Picture, Picture!!!

Eto na naman ako, mangungulit sa inyo!. Di naman picture greetings ang hihingin ko sa inyo eh, saka malayo pa beerday ko. Pero parang picture greetings na rin dahil kailangan nyong magpadala ng picture sa akin.


Naghahanap po kasi kami model ng Isang Minutong SMILE. Yes!Model, kung picture mo ang mapipili, isasama namin ang picture mong naka-smile sa Isang Minutong SMILE Badge na ididisplay namin sa sidebar mula Dec. 8, 2010 hanggang Dec. 8, 2011.

Oo, mukha mo ang nakabalandra sa pahina ng Isang Minutong SMILE, yun eh kung picture mo ang mapipili.

Anong kailangan mong gawin? madali lang, kuha ka ng camera, smile ka, yung pinaka da best, pinakamatamis na ngiti mo, then i-timer mo ung camera o kaya tawagin mo si manong para picture-an ka. Ayun! padevelop mo na tapos display mo sa ilalim ng kama lolzz, hindi! save mo sa pc mo tapos padala mo sa akin.

Ipopost po namin sa Isang Minutong SMILE Fan Page ang inyong ipinasang picture. Pagkatapos ikakampanya nyo ang sarili nyong pagmumukha para i-like ng mga friends nyo, at ang pinakaraming like ay hindi pa mananalo! kasi kukunin pa namin yung sampung may pinakamataas na bilang ng “like” at mga hurado na ang bahala kung sino ang pipiliin nila sa sampung napili…

At oo nga pala, hindi makakapag like ng photo ang friends nyo kung di nya ila-like muna ang Isang Minutong SMILE Fan Page, kaya dapat i-like muna yung page saka i-like ung picture…kaya click mo na yung picture sa baba para ma-like mo ung fan page.

Pwede kayong magpasa ng picture hanggang Nov. 30. ang pag-like sa picture ay matatapos ng Dec. 3…at ang mapipiling picture ay gagawing badge at ibabalandra namin ng isang taon ang picture nyo sa sidebar 🙂

Ano?! Game?! Dito nyo lang ipasa isangminutongsmile@yahoo.com . at dapat ang subject ng email ay SMILE2010 para po tanggapin namin as valid ung picture nyo. kapag hindi ganyan ang subject, bahala kayo!

Comments po dun na lang sa Isang Minutong SMILE Page

ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *