Halungkat Series No. 004 (Re-Post)

Muling nagbabalik ang Halungkat Series upang ibahagi ang ilang kumento ng may akda ng pahinang ito sa mga blogerong kanyang nabibisita sa araw-araw…Muli sana’y makatulong kahit papaano…

 

~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan kelangan natin magpahinga
sa paggawa ng kabutihan
upang mag ipon muli ng lakas
para sa mga susunod pang bukas…

Ang mahalaga di mo sya kinalimutan
bilang kaibigan at handa ka pa rin ibigay
ang lahat para lang sa kanya…

Paintindi mo lang yun,
tiyak babalik kayo sa dating kayo…

~~~~~~~~~~~~~~~

Matuto ka lang magtira ng para sayo
at wag puro sa kanila,
Di mo kasi alam kung darating ung araw
na mawala sila sayo at ikaw na lang ang matira.

~~~~~~~~~~~~~~~

Tanggapin ang lahat at subukan i-focus sa iba ang sarili.
Lalo’t alam mong ginawa mo na
ang lahat para sa kanya pero wala pa rin…

Matuto sana tayong i-let go
ang mga taong mahalaga sa atin
lalo’t tayo ang madalas na dahilan ng kanilang pag iyak…

At kung talagang mahalaga sya para sayo,
kapag dumating ang panahong napatawad ka nya
eh sigurado naman hindi sya magdadalawang salita
na bumalik kayo sa dati db?

~~~~~~~~~~~~~~~

Di ko sinasabing kaya kong gawin ang lahat ng kumento ko, pero para sa iba, makagaan man lang ng kanilang nadarama…Nakatulong sana ang ilang kumento upang patuloy na madagdagan ang Halungkat Series
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. rainbow box says

    Matuto ka lang magtira ng para sayo
    at wag puro sa kanila,
    Di mo kasi alam kung darating ung araw
    na mawala sila sayo at ikaw na lang ang matira.

    may tama ata sa akin. minsan sa sobrang pagpapahalaga mo sa isang tao, nakakalimutan mo ng bigyan ng pagpapahalaga ang sarili mo. pero db ganun naman talaga yon? unconditional? ang masakit lang, hindi mo alam kung hanggang kailan ka nila kailangan. pag dumating ang panahong kelangan na nilang umusad (ng hindi ka kasama) doon mo lang marerealize na, sana, nagtira ka para sa sarili mo. para naman hindi ka maiiwang walang wala… para may baon ka sa pagmu-move on mo.

    salamat dito kuya.

    MORE MORE! =P

  2. Bhing says

    "Matuto sana tayong i-let go
    ang mga taong mahalaga sa atin
    lalo't tayo ang madalas na dahilan ng kanilang pag iyak"

    kailangan maglet go para mahanap ang totoong saya. minsan mahirap ngunit kapag nakabangon ka mas lalong magiging matapang ka.

  3. animus says

    hi LordCM! bakit ngaun ko lng nabasa ang mga ito? there were times before na hirap akong humagilap ng mga salitang makakapagpagaan ng loob at sitwasyon—eto ang mga yun eh…you got them all here! 🙂

    salamat sa pagre-post nito.

  4. Jag says

    Letting go…jan ako maxadong nahirapan noon…mahirap pero kailangan…kasama ng pag inog ng mundo, dapat hndi tau naiiwanan nito…kailangang mg-move on 'coz life has more to offer pa…

    Happy 2011 parekoy!