Tayong Dalawa, Dalawang Taon…

Araw ng mga Santo nung maging tayo, wala akong mapagsabihan ng lahat ng nadarama ko nuon kaya pinilit kong maging tayo…Nung una nahihiya ako, Oo…Kasi alam kong marami ang makakaalam sa relasyon natin, marami ang pupuna, may ilang mangungutya pero ang maganda dito mas maraming sasang ayon at pupuri.

Siyam na buwan Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nung maging tayo. Di ko inakalang aabot tayo sa ganito…Mga unang linggo’y para wala lang, laro laro lang, pinipilit na gayahin ang relasyon na tulad ng nakikita sa iba. at ngayon nga, mas higit pa tayo sa iba…

Minsan ko nang sinubukang iwan ka, sa kadahilanang may napapabayaan akong iba pero di ko alam kung anong meron ka at hanggang ngayon tayo pa ring dalawa…Isa, dalawa o tatlong araw na wala ka, akala ko makakaya ko, hindi pala…kaya’t eto ako, kahit walang masabing iba, sinisilayan ka at inaasam na makasama, tinitigan ka at pilit pinadarama ang nasa puso’t kaluluwa..

Alam mo bang simula ng naging tayo’y marami nang nagbago? Oo, kala ko nga rin nonsense lang eh, wlang kwenta..pero heto’t nabigyan mo pa ako ng pagkakataong magbigay aral sa iba, magbigay payo, magmahal at higit sa lahat makatulong sa iba na walang inaasahang kapalit…at sa lahat ng ito kasa kasama kita.

Alam kong minsan nagiging korni ako, pero sana hayaan mo na…korni man para sayo o sa iba, alam ko isa to sa paraan na maparamdam kong di ka pa nawawala sa puso ko…Di ko alam kung hanggang kailan tayo, di ko rin alam kung hanggang kelan ka makikinig sa akin kasi naman di natin hawak ang bawat sitwasyon…wag na nga natin isipin yan, ang mahalaga sa ngayon kasama pa rin kita…tayo pa ring dalawa…

Para sayo, o aking blog, happy 2nd Year Anniversary…2 Years na kasi kami nitong aking blog, November 1 nung kami’y naging active sa mundo ng blogsphere…Sweet no?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    haverdey sa dungeon!

    more blogging years to come!

    sabi ko naman sayo masaya at madaming aral dito.. hindi magandang icoconfine mo lang ang pagka- "nonsense" mo sa isang forum lang..btw, hows BCO nga pala? ;))

  2. Mr. Thoughtskoto says

    Thank you, Mr. Dungeon, for sharing 1/4 of your life to KABLOGS and PEBA, we love having you, and congratulations!

  3. rainbow box says

    hapnibersari!!!! KISS!!!! KIIIIISSSS! lol!

    yung blog ko pala! nka 1 year na kame! hindi ko manlang napansin. shocks! my gas! tsk! dbale babawi nalang din ako sa second. =P

  4. zeb says

    pareng CM continue to inspire our fellow bloggers and keep blogging. Thanks for sharing your inner thoughts to us..

    Gobless you always.
    Peace out!! 😀

  5. Life Moto says

    hapi blogavesari brod sa inyong dalawa. marahil habang naandito tayo sa ibang bansa at d kasama ang ating pamilya ay matagal natin sya makakasama.

  6. Axl says

    yun oh… happie blogsary sa inyo aking kaibigan.. more blog entry to come…
    ni hao ma… Ohayou…. happie all soul's day

  7. Coffeeveggie addict. says

    happy anniversary….naks…two years na kayo ha….damihan mo pa ha ng pagmamahal…para lumaggo pa yung iyong isang minutong smile hehehhehhe….goodluck and more power to you!

  8. Dhianz says

    gaya gaya ka kuya CM.. 2 years den akoh… tsk! lol… happy 2 years sa inyoh ni blog moh…. have a super day.. Godbless! -di

  9. animus says

    hello LordCM!
    ang sweet naman! kinikilig ako sa inyo. happy anniversary!

    sana magtagal pa ang relasyon ninyo. madami kayong napapasaya at na-iinspire, isa na ako dun! 🙂

  10. Ishmael Fischer Ahab says

    ^_^ Akala ko naman kung sino ang tinutukoy mo. Yung blog mo pala yung ibinibida mo.

    Happy happy happy birthday sa blog mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *