulong 🙂

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bhing says

    wow! base!

    Ang pagbibigay ay hindi nangangahulugan
    na palageng may kapalit,
    kaya wag kang masyadong umasa
    para di masakit kapag walang bumalik…

  2. rainbow box says

    Minsan parekoy, kailangan mong piliin
    kung sino lang ang dapat mong pahalagahan,
    alalahanin o bigyang importansya…
    hindi kasi lahat kayang maramdaman
    ung pagpapahalagang inaalay mo…

    agree. =)

  3. ISTAMBAY says

    magagandang advice.. BoB Ong ang dating parekoy.. first time ka sa halungkat series mo. Marami na din akong napost dati pero di ko na isip mag halungkat pa. Pawang advice din lang, advice na sa sarili ko talagang mahirap gawin, pero ang purpose ng advice na un ay para makagaan at makapagbigay ng bagong pag asa sa taong namomroblema.

    the best parekoy

  4. chikletz says

    da best talaga mga halungkat series mo.. tipong dapat pag ginamit ng iba eh dapat lalagyan nila ng quotes at bibigyan ka ng credits. oha oha?!

  5. Diamond R says

    Mukhang madami pang mahahalungkat na kayamanan.parang isang baul lang Lord CM. mga ginintuang aral at payo sa lahat.

  6. Kamila says

    nakakapagtaka naman kuya charlie montemayor na ngayon lang ako napunta sa blog mo.. (may patnubay mo) hahahaha..kase naman lage kita nakikita na pakalat-kalat sa ibang blog nyahahahaha… x) panakaw ng buttons.

  7. zeb says

    "Ang pagbibigay ay hindi nangangahulugan
    na palageng may kapalit,
    kaya wag kang masyadong umasa
    para di masakit kapag walang bumalik…"

    I learned to give without any expectation, salamat bro!

  8. Ishmael Fischer Ahab says

    Haha! Halungkatero. 😛

    Mukhang tagos sa buto ang payo mo ah. Dapat pala sa iy ako humihingi ng payo eh.

  9. animus says

    LordCM, grabeh na ito! may talent ka sa pagpapayo! 🙂

    kelangan ba mag-send ng letter ala 'dear joe' at 'maalaala mo kaya' sa'yo para makahingi ng payo? saan ba ang opisina mo para makahingi ng appointment????hahaha…

    nice series! kaabang-abang talaga! naaliw ako. 🙂

  10. glentot says

    Tama yung pangalawa, may mga tao talaga na kapag tumulong eh may kaakibat palang sumbat, hindi naman maiiwasan yun pero diba kung wala namang humingi ng tulong mo tapos tutulong ka para tulungan ka rin, kapal ng mukha naman yun…

  11. ?superjaid? says

    super thumbs up at saludo talaga ako sayo pagdating sa pagaadvice kuya cm..as in lahat ng halungkat series mo..wow talaga!=)

  12. MiDniGHt DriVer says

    ang pagpapahalaga sa ipinayo ng iba ay isang napakagandang gawi parekoy! mabuhay ka.. Sana ay mas marami ka pang mahalungkat sa iyong baul ng kayamanan 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *