Project SMILE – Outreach Program : Baguio

Dalampu’t dalawang oras simula nung isinapubliko ang proyekto ng Isang Minutong SMILE(IMS), nagdagsaan na po ang mga tulong mula sa mabubuting sponsor ng IMS…Mayroong mga nangakong magbibigay ng school supplies para maibahagi sa mga batang mag-aaral ng mapipiling eskuwelahan sa lungsod ng Baguio…
Humihingi po kami ng paumanhin sa lahat dahil ikakansela namin ang pakontest para sa mga Facebook User at Bloggers upang mabigyan daan at matutukan ang Project SMILE. Ang lahat ng makukuhang donasyon ay mapupunta sa mga batang mag aaral upang ng sa gayon makakita tayo ng napakatamis na ngiti mula sa kanila…
Magpapatuloy po ang proyektong ito hangga’t nariyan kayong may mabubuting kalooban, at upang mapagsilbihan namin kayo ng maayos, muli, isinasapubliko namin ang bagong bahay ng Isang Minutong SMILE…Bisita po kayo at add nyo na rin sa inyong pahina…

ISANG MINUTONG SMILE

Sa bagong pahina na lang po kayo magkumento 🙂
ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *