HUSTISYA : Hubert Webb, Hayden Kho, Maguindanao Massacre at iba pa!

image from efficacy-online.org
Pagkatapos ng dalawampu’t taong pagdinig sa kaso ng Visconde Massacre napawalang sala ang mga suspect, ganito na ba talaga kabagal ang sistema ng hustisya sa Pilipinas? o sadyang may pinapanigan lamang sila?

Tanong nga ng isang kaibigan “wow.. philippine supreme court took 20 years to rule on a case ?“, sagutin ko sana nang “depende! kung ang involve ay mayayaman, malamang abutin ng ganyan katagal

Di ba? Isipin mo, kapag mayayaman ang involve sa isang krimen halos parang di umuusad ang kaso, pero subukang mong tingnan ang kaso ng mga mahihirap, wala pang isang buwan, nahatulan na ng panghabambuhay na pagkabilanggo kahit pa napagbintangan lamang…

Hindi sa kinukwestiyon ko ang hatol sa mga suspect ng Visconde Massacre, mapatunayan man o hindi na sila nga ang may sala eh hindi dapat umabot ng dalawampung taon ang kaso. Nagdusa na ang suspect sa kulungan ng mahigit 15 years, tumanda na si Mr. Visconde na hindi kasama ang pamilya, tumigil na ang mga Police Investigator sa pangangalap ng ebidensya tungkol sa kaso, tapos bigla-bigla masasayang lahat ng pinagpaguran nila?!

Sino ngayon ang dapat sisihin? Sino ang tutuong may sala? Wala na bang maipresentang resulta ng imbestigasyon ang mga otoridad na sila naman talaga dapat ang sa una pa lang ay makakaalam kung sino at paano nangyari ang lahat dahil ito ang trabaho nila?

Ano na? Wala na?!!! Tapos sasabayan pa nang pagka-abswelto ni Hayden Kho sa kaso ng Sex Video Scandal!

Sinasadya nga ba ito upang ipaalam sa lahat kung anong klaseng hustisya meron tayo sa Pilipinas?

Ngayon, sa tingin mo ano mangyayari sa Maguindanao Massacre na bumawi ng buhay ng mahigit singkwenta katao?

Nakakatakot…

Nakakaawang mga biktima…

Paano na lang kung isa tayo sa biktima?

O kamag-anak natin?

O kakilala?

Sana lang hindi maging biktima ang tinatawag na HUSTISYA ng Pilipinas.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bhing says

    sinabay tlga ung kay hayden kho para hindi gaanong halata. mas pagtutuunan kc ng pansin ang vizconde so one way or another may hindi gaanong napansin. 🙂

    personally, sana hindi nlng tlga umabot ng ganun katagal kc both parties ninakawan ng chance. kay L.vizconde ung chance na madakip tlga ung tunay na salarin at maibigay ung tamang hustiya at sa mga akusado if totoong wla clang kasalanan 15 yrs is too long to suffer for nothing. tsk!tsk!

  2. LordCM says

    @Bhing…
    oo nga ano? matatabunan ung isa kaya pinagsabay nila, ang galing!!! showbiz talaga, bwisit!

    dapat nga sana, pero nangyari na, 20 years na ang lumipas, saan pa ngayon kukuha ng hustisya ang mga biktima?

  3. Axl Powerhouse Production Inc, says

    ika nga nila… hayaan na naman ang panahon ang humilom sa mga ugat na ito at panahon na rin ang magsasabi kung sinu nga ba talaga ang may sala at dapat magbayad sa mga bagay na ito.. ipagdasal na lang natin ang mga biktima ng trahedyang ito..

  4. TheXCoder says

    yan ang lupit ng tinatawag ng Hustisya. Minsan tuloy iisipin mo bakit kasi nakapiring ang simbolo ng hustisya, eto ba ay upang hindi maging pantay or hindi makita kung sino ang may sala. Lahat nasayang, panahon, pasakit at paghihirap sa magkabilang panig. Pero ang tanong, sino ba ang may sala? Tama sabi mo kaibigan, hihintayin pa ba natin ang isang 20 taon ulit para malaman kung sino talaga ang may sala. Nakakatakot ang hinaharap at nakikita na natin kung ano mangyayari sa kaso ng Maguindanao massacre …

  5. enjoy says

    nakakapanghinayang at nakakadismaya. sadyang wala na nga yatang pagbabago ang sistema sa ating bansa. sana nga ay mali ako. pero tama ka na maraming pagkakataon na ang nasayang sa mabagal na takbo ng hustisya-ang kabataan ni Hubert Webb at ang pagkakataon na mahuli ang tunay na salarin.

    sana ay may dumating pang hustisya para sa mga Vizconde, kasabay nito ay ang paghilom na rin ng sugat ng nakaraan.

  6. LordCM says

    @Xcoder…
    Sir X sabi nila kaya raw nakapiring ang simbolo ng hustisya ay para maging patas ito sa lahat ng bagay, walang tinitingnan at tinititigan. ang problema naging bulag naman sila sa katotohanan…ngayon, paano pa nila matutukoy ang tunay na salarin?

    @enjoy…
    di ko alam enjoy kung meron pa nga bang darating na hustisya para kaya Mr. Lauro Visconde sa tagal ng panahon…sana nga lang meron pa, sana nga…

  7. Xprosaic says

    I already had a taste of our justice system… at gaya nga ng sabi… kung wala ka rin lang naman masasabing mabuti manahimik na lang… kaya tatahimik na lang ako just not to add fire… ang maibabahagi ko lang…. it's frustrating still na ganito ang justice system natin…

  8. Poldo says

    Parang di na bago ang ganitong klaseng pagpapatawad…

    Remember kay Ex-Pres. Erap… Naruon na ang ebidensya at may video pa pero ano? pinatawad at muntikan pang manalo nuong nakaraang eleksyon…

    Ganyan ang pinoy.. MAPAGPATAWAD! kahit wala na sa lugar (Kung Si Webb at yung 7 nga ang salarin)..

    Ngayon nasan na ang tumayong STAR WITNESS?? nasan na?? tsk tsk..

    hay pilipinas!

  9. LordCM says

    @xprosaic…
    magbabago pa kaya?

    @Poldo…
    Nakakatawa lang enoh, pinaalis nila sa pwesto tapos biglang muntikang manalo sa eleksyon…di na ba talaga nadadala ang pinoy?

    Kung si Jessica Alfaro ang tinutukoy mo parekoy! malamang nagtatago na yun…

  10. Jam says

    Tama ka nakakatakot kung pati ang mga Ampatuan e maabswelto pagkatapos ng kaso nila..Pinatunayan lang ng batas natin kung dapat pa nga ba natin silang sandigan sa oras ng pangangailngan…nakakalungkot…

  11. an_indecent_mind says

    halos dalawang dekada ang hinintay para lang maresolbahan. pero, naresolbahan nga ba? oo napawalang sala ang mga akusado pero kasabay noon ang pagguho ng hustisya para sa pamilya ng mga vizconde.

    ngayon, ilang dekada pa ulit ang hihintayin para mahanap ang mga totoong maysala?

    ganyan ba talaga ang hustisya sa pilipinas?

    ang simpatiya ko ay nasa pamilya vizconde.

  12. chikletz says

    walang kwenta talaga. epic fail kumbaga. pag ganun eh nakakawalang gana diba. paano ka aasa sa kanila kung ganito ipapakita nila.

  13. Sardonyx says

    grabe naman, 20 years para lang maprove na walang sala ang mga suspects? So sino na ngayon ang may sala? napakasakit nga para kay Mr. Visconde ang resulta na to. Ang Pilipinas talaga wala ng pag-asa kahit man lang sa hustisya, madaya pa rin. Hayyyy

  14. LordCM says

    @jam…
    kailangan yata may pera ka may sandigan ka 🙁

    @AIM…
    ang tanong parekoy, mahanap pa kaya nila? sa haba ng panahon malamang wala na ang mga ebidensya

    @chikz…
    ang masama pa, alam ng buong mundo na ganyan ang hustisya sa pinas

    @sardz…
    20 years! at kung tutuong walang sala si webb, biruin mo yun?15 years sya sa kulungan…hustisya talaga oo!

  15. says

    Ang Vizconde Massacre ang isa sa pinakamapait na katotohanan na kailanman ang hustisya sa ating bayan ay para sa mga taong may kakayahang ipagtanggol ang sarile tama man or mali. Nakakalungkot at inabangan ko ito since nung College pa ako at umasa na magkaraon ng tamang hustisya ang family ni Mr. Visconde.

    —-
    on side notes.
    Wait na lang natin kung magkatotoo man un sinasabi ng Prinsesa ng Japan at doon lahat tayo pantay pantay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *