Halo-Halong AKO na may yelo at sago (repost & edited)

Wag na mag-intro, ganun din eh….umpisahan na yan;

  1. Computer Science Graduate ako syempre, pagmalake ko muna
  2. Pangarap kong maging Systems Analyst nung College ako, ngayon naabot ko na at Sr. Systems Analyst pa eh parang may kulang pa rin..
  3. ‘lam nyo bang nag ECE ako sa SLU Baguio ng 2 taon bago ako ng CompSci, langya kasing NSAT yan…di raw pwedeng mag Computer Science ung nakuha kong result sa NSAT o NCEE nung dati.
  4. Kaya ayun…3 university sa Baguio ang napasukan ko..
  5. eto matindi, 68% ung grade ko sa English nung 1st year college,langya!!!nasa TOR ko p yan, pero andito ako sa bansang dating US Territories at english ang pangunahing lenggwahe…
  6. Long hair din ako dati(at ngayon lagpas ng konti sa batok), kaso kulot…tamang rakista ako nun eh, kaso boplaks sa gitara, kaya kinig na lang ako ng music
  7. kaya syempre mahilig din ako sa black shirt…
  8. at faded na maong
  9. madalas ako sa forum na ang mga member ay taga Baguio kahit di ako taga Baguio, dun lang ako nag tapos ng college eh…
  10. wag na wag nyo ako papaharapin sa mraming tao at nanginginig ako, kaso first job ko hulaan mo……IT Instructor sa STI, dalawang beses ako nag teaching demo dahil gusto talaga akong kunin kaso wala pa rin, kaya pina seat in ako sa isang klase ng isang linggo bago ako bigyan ng load, ayun Instructor na ako…ayun after isang taon resign ako…
  11. Programmer ako sa makati dati sa isang software company, di ko makakalimutan to kasi ako programmer at minsang support ng lahat ng SM Cinema
  12. Malapad noo ko, lahi namin yan, at kumikita ako ng dahil jan…
  13. Suplado(?) ako alam ko un , kung di mo ako papansinin, bahala ka sa buhay mo
  14. Plastik ako sa tingin ko, di nman madalas, pag kelangan lang..kala mo ok ako pero hindi pra lang maging ok tayo…gulo no?
  15. May asawa’t anak na ako, 2 chikiting na makukulit pero mabait, miss ko na tuloy sila…
  16. nagyoyosi pala ako kapag busog at pag walang magawa..saka pag na ebak…pero di ako nagyoyosi sa loob ng bahay
  17. Madalas din ako mag inom khit mag isa sa room ko, pampatulog lang nman…
  18. sa work lang ako magaling at kung minsan hindi pa, di ko na alam sa ibang bagay…
  19. pagkanta, pagsayaw at kung ano ano pa….inom na lang tayo pre? lolzz
  20. Ayokong maging IT Manager, gusto ko may mas mataas sa akin sa IT Department, wag na kayo magtanong kung bakit…basta ayoko, pero kung pipilitin…sige!!! pero wag kayo mag expect ng mas mataas sa nagagawa ko…
  21. Kung makita mong ginagawa ko ang isang bagay na di ko dating ginagawa ibig sabihin tutuo ako sayo…dahil para sayo susubukan kong gawin…
  22. di ako mahilig magsulat dati ng tula o kung ano anong nakalagay dito sa blog ko, pero ngayon isa na to sa umuubos ng oras ko, nabawasan na nga yosi at inom ko dahil dito, makapag sulat lang…
  23. Nawawalan ako ng ganang kumain kapag inaalok o pinapaubos sa akin ung natitirang pagkain.
  24. Ayoko sa taong inuuna pang mangatwiran o magpaliwanag kaysa sagutin ung tanong ko.
  25. Alam mo bang kwentuhan mo lang ako o kausapin nawawala na galit ko sayo.

Yan na lang muna, next year dagdagan ko na lang uli…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    eh bakit ako? mas madalas na magwento, mangatwiran at magpaliwang sayo bago ko masagot ung tanong mo.. meron pa nagttanong din muna ko bago ko sagutin un tanong mo. bwahahaha

    active ka pa rin ba sa BCO? anung page na ung thread natin dun? ahihihi namimiss ko ung dating BCO 🙁

    namiss mo baguio?

    sayaw ka muna CM! lol

  2. RHYCKZ says

    umiinom ka rin mag-isa sa bed pamapatulog? Apirrr!!!! (ganyan lang talaga pag nagkakaedad) hahahha

    makapagpost rin nga ng ganito…lolz!

    ingat.

  3. rainbow box says

    malapad din noo ko pero natuto ako maglagay ng side bangs kaya parang hindi na masyado. yey!

    ibubookmark ko to. para lagi kong tatandaan na wag na wag kang pasayawin at pakantahin. lol

  4. MiDniGHt DriVer says

    weehh.. yun naman pala eh.. kahit ako, kahit gaano pa kagalit ko sa isang tao, pag kinuwentuhan n ko, nawawala din ang galit ko!

  5. Diamond R says

    wow lababol naman yan. Isipin mo sa post na ito parang nakasama mo na si CM ng pagkatagal tagal. Punta ka sa Acre of Diamond sayaw tayo at kanta. Kain na lang pala tayo at kunting inum.You made my day.

  6. ?superjaid? says

    because of this marami na akong nalaman tungkol sayo kuya..thank you for sharing hehehe =)

    paano ka nga pala kumikita sa noo mo kuya?=)

  7. goyo says

    Wow. Ruma-random facts si Charlie. Hehe. Ako din, yosi yosi, parehong timing sayo, busog, walang magawa at kapag tumatae. Haha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *