The PEBA 2010 Experience – Nasa harapan ako!

Oo nasa harapan ako, hindi ng stage! nasa harap ako ng laptop kong sira habang nagdadasal na sana magawa ko na ang laptop ko at mapanood ang live streaming ng PEBA 2010 Awards Night sa internet kong kasing bagal ng pagong.
Ilang oras na lang at magaganap na ang pinakahihintay ng karamihang bloggers, ang PEBA 2010 Awards Night. Ang tutuo hindi lamang bloggers ang excited sa event na to, mas excited ang kanilang mga representative na umakyat ng stage at hakutin ang lahat ng trophies…ako rin excited, may live streaming kasi at kahit sobrang bagal ng internet ng Palau ay umaasa pa rin ako na kahit makita ko lang ung location at may gumalaw na tao at suminding ilaw sa mismong location ay ok na ako dun…hintay na lang ako ng mga kwento ng bloggers na nakapunta sa event at ng mga kuha nilang pictures.
Pero eto, uwian na! tapos na ang trabaho, Dalawang oras na lang hihintayin ko sa kwarto at makakapanuod na ako ng Awarding ng PEBA, taraaaaaannnnn! AYAW MAG ON NI LAPTOP! power on…off…on…off…on! ayun nagbukas! nagbukas ang checkdisk screen, ibig sabihin may problema hard disk ng laptop ko! paano na to?!!!paano na ang live streaming?, paano na ang mga FB Status ng mga pumunta sa event kung saan ako umaasang makakakuha ng updates tungkol sa event? WALA! Wala nang pag asa, wala na ang PEBA Awards Night!
Alas syete ng gabi sa Palau, alas sais ng gabi sa Pinas kung saan nag uumpisa na ang Awarding…eto ako, nakaharap sa laptop na sira…pilit ipinapasok sa isip na maghintay na lang ako ng bukas para sa pangyayari sa awards night. Ano pa nga bang gagawin ko? edi manuod ng Mara Clara na kailan lang ay pinagtakahan ni Hubert Webb…Oo, nagtaka sya dahil paglabas nya ng kulungan dahil sa mahigit 15 years na pagkakabilanggo, eto at may Mara Clara pa rin!
Nakatulog ako kakapanuod ng teleserye habang unti-unti kong tinatanggap na di ko man lang masisilip ng live ang awarding. Pagpasok sa trabaho, at habang wala pang alas otso ng umaga, nakitsismis muna sa FB, sa YM at sa lahat ng pwedeng pagkunan ng kung ano ang nangyari sa event…
Ang saya! ang sasaya nila! habang ako nakikiiyak kay Mara. Pero ok lang, kasi alam mo? napasaya ako ng mga pictures ng mga bloggers na pumunta sa event, ng mga FB Status nila tungkol sa PEBA, at mga kwentong halos ayaw na nilang matapos ang gabi ng PEBA.

Masaya ako dahil alam ko naging daan ang PEBA upang ang isang ina ay magkaruon ng dahilan upang maipagmalake ang kanyang anak na OFW, maipakita sa buong mundo na buong puso nyang ipinagmamalake ang kanyang anak…masaya ako dahil ang daming napasaya ng PEBA, oo may konting pagkakamali, pero sa kabuuan, Astig ang PEBA!!!

Masaya ako kahit wala ako sa mismong event, kahit di ko napanuod ng live ang awarding at di ko nakasama ang mga bloggers. Masaya ako dahil alam kong ilang buwan bago ang awarding naging parte ako ng pagiging nominado ng mga bloggers, lalo na yung mga OFW. Masaya ako dahil kahit papaano, naging parte ako ng kasiyahan ng mga nanalo, kahit pa may konting pagkakamali, ang mahalaga may natutunan ang bawat isa…

Masaya ako kasi ang mga nanalo sa PEBA 2010 nasa ABS-CBN News at nasa Yahoo News

PEBA Experience? Hehehe sa mismong event, WALA! di kasi ako nakapunta at nakapanuod man lang ng live streaming… pero kung pag uusapan ang ilang buwan bago ang event, marami akong experience ganun din ang ilang volunteers na PEBA na walang sawang nagbibigay ng kanilang serbisyo kahit walang kapalit para lamang mapasaya ang mga kababayan nating OFW ganun din ang kanilang mga Pamilya…Salamat ng marami sa inyo!!!

Sana sa susunod na PEBA Awards Night makasama na ako! pero di ko pa rin maimagine kung ano hitsura ko habang nakasuot ng amerkana, take note! amerkana!, hindi necktie at medyas LANG!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. rainbow box says

    e di ikaw na ang naka-amerkana sa susunod na PEBA! si poldy na ang mag-iislacks na pink na pwedeng iterno sa brown na pwet! hahaha!

    ewan ko sa inyo! kau na talaga ang mga fashionista! =P

    uwi tau dec next year! makapagsuot manlang ng kagalang galang na outfit!

    wv:corte

  2. Gremliness says

    ako naman nasa harap ng excel spreadsheets ko,palibhasa blocked ang u-stream sa opis. pati paysbuk at twitter. ang tatay naman ng anak ko ay habang kunwari nagtatrabaho ay may ear piece na nanunuod ng live streaming, habang nakaipit sa kabilang tenga nya ang telepono ina-update ako.

    patapos na ang awarding di pa nakakapunta sa stage simama, kaya ni-niyerbyos ko, nerbiyos ba ng hiya. E bumili ba naman ng mahal na damit nya at maground trip ng baguio-manila. Tapos na ang Top 4 wala pa rin yung entry ko, nagtext na ako sa mama ko ng sorry po, sabay alis ako sa upuan ko, kaya nung tumatawag asawa ko para sana sa second-by-second reporting nya sa Top 2 (para bang yung live sports reporters)ay di nya ako mahagilap.

    Syempre humupa ang niyerbiyos nang natapos na ang awarding.

    Maraming salamat PEBA, ang saya ng nanay ko =)

  3. Poldo says

    Well wala na akong masasabi.. ikaw na ang nakaamericana! Fashon este Fashion ADVISER NGA DIBA?? hahahaha…

    at least Updated ka sa pangyayari sa MARA CLARA hahahaha..

    bat di tayo nagkita?? nasa harapan din ako kaso bandang kanan.. LOL..

    next time sama na tayo sir.. at gagamitin ko ang outfit na sinabi mo hahaha

  4. Ishmael Fischer Ahab says

    Ako rin nawalan ng chance na subaybayan ang PEBA in real time. Pinadala ba naman sa gitna ng dagat eh.

    Congrats sa lahat ng mga nagwagi.

    Merry Christmas LordCM.

  5. ?superjaid? says

    hmp nasa pinas nga ako di naman ako nakapunta or nakapanuod man lang tsk di bale next peba talagang makakapunta na ko takte dalawang awards night ng peba na ang di ko napupuntahan tsk

  6. Noel says

    We wish you a Merry Christmas,
    We wish you a Merry Christmas,
    We wish you a Merry Christmas and a Happy New Year!

    Namamasko po!

    Maligayang Pasko!

  7. goyo says

    Maligayang pasko at manigong bagong taon Kuya LordCM. 😀

    Salamat din sa pagbati mo sa akin sa blog ko. Aasahan ko ang pagkikita natin sa patimpalak sa SBA sa susunond na taon. Hehehe.

    Sayang yung PEBA at hindi ka nakapunta. Haha. Kahit ang mapanood man lang hindi mo nagawa. Nakakapanghinayang talaga. Hehe. Nanghihinayang din ako kasi tanda ko pa noon na naglagay ka ng link ng PEBA sa comment box ko na nag-iimbita na gumawa ako ng entry para dun. Sayang at hindi ako nakagawa..

    Sa huli, Congratulations sa PEBA at naging matagumpay ito! Mabuhay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *